Kayleen

432K 11.3K 4.9K
                                    

Kayleen

One year later...

Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ng bintana sa coffee shop na malapit sa school namin. Malamig sa kamay ko ang inorder kong caramel macchiato. Tumingin ako sa puting wristwatch ko na advance ng limang minuto, maaga ako ng fifteen minutes. Kinuha ko mula sa shoulder bag ko ang tablet ko at nagbasa ng Harry Potter and the Deathly Hollows, malapit ko nang matapos ang buong series ng Harry Potter. Kung hindi lang sana ako naging busy sa college, sigurado natapos ko na ‘to dati pa.

“Kayleen,” tawag sa akin ng boses ng isang lalaki.

Inangat ko ang tingin ko mula sa binabasa ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng mesa sa harap ko.

“Ryan.” Nginitian ko sya.

Umupo sya sa bakanteng silya sa harap ko.

Dumaan ang isang taon at mas naging gwapo si Ryan ngayon. Mas maraming babae ang na-inlove sa kanya sa school. Kahit highschool students nabibihag nya. Naging MVP din sya sa basketball tournament this year.

“Kumusta OJT mo?” tanong nya sa akin.

“Okay lang, marami akong natutunan,” nakangiti kong sagot.

Tumango sya ng isang beses at uminom sa hawak nyang cup.

“May kailangan ka?” tanong ko. Inangat ko ang baso ko at uminom.

“Nakita kita mula sa table ko kanina. Fourth year na tayo sa susunod na school year, may gusto lang akong sabihin sa’yo na matagal ko nang gustong sabihin.”

Ibinaba ko ang baso ko at kumuha ng tissue mula sa mesa para punasan ang nabasa ko ng kamay.

“Ano yon?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Gusto kita.”

Napatingin ako kaagad sa kanya sa sobrang gulat. May gusto sa akin si Ryan? Matagal na nya akong gusto? Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bakas ang nerbyos sa ginawa nyang pagtawa nang makita ang expression ko. Hinawi nya ang buhok nyang medyo humahaba na. A year ago, gagawin ko ang lahat mahawakan lang ang buhok nya.

“Una kitang napansin noong nabangga mo si Ashton sa hallway. Ang bilis ng takbo mo noon, na-cute-an ako sa’yo simula non.”

Ikaw dapat ang nabangga ko noon Ryan at hindi si Ashton. Napangiti ako nang maalala yon. Gustong-gusto ko pa si Ryan noon na kung anu-ano ang plano na ginawa ko para lang mapansin nya pero palagi nalang akong pumapalpak.

“Pero matagal na yon hindi ba?”

Binigyan nya ako ng ngiti na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ng kung sino mang babae.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon