Chapter 1

19 3 0
                                    

Ako si Timothy Bautista at kabilang ako sa mga exchange students ngayong taon. Mapalad ako dahil nabigyan ako ng scholarship kung kaya't hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito, upang matupad ang aking pangarap na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya.

Sa kalilingon ko hindi ko napansing  nakabangga na pala ako. "Sorry Ms. hindi ko po sinasadya." paghingi ko ng tawad, habang nakayuko at nakadaop ang mga palad.

"Ayos lang, pasensya na rin kasi hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. May hinahanap kasi ako sa bag," sambit nito at saka ipinagpatuloy ang paghahalughog sa bag.

"Pasensiya na po talaga, bago lang kasi ako dito at masyado akong namamangha sa laki ng school," sambit kong muli, napakakamot sa ulo.

"At last! Nakita ko na rin!" sigaw nito, dahilan ng pagkagulat ko. Ilang sandali siyang natahimik bago tuluyang natawa.

"Pfft, pasensiya na" tumatawa pa ring sambit nito. "By the way, anong year mo na ba?" tanong nito nang makarecover sa pagtawa.

"Fourth year?"  nag-aalinlangan kong tugon.

"Hindi ka sure?" natatawang tanong niya sa akin. Agad akong umiling hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang mapatawa.

"Pasensiya na, nahihiya kasi ako," paliwanag ko sa kaniya. "Naku ano ka ba, okay lang. Anong section mo?" karagdagang tanong niya.

"Rizal" tugon ko sa tanong niya.

"Oh? Parehas pala tayo, 4th Year-Rizal. Sabay ka na sa kin?" hindi ko inaasahang sambit niya.

"Wow totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko, nang tingnan ko siya ay marahan siyang tumango. "Maraming salamat, ako nga pala si Timothy Bautista, Tim na lang." pagpapakilala ko sa kaniya habang naglalakad.

"Maria Del Mundo" pagpapakilala naman niya.

"Seryoso? Maria pangalan mo?" hala offesive ba yung tanong ko? Sana hindi siya na-offend.

"hahaha oo eh, old class kasi mama ko eh"

"ay kaya pala"

"hahaha sige andito na tayo oh"

hindi ko inaasahang magiging ganto ang bungad sakin dito, akala ko kasi mga spoiled ang mga tao pag sa sikat na paaralan napasok. sa totoo lang iba yung naramdaman ko kay maria. hindi naman sa nahulog ako sa kanya pero parang na hook ako sa kanya, bukod sa maganda ay mabait sya kaya madali kang hahanga sa kanya.

MARIA Where stories live. Discover now