hindi ko na kinulit pa noon si maria, inihatid ko na sya pagkatapos nyang maligo at magpalit. hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit hindi pwede, sinabi nya na mahal nya ako at hindi hadlang yung estado ko sa buhay kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwede. napagdesisyunan ko munang umiwas sa kanya para na rin mabigyan sya ng space, baka kasi shock pa rin sya nangyari. pasok uwi na lang ang routine ko wala ng tambay tambay kasama sya, at hindi na rin kami nag uusap kasi pansin ko na parang pati sya ay dumidistansya na rin.
ilang buwan na ganon ang lagay namin at hindi ko na natiis, akala ko malilimutan ko sya pag iniwasan ko sya, akala ko mawawala ang feelings ko sa kanya pag hindi ko na sya nakakasama pero parang mas lumala pa. napagdesisyunan ko na pumunta sa bahay nila at personal na humingi ng permiso para ligawan sya sa mga magulang nya tutal sabado naman.
pagdating ko sa kanila nakailang door bell ako bago ako pagbuksan ni yaya melda, katulong nila. "uyy tim napadalaw ka, tagal mo na ring di napapadpad dito ahh"
"oo nga po yaya melda eh, andyan po ba sila mr. and mrs. del mundo?"
"ayy oo tim bakit may sadya ka ba sa kanila?"
"opo yaya melda"
"ay sige tuloy ka"
"uyy ayan na baka mangungutang yan porke kaibigan nya si mam maria"
"nagtetek adbanteds yan kay mam maria ay" bulong bulongan ng mga kasambahay nila dito. binalewala ko lahat ng mga sinasabi nila at matapang na sinuong ang bahay nila.
"magandang umaga po mrs. del mundo!"
"oyy iho napadaan ka, bihira ka ng pumunta dito ah, saglit lang tatawagin ko si maria"
"ay hindi po mrs. del mundo kayo po ang sadya ko"
"ako iho? anong sadya mo sakin?"
"mrs. del mundo gusto ko pong hingiin ang permiso ninyo ni mr. del mundo para ligawan ang anak nyo, ma'am pinilit ko pong itago at alisin ang nararamdaman ko para sa anak nyo, iniwasan ko na rin po sya pero kahit anong gawin ko hindi ko maalis alis at parang habang tumatagal ay lalo lang nalala ang nararamdaman ko para kay maria. hindi po ako nagtetake advantage sa kanya, oo alam ko pong baka hindi nyo ako payagan dahil sa estado ko sa buhay pero ma'am andito po ako ngayon nagbabakasakali dahil mahal ko po ang anak nyo!" nakaluhod na ako sa harap ni mrs. del mundo habang magka daop ang palad
![](https://img.wattpad.com/cover/201577345-288-k885060.jpg)