Chapter 10

8 1 0
                                        

to be continue..

"maria has a

cancer.."

parang nalunok ko ang dila ko at hindi makapagsalita dahil sa sinabi ni mrs. del mundo

"3 years ago na diagnose na may cancer si maria and worst, brain cancer.. she's just 14 that time nung unang beses syang nagreklamo sa amin na ang sakit daw ng ulo nya at parang pinipiga, dinala namin sya agad sa hospital at sinabi sa amin ng doctor na meron nga daw brain cancer si maria, tinanong si maria ng doctor kung yun daw ba ang unang beses na sumakit ang ulo nya, pero nagulat kami dahil umiling sya at sinabi na hindi daw yun yung unang beses na sumakit yung ulo nya, tinitiis lang daw nya ito at umiinom ng pain killer para hindi daw kami mag alala.

sinabi ng doctor na inaasahan na daw nya na ito ang magiging sagot ni maria dahil malala na daw ang sakit nya.. stage 4 brain cancer, sinabi ng doctor na baka hindi na daw umabot ng 5 years ang buhay nya, maximum of 4 years na lang ang itatagal nya. Ayaw din ni maria magpa chemotherapy, sinabi nya sa amin na mamamatay din naman daw sya bakit kelangan pang magpa chemo, gastos lang daw yun. at simula nung araw na yun ipinangako nya sa amin na she will live her life to the fullest pero ang mas masakit hindi nya rin magagawa lahat ng gusto nya, kasi may sakit din sya sa puso at simula pa yun nung bata sya. hindi pwede sa kanya na makaramdam ng sobrang emosyon, magmasaya man yan o malungkot at mas lalong hindi rin sya pwedeng makaramdam ng pagod..."

napaupo na rin sa sahig si mrs. del mundo at napahagulhol

"tim! bakit kailangan si maria? bakit hindi na lang kami? ang dani naman dyang masasama diba? bakit si maria pa na napakabait? na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin kami? hindi ko maintindihan tim!"

sabi ng mama ni maria na para bang nawawalan na ng pag asa at gustong isumpa ang mundo

lumipas ang ilang minuto at nasa ganto pa rin kaming tayo, hindi kami malagalaw at may natulong luha sa mga mata namin

"ma.." biglang sabi ng nagising na si maria

dali daling tumayo si mrs. del mundo at inalalayan si maria

"maaaaaa!!! ang sakiiiit!!!!" muling pagsigaw nanaman ni maria na gumimbal sa mga tao dito sa mansion

dali daling nagsi akyatan ang mga kasambahay na may dala dalang kung ano ano; baso, tubig, pamaypay, gamot, at bimpo

habang ako, tulala pa rin dito at nakatingin sa kanila.

namimilipit sa sakit si maria at nagpaikot ikot na sa higaan nya,

pagharap nya sakin ay bigla syang napatigil sa pag daing

"t..im? a..anong ginagawa mo dito?"

MARIA Where stories live. Discover now