Kayleen

204K 6K 3.3K
                                    

Kayleen

“Tulog pa si Ashton.” Nakabalik na si Ashleen sa kwarto. 

Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko talaga dinudurog yung puso ko. Feeling ko, ang kapal ng mukha ko para mag-assume! Nahihiya ako sa mga naisip ko! Sobrang nakakahiya! Gusto kong umiyak at mag-tago nalang sa bahay forever. Ayoko na ulit magpakita pa ng mukha kay Ashton!

“Sissy, okay ka lang? Parang namumutla ka na.”

“Uuwi na ako Ashleen.” Ngumiti ako ng pilit. “Medyo sumakit kasi ang tyan ko. Ang dami ko yatang kinain na pie kanina.” Tumawa ako nang mapakla.

Nagmamadali akong tumayo.

“Wait lang Kay!” Inabot nya sa akin ang box ng pasalubong nya sakin. “Don’t forget this. Gusto mo ba ipahatid kita sa driver?”

Umiling ako. “Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin. Tsaka sa layo ng byahe nyo, sure ako na medyo pagod pa ang driver nyo. Ayoko naman mang-istorbo pa.”

Mahina akong hinampas ni Ashleen sa braso. “Ano ka ba? Hindi ka istorbo. Sure ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Medyo mabigat pa naman to. Sasabihin ko sana kay Ashton na ihatid ka, kaso nakatulog eh.”

“Kaya ko mag-isa. Hwag mo na syang gisingin. Kaya ko naman.”

Lumabas kaming dalawang ng kwarto nya at hinatid nya ako hanggang sa may gate ng bahay nila.

“Itext mo ako kapag naka-uwi ka na, okay?”

“Oo naman. Sige, bye Ashleen.” Ngumiti ako sa kanya bago ako nagmamadaling lumakad palayo.

Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Hindi sya si Mr Creeper. Hindi sya yon. Ang tanga ko! Bakit ba ako umasa? Lumakas ang iyak ko at nanginginig na ako dahil sa pag-hikbi ko. Nang makalabas ako ng phase three, umupo ako sa sidewalk at ibinaba ang box na dala ko. Doon na ako tuluyang umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin na kung sino man. Ang sakit pala mag-assume tapos mali ka! Maling mali ka ng inakala!

Akala ko talaga si Ashton yon. Akala ko talaga sya yon! Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba naisip yon?! Coincidence nga lang ang lahat. Bakit ba kasi?!

Komo ba parehas na nakatanggap ng texts si Ashton noong oras na nagtext ako, inakala ko na kaagad na sya yon? Diba nga sabi ko non, coincidence lang yon lahat! Kasi nga imposible.

Bakit naman nya ako magugustuhan? Mas matanda nga ako sa kanya eh. Tsaka... ano pa ba? Hindi naman kami magka-level!

Mas napaiyak ako nang marealize ko na ang layo pala ng agwat namin sa isat-isa.

“WAAAAAHHH!” napapadyak pa ako sa semento.

“Kayleen!”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon