Kayleen
Awkward. Kanina pa ito dumadaan sa isip ko tuwing mapapatingin ako kay Ashton na ngayon ay may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone nya. Dumaan lang kami kanina sa burnham park pero narealize ko na medyo wrong move iyon para sa aming dalawa. Lalo na nang makita namin ang lake kung saan maraming nakatambay na lovers at pamilya. Para kaming tumungtong sa mundo ng Wonderland. Hindi kami belong.
Kaya heto kami nasa coffee shop. Nakaupo kami sa isang table for two na nasa gawing bintana. Abala ako sa panonood ng mga taong dumadaan sa labas. May dalawang tasa ng hot chocolate sa harap namin ni Ashton at dalawang plate na may tig-isang slice ng strawberry cake.
Hindi ko na kaya ang katahimikan. Malimit akong maingay sa klase namin pero paano ka makakapag-ingay kung sobrang tahimik ng kasama mo? Baka masabihan pa akong jologs nito. Mayaman pa naman sina Ashton. Baka mas sanay syang kasama ang isang babaeng mahinhin at may class. Siguro nga ganon ang type nya, yung tipo na kahit galit na ay hindi tataas ang boses o mananakit.
“Ashton, hindi mo ba gusto yung cake?” tanong ko. Hindi kasi nya ginagalaw ang cake nya. “Gusto mo bang umorder ng bago? Ano’ng gusto mo?”
“N-No thank you,” sagot nya saka sya tumingin sa cake nya. “Okay na s-sakin to.” Muli syang tumingin sa cellphone nya na parang may binabasa. Baka nag-ffacebook.
“Sure ka ha? Kung may gusto kang bilhin sabihin mo lang sa’kin. Hwag kang mahihiya,” sabi ko sa kanya. Ako kasi ang bumili ng lahat ng kinain namin ngayon araw. Gusto nya sana na magbayad pero ayoko. Nakababatang kapatid sya ng bestfriend ko kaya dapat ko syang alagaan. At isa pa, bisita namin sya. Mapapagalitan ako ni Lola kapag di ko sya inasikaso.
Ininom ko na ang hot chocolate ko. May tatlong lumulutang na marshmallows sa iniinom ko. Naubos ko na ang kalahati ng cake ko nang may mapansin ako. Puro matamis ang inorder ko. Baka ayaw ni Ashton nang matamis? I-text ko kaya si Ashleen kung ano ang paborito ng kapatid nya na kainin?
“S-Sorry about w-what happened earlier.” Napatingin ako kay Ashton nang bigla syang magsalita. Pinaglalaruan ng tinidor nya ang cake sa harap nya. Tumingin sya sakin saglit na parang sinilip lang ang reaksyon ko.
Akala nya siguro galit ako o ano. Kawawang bata, ni hindi ko napansin na inaalala nya pala yon.
“Wala yon. Kalimutan na natin yon,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin bigla nang diretso kaya napalunok naman ako. Parang sobrang seryoso ng sasabihin nya sa akin na somehow nakaramdam ako ng takot. Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin nya.
“Do you like him?”
Napabuga ako ng hangin. “Sino?” napa-isip ako. “Si Steve? No. No. Hindi ko sya type,” natatawang sagot ko. Never!
Natahimik ulit sya. Kumain nalang ako ng cake. Plano ko na umuwi nalang kina Lola pagkatapos namin dito.
“A-Ano ba ang type mo?” nakayukong tanong nya. Nakatingin sya sa tasa nya at pinapaikot–ikot iyon sa platito nito.
BINABASA MO ANG
Dear Future Boyfriend
RomancePublished by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]