Chapter 5

6 1 0
                                    

kagaya ng sinabi ko, dinala ko sya dito sa bukid sa may palayan namin, magpapalipad kami ng saranggola. kausap si maria ng mga kapatid ko at tinuturuan magpalipad ng saranggola habang naisipan ko naman gumawa ng tula para kay maria, matapos ang kinseng minuto natapos ko na ang tula at marunong na magpalipad ng saranggola si maria, habang nagpapalipad ng saranggola si maria nilapitan ko sya at humarap sa kanya "wahh tim! ang galing oh marunong na ko, tingnan mo!" nginitian ko sya at sinabing "maria, makinig ka muna may hinanda ako para sayong tula

Hayaan mong maging saksi ang puno, ibon, bulaklak, at ang saranggolang pinalilipad mo,
Sa kung paanong ilahad ko sayo ang mga pangako ko, at ang patunay kung gaano ko kamahal ang isang tulad mo..
Maria, sa pangalan mo palang ako'y nabighani na at nung makita ko pa ang mapupungay mong mga mata, aaminin kong ako'y hulog na hulog na.
Salamat dahil sa binigay mong tyansa para mapakita ko sayo kung gaano kamahal kita, at kung gaano ka kahalaga.
Pangako maria, hinding hindi na ko mag aatubiling tumingin pa sa iba, dahil ikaw lang para sakin ay sobra sobra na.
Mamahalin kita ng sobra at huwag kang mag alala dahil sa puso ko, ikaw lang mag isa!"

"pasensya na maria, yung tula ko hindi ganom kaganda pero promise yung mga salita na bumuo dun sa tula, sa puso ko nagmula." pagtingin ko kay maria may butil na sya ng luha sa mukha, pinunas ko agad yung luha na tumulo "bat ka nag iiyak mahal ko?" hindi nya ko sinagot, sa halip ay pinunasan nya yung mukha nya at tumingin sakin ng diretso sa mata

"Tim! hayaan mong maging saksi sa ala alang ito ang mga puno, bulaklak, ibon, at ang saranggolang pinalilipad ko.
Aaminin ko sayo na hindi ko gusto ang ma attach sa isang tao,
pero hindi ko alam kung paano mong natibag ang pader na itinayo ko.
Nabihag ako ng mga mata, kilay at pilik mata mo, pati na rin ang matangos na ilong mo, at labi mong mamula mula sa paningin ko.
Hindi ko ginusto ang mahalin ka, pero heto ako sumusugal ngayon sa harap mo.
Hindi ko man maipapangakong habang humihinga ka, ay palagi mo kong kasama.
Pinapangako ko na saksi ang puno at hangin na habang humihinga ako, ikaw lang ang aking mamahalin.."

MARIA Where stories live. Discover now