Dear Future Boyfriend,
Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa nakaraan kong entry tungkol kay Ashton. Wala pala syang girlfriend. Bigla akong na-guilty kasi walang idea yung tao na sinisiraan ko na pala sya sa mga sulat ko. Bakit ba kasi ang asumera ko? Ang hilig kong mag-jump sa mga conclusions tapos mali pala. Katulad nalang kay Ryan. Pinaasa ko sarili ko tapos nagmukha lang akong... Hay.
Oo nga pala, may ka-textmate ako pero nasabi ko na ‘yon sa’yo diba? Di ko alam ang name nya. Hindi naman kasi talaga sya si Nash Reyes. Di ko alam kung bakit ba natatakot syang magpakilala sakin. Nabawasan na rin ang creepy feeling kasi baka lumipat na sya ng school kaya ibig sabihin di nya ako mai-stalk sa school. Ang hirap kaya nun feeling na nahihiya ka magkamali kasi alam mo na may nakatingin sa’yo. Nahihiya tuloy akong magkamali bigla.
Paano kung bigla akong nagka-tagos? O kaya madulas sa hallway o madapa sa kalsada? Tapos nakita nya! Waaaaaah! Nakakahiya! Pero mas nakakahiya kung may recitation tapos di ko nasagot yung tanong. Alam kaya nya na mababa ang grade ko sa math? >.<
Ano kaya ang nagustuhan nya sakin? Ang sabi nya kinakabahan daw sya kapag nakikita ako. Kinabahan din ba ako kay Ryan? Konti kasi mas angat yung excitement. Pero erase na si Ryan. Di ko na sya gusto. Bakit ko ba sya lagi sinisingit dito? Kasi wala akong ibang mapag-compare-an. Sya lang kasi naging crush ko eh.
Tama ba tong ginagawa ko na nakikipag-textmate? Wala naman daw masama sabi ni Ashleen. Kung sabagay uso rin naman yun. Pero wala talaga akong balak na makipagkita sa kanya. Kasi laging sinasabi nina Mama, nasa huli ang pag-sisisi. Ayoko nalang sumugal.
Love,
Kayleen
BINABASA MO ANG
Dear Future Boyfriend
RomancePublished by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]