Dear Future Boyfriend,
Napagalitan ako ni Mama kaninang umaga. Hindi kasi ako natulong sa pagluluto. HRM student ako pero hindi ako marunong magluto. Alam mo kasi may reason yan. Ayokong maghiwa ng hilaw na karne. Nandidiri ako na hawakan yon. Iniimagine ko na dino-double dead ko ang isang baboy, baka o manok. Diba? Nakakadiri. Hindi ko kayang hawakan ang hilaw na karne. Kahit pumatay ng naghihingalong tilapia hindi ko kaya! >.<
Hindi ako vegetarian pero gulay lang ang kaya kong lutuin. Sana marunong kang mag-luto. Para kapag nag-picnic tayo may makakain tayo. :D
Love,
Kayleen
BINABASA MO ANG
Dear Future Boyfriend
RomancePublished by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]