pagkatapos nung pangyayaring yun, hindi ko namalayang naglalakad na pala ako ng tulala sa bangketa, ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi nung mga panahong yun, laking pasasalamat ko kasi hindi ako napahamak nung mga oras na yun.
I'm first year college now with a course of business administration, dito pa rin ako nag aaral kasi may college din naman dito at maganda ang turo kaya bakit pa ko malipat diba.
I'm still inlove with her.. hindi pa ako moved on pero masasabi ko na hindi ko na sya ganun kamahal kasi kahit na ilang months pa lang kaming naghiwalay, napalitan na ng galit yung kalahati ng pagmamahal ko sa kanya. hindi ako katulad nung iba na kapag hiniwalayan magpapakagago na, mas gugustuhin ko pang iangat yung sarili ko para mapakita ko sa kanila na hindi ako mahahatak pababa dahil sa ginawa nya at mas gagawin ko pa yung motivation para umangat. inisip ko kung bakit sya nakipaghiwalay, sabi ko sa sarili ko baka sa estado namin sa buhay, kaya pinangako ko sa sarili ko na magsisikap ako para makaahon sa lusak.
naglalakad na ako papunta sa classroom ko ng marinig ko ang usapan ng mga estudyante dito sa area ng tambayan
"hoy alam nyo ba yung usap usapan?" tanong nung isang babae
"dengue? na dengue yung teacher?" sabi nung katabi
"hindi yun!"
"alin? yun bang kay ate Maria?" sabi naman nung isa
naagaw ang atensyon ko ng mga naguusap
"ang lala na daw pala nung sakit nya ano?" sabi nung unang nagsalita
"pano mo naman nalaman yan?" tanong nung katabi nya
"remember kapatid ko si ate jenny na kaibigan ni ate maria"
nagbell na kaya nagmadali akong lumakad papuntang room at iniisip ko din kung ano yung pinagkukwentuhan nung mga estudyante kanina.
~after a while~
tapos na yung klase ko at hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung about kay maria na pinagkukwentuhan kanina,. may sakit sya? hindi ko alam kung tama ba yung pagkakarinig ko pero parang ganun nga yung sinabi nung mga estudyante dun kanina. ano naman kayang sakit? hahaha baka lagnat lang, karma mo na ba yan maria dahil sa pananakit na ginawa mo sakin? pfft
nandito na ko sa gate ng may marinig nanaman akong nag uusap about kay maria,
girl: hoy adam! alam mo ba na malala na daw yung kondisyon ni maria?
adam: paki ko naman dun
boy: amp hahaha, porke nabusted ka lang dati ni maria eh
girl: hahaha kaya nga, pero aminin mo adam gustong gusto mo si maria dati diba?
adam: aminado ako kasi sino ba namang hindi magkakagusto da kanya? nasa kanya na lahat! maganda, matalino at higit sa lahat mabait.
