March 30
graduation namin ngayon ni maria, at hinihintay ko sya dito sa gate ng school, sa may gate na kung saan ko sya unang nakita, at nakausap. sa may gate na kung saan una akong nabighani sa kanya. beep beep, may itim na van ang tumigil sa gate at lumabas doon si maria, kasama ang mama nya at mga kasambahay nila. "hoyyy! para ka namang nakakita ng multo dyan eh!" sabi sakin ni maria "hindi multo yung nakita ko, isang dyosa yung nakita ko, ikaw ba yan Aphrodite?"
"ayieeee" panunukso ng mga kasambahay nila "ay naku timothy tigilan mo ako sa pambobola mo, asan na nga pala sila nanay fe?"
"nag text na sila sakin nakababa na daw sila sa terminal ng bus at papunta na sila"
"ang gwapo naman nitong si timothy!" sabi ni mrs. del mundo
"ay syempre, kanino pa baga magmamana itong anak natin, ay di sa akin!" biglang sulpot ni mr. del mundo na nagparada nung sasakyan "hahaha" tawa namin, "naku tara na at baka mahuli pa itong sila maria, sa loob mo na lang hintayin ang pamilya mo timothy" sabi ni mrs. del mundo kaya pumasok na kami, di din nagtagal ay dumating na sila nanay.
"magandang umaga po, kayo po pala ang magulang ni maria" sabi ni nanay fe kay mrs. del mundo "ay ako nga, magandang umaga rin, ang ganda naman pala ng lahi ninyo timothy" balik naman ni mrs. del mundo "ay oo nga po hindi nga po namin alam kung bakit!" sabi naman ni criza na naging dahilan ng tawanan namin, andito rin sila auntie kaya ang dami namin. "grabe may pinagmanahan po pala si ate maria ng kagandahan at kabaitan, hindi po maitatanggi na kayo ang magulang ni ate maria" sabi naman ni den kaya mas lalo lang nagka tawanan, habang nakaakbay ako kay maria at nanonood sa kanila at syempre masaya.
"Timothy Bautista our class First Honorable Mention, Best in Filipino, Mathematics, and Araling Panlipunan" pagtawag sakin nung adviser namin kaya umakyat na ko ng stage kasama si nanay "whooooo kuya namin yan! go kuya! go kuya! ang galing mooooo!" pagsigaw nila sa baba at syempre kay crizang boses yung nangingibabaw, pagtingin ko kay maria at sa pamilya nya, pumapalak rin sila. ngumiti sakin si maria, ngiti na makikita mo talagang sobrang saya nya. di nagtagal at tinawag na rin si maria.
"Del Mundo Maria!" tawag ng adviser namin sa kanya kanya umakyat na si maria sa stage kasama si mama at papa "Our class Valedictorian, Best in Mathematics, English, Filipino, and Science" dagdag pa nung adviser namin. tumayo ako at sumigaw "whooooo girlfriend ko yaaaaan!" kaya nagkantyawan ang mga tao sa buong gymnasium ng school.
~~
nandito kami ngayon sa bahay nila maria, dito na kami pinapunta ng magulang ni maria kaya dinala din namin dito yung kaunti naming handa. hanggang ngayon di pa rin maubusan ng kwento at kantyawan. bigla ni mariang pinatugtog yung kantang 'superhero' ni lauv, napangiti ako sa kanya at naalala ang munting si shanelle.
natapos na ng alas onse ng gabi ang pagdiriwang kaya dito na kami pinatulog ng mga magulang ni maria. andito kami sa garden nila nakaupo habang nakatingin sa mga bituin sa langit. "dun, dun ako sa terrace ng kwarto ko natingin ng stars, hanggang sa makatulog ako kaya ginagalitan ako nila mama kasi nalalamigan daw ako, minsan nga sinabi nya sakin na dapat daw di na nilagyan ng kama sa kwarto ko hahaha" nakatitig lang ako sa kanya habang nagkukwento sya, kinakabisa ang napakaganda nyang mukha at pinanonood ang pagtawa nya. "anim na araw na lang birthday mo na, hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na iregalo sayo" sabi ko sa kanya ng nakatitig pa rin "sinabi ko naman kasi sayo na kahit wala ng regalo diba, hindi naman kasi ako mahilig dyan" sabi nya sakin, nginitian ko lang sya dahil sa bawat salitang sinasabi nya mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya, bumalik na lang kami sa panonood ng stars "alam mo ba, na kapag tumingin ako sa stars, gumagaan yung pakiramdam ko lalo na nung wala ka pa sa buhay ko, sa oras na malungkot ako, galit sa mundo o di kaya ay depress, basta tumingin ako sa stars gumagaan yung pakiramdam ko, at alam mo bang naniniwala ako na yang mga stars na yan, sinisimbolo nyan yung mga taong mahal natin na pumanaw na, kaya pag tumingin ako dyan, si lola yung naiisip ko. mama ng mama ko, alam mo sya yung nag alaga sakin nung bata pa ako at mahal na mahal ko sya kaso kinuha na sya sakin ni God kaya tumitingin na lang ako sa stars. kaya ikaw! pag nawala ako.." nagulat ako kaya napabangon ako,"anong mawawala? hindi ka pa sakin mawawala, at kung mawala ka man, kasama dapat ako!" sabi ko sa kanya "kapag lang naman kunwari lang, atsaka hindi pwede ano, kapag ako lang ako lang! opppss ako muna mag sasalita wag ka sasabat ha! basta pag nawala ako, tumingin ka lang sa stars pag namimiss mo ako,!" napatahimik ako ng saglit "pero hindi ko kaya pag nawala ka, mas gugustuhin ko pang ako ang mauna.." matamlay na sabi ko "anong hindi kaya? kayanin mo, baka dumating yung oras na mangyari yun...
at hindi ko gugustuhing masaktan ka"
"hindi naman talaga ako masasaktan kasi hindi mangyayri yun!" at ngumiti pa ako sa kanya "yahh wag nga ganyan ang pagusapan natin!" napansin kong humawak sya sa pisngi nya at parang may pinunas
"naku tayo ay matulog na at umaga na 12:03 na" sabi ni maria
"oo nga ano, sige matulog ka na ha, wag nang tumingin sa stars pagdating sa sa kwarto ha! good night, mahal! see you in my dreams! sleep well!" at hinalikan ko sya sa noo "i love you" sabi sakin ni maria "i love you too"
**