5 months na kami ni maria at going strong relasyon naming dalawa, ngayong araw nga ay papunta kami sa sunflower farm dito sa lugar nila, sabi sakin ni maria na nakapunta na daw sya dito nung 3 years old sya at ngayon na lang mauulit.
"timothy! ayun na nakikita ko na sya" sabi sakin ni maria, sinilip ko sa bintana ng bus at nakita ko na nga ang gate na may nakalagay na sunflower farm. hinigit na ko palabas ni maria at tumakbo papunta sa loob.
"woaaah!" yan ang unang lumabas sa bibig ko pagkakita ko, grabe ang ganda talaga, yung iba mas mataas pa samin at as in punong puno dito ng sunflowers. napansin ko si maria na tahimik kaya tinanong ko sya kung bakit, "namiss ko ito sobra, grabe ang ganda talaga ng sunflower.." at yun yunh sinagot nya sakin, bigla ako may naalala at nag sisi na ngayon ko lang to naisip, "uhmm.. maria, kailan nga pala ang birthday mo? pasensya na ha, ngayon ko lang naisip na itanong" sabi ko habang nagkakamot ng ulo "ay, sus ayos lang yun hindi pa naman ako nagbi birthday eh, kasi sa april pa birthday ko, april 5" sabi nya sakin, naglatag na rin kami ng blanket at umupo kami dito sa isang part na kung saan kitang kita mo yung magagandang sunflower "ayy buti naman, akala ko kasi natapos na ng hindi ko alam eh, pasensya na ha, ngayon ko lang naisip na itanong" tumingin sya sakin "ayos lang yun" humiga sya sa lap ko at pumikit, "ang sarap ng simoy ng hangin dito" tinitigan ko lang sya at tumango kahit di nya nakita, napapikit na rin ako at dinamdam ang sariwang hangin. march na nga pala ngayon at ngayong buwan din kami magtatapos ni maria. saglit lang march na ngayon, ibig sabihin next month na ang birthday ni maria, ano kayang magandang iregalo sa kanya? "hoy! bakit parang tulog kana dyan?" sabi sakin ni maria, "hindi ah, may iniisip lang ako" , "ano ba yun? maaari ko bang malaman?" ngumiti sya sakin at nag please pa, "iniisip ko kasi kung anong ibibigay ko sayo next month sa birthday mo"
"ngii, yun lang ba? sa totoo lang hindi ako yung tipo ng tao na mahilig sa mga materyal na bagay"
"alam ko na yun maria, sa loob ng walong buwan kitang kasama, kabisa na kita at masasabi kong hindi mahilig sa materyal na bagay ang mahal ko, kaya nga mas lalo akong nahihirapang mag isip ng ibibigay sayo"
"hindi na kailangan tim, ayos na sakin ng presensya mo sa kaarawan ko"
"hindi naman ako papayag ng walang ibibigay sayo na kahit ano"
"hindi na nga kasi, masaya na ako na kasama kita sa araw na yun"
"naku maria, wag ka ng makipagtalo kasi hindi ako papayag"
"i met a superhero, i lost her, i want her back" nagulat kami ni maria kasi bigla kaming nakarinig ng tugtog, tumingin kami sa paligid at may nakita kaming bata dun sa part na puro sunflower na may dalang cellphone. nagkatinginan kami ni maria at patakbong kinuha yung bata, binuhat ko yung bata at dinala sa pwesto namin kanina. "tiiim! ang cute nya" sabi sakin ni maria na tuwang tuwa, inihiga ko yung bata sa blanket kasi baby pa sya mga 2 years old pa lang ata ito kung tatantyahin ko, hindi naman sya nagpupumiglas at tumitig lang sya sa amin, hindi nya binibitawan yung cellphone na hawak nya. "maaam..ma" nagsalita yung bata kaya nagulat kami ni maria, tumawa yung bata kaya mas lalo kaming nagulat. "maria! mama daw, gusto ka nya ata maging mama mahal" tinitigan ni maria yung bata at nginitian, tumawa yung bata kaya mas lalo si mariang natuwa sa kanya. "pa..pa" tinuruan ni maria magsalita yung baby kaya natutuwa akong panuorin sila, tinatawanan sya nung baby habang nagtuturo sya magsalita kaya nanggigigil si maria sa kanya, natutuwa ako sa kanilang dalawa kaya kinuhaan ko sila ng picture. naghanap ako ng tao dito at may nakita akong malapit na staff, tinawag ko sya at nagpapicture kami nila maria, habang karga nya yung bata at ang background namin ay yung mga sunflower, "say cheese"sabi nung staff at sakto namang pagpicture nya ay tumawa yung bata, umalis na yung staff at nilalaro namin yung bata ng biglang may sumulpot na babae "ay naku, andito lang pala yang si shanelle kanina ko pa yan hinahanap" nagulat kami ni maria kaya tinanong namin sya kung sinong shanelle, at sinabi nya samin na si shanelle ang batang nakita namin, 1 and a half year old lang pala ito at katabi ng sunflower farm na ito ang orphanage kung saan nakatira si shanelle, ang hawak hawak daw nitong cellphone ay sa kanya pinakikinggan daw lagi nito yung kanta na narinig namin kanina, gumapang daw ito dun sa may maliit na butas na nasa pagitan ng orphanage at nitong farm kaya nakarating dito. "salamat po talaga ng marami at nakita nyo po itong si shanelle" nginitian namin sya ni maria "kami nga po ang dapat na magpasalamat at nakilala namin si shanelle, ano nga baby ano!" nilaro laro pa ni maria si shanelle, at kinanta yung tugtog sa cellphone kanina "i met a superhero, i lost her, i want her back" at dahil dun napahagikhik si shanelle "naku po, gustong gusto ni shanelle yang kantang iyan, narinig nya yan nung nagyuyoutube kami dun sa orphanage tapos tumawa sya ng tumawa at inagaw yung cellphone"
"sino po ba ang kumanta nyan?" tanong ni maria
"lauv po ata yun di ko po sigurado" sabi nung babae at napakamot sa ulo
"ay sige na po mauna na po kami ni shanelle at papaliguan ko pa po ito"
"ayy sad naman, aalis na si shanelle, sige na babye na sayo munting shanelle!" sabi ni maria
"pa..pa!" nagulat kami nung biglang umimik si shanelle tapos tumawa ulit. "wow! nabanggit na nya yung kanina ko pa tinuturo!" tuwang tuwang sabi ni maria "ay wow! nagsalita na si shanelle, akala ko hindi yan nagsasalita eh, yung yung first word na sinabi nya" napangiti kami sa sinabi nung babae "nagsalita din sya kanin, sabi nya mama" sabi ko dun sa babae.
natapos na ang maghapon at pauwi na kami ni shanelle, nakasakay na kami sa bus ngayon at malapit na sa kanila. pag dating namin sa kanila, bilis bilis syang pumasok at tinawag ang mama nya, kinuwento nya si shanelle sa kanila at tuwang tuwa si maria, nagkabiruan pa nga na ampunin daw naming dalawa.
~~
AN: 'superhero' by Ari Staprans Leff, or Lauv. wahhh crush ko yan, ang gaganda ng mga kanta nya promise!❤️
