Kayleen

295K 6.8K 2.1K
                                    

Kayleen

Hindi talaga ako magaling sa math. Kahit kailan pagdating sa numbers naba-blanko ang isip ko lalo na kung may kasamang letters yon at kailangan i-solve. Siguro yon ang dahilan kung bakit di ako masyadong tumitingin sa tamang sukat ng mga ingredients sa paggawa ng cookies at cakes. Naging guide ko lang sila noong una, pero may sarili na akong sinusunod na recipes ngayon na ako mismo ang gumawa. Siguro yon ang dahilan kung bakit iba ang lasa ng gawa ko sa mga binebentang cakes sa mga cake shops. Siguro yon din ang dahilan kung bakit ba naadik si Gio sa mga gawa ko. Hindi ko naman alam na magiging issue pala yon sa amin  ni Ashton.

“Sorry, late na ba ako?” tanong ko kay Ashton nang makaupo ako sa harap nya. Nasa isang sweet shop kami na napapaligiran ng libro. “Kanina ka pa ba?”

Umayos sya nang upo. “H-Hindi naman.”

Sinungaling. Dumating ako rito nang nine-thirty pero nauna parin sya sa akin. Balak ko pa naman na panoorin syang pumasok mula sa pinto. Ang aga nya pero mabuti nalang di nya ako nahalata kasi nagtetext sya sa akin non. Nakaupo ako sa tagong parte ng shop kanina pa at pinapanood syang maghintay sa akin.

Gustong gusto ko talagang syang pinapanood. Kahit na hindi sya tumutugtog ng gitara, gusto kong pinapanood ang bawat galaw ni Ashton. Hindi ko alam kung creepy yon kasi gusto ko naman sya kaya magandang excuse yon sa pagtitig ko. Ginagawa naman yon ng ibang tao diba?

“Anong gusto mong orderin?” Sumenyas sya sa isang waiter.

Tinignan ko ang cup ng hot chocolate sa lamesa namin. Nakita kong inorder nya yon kanina, halatang lumamig na ito ngayon.

“Vanilla shake at peanut butter oreo pie nalang.”

Inulit ni Ashton ang sinabi ko sa waiter at umalis na ito para asikasuhin yon. Umikot ang tingin ko sa buong shop. Kulay puti ang mga lamesa, makukulay naman na pink, purple, yellow, green, blue at orange ang mga silya. Sa unang tingin parang may sumuka ng rainbow sa buong shop pero it worked naman dahil enjoy tumingin-tingin at hindi intimidating. Gusto ko rin ng shop na ganito balang araw.

Bumalik ang tingin ko kay Ashton na pinapanood pala ako. Napaiwas pa sya ng tingin nang mahuli ko. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nya. Hindi ba sya nakatulog?

“Paano mo naisip na kami ni Gio?” umpisa ko. “Sya ba ang nagsabi sa’yo?”

Nakita ko syang napangiwi sa tanong ko. Hindi nya ako tinignan. Tinutok nya ang mata nya sa malamig nang chocolate drink.

“May na-receive akong pictures nyo ni Gio habang nasa supermarket kayo. Meron din kayong kuha na magkasama hanggang sa bahay nyo.”

“At naniwala ka kaagad?”

This time tumingin na sya sa akin.   

“Alam kong dapat nagtanong ako pero di kita malapitan. Tumigil ka na sa pagpunta sa bahay namin, hindi mo sinasagot ang texts ko pati narin nang pumunta ako sa bahay nyo umiwas ka. Tinanong ko si Ashleen pero wala rin syang alam. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kaya nang makita ko ang mga pictures, naisip ko na sya ang dahilan. Na baka sya na ang gusto mong kasama at hindi ako. Na nahihirapan ka lang siguro na sabihin sa akin na tigilan ka na kaya iniwasan mo nalang ako.”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon