Chapter 2

11 1 0
                                    

Masaya akong bumangon at pumasok ng school,

"Magandang umaga maria!"

"Good morning din tim"

"Anong ginagawa mo?"

"Bucket list? Hahaha"

"Eh? bakit naman"

"Trip ko lang wahaha"

"Buang ka"

"Buang?"

"Ayy hahaha hindi mo ba alam yun? Crazy ganun"

"So, crazy ako?"

"Hahaha expression ko lang yun"

"Blah blah blah"

"Uyy grabe sya joke nga lang"

"Blehh" sambit nito atsaka binelatan niya ako.

"May pagka childish ka pala" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Awan sayo"

"Luhh joke lang yun sorry na kasi"

"Sige na nga apology accepted"

"Yiee bait mo talaga" sambit ko habang pinagmamasdan siya.

~~

Habang patagal ng patagal mas lalo kaming nagiging close ni maria. Ako yung naging kaibigan niya, kilala na din ako ng parents niya at kung minsan nga dun kami tumatambay sa kanila.

Nakarating na din siya sa bahay nila auntie, naalala ko nga nung first time niyang pumunta dun. Akala ko madidiri siya kasi sa eskwater lang naman kami nakatira pero sabi niya, hindi naman daw niya first time na makakapunta sa eskwater area kasi nagtuturo daw siya sa mga bata na nakatira sa eskwater at yung mga batang hindi nakakapag aral.

Naging close din siya ni clara at ali pinupuyuran pa nga niya minsan yung dalawa. Si clark naman na kuya nila ay nakaclose din niya, at ang malala ay crush pa siya nung bata.

Andito kami ngayon sa palayan nila auntie, isinama ko si maria at naghahabulan sila nila clara habang nagtatalok naman kami ni clark at nila auntie.

"Ikaw ba tim, nobya mo ba iyang si Maria?" usisa ni tita sa akin habang patuloy nitong pinagmamasdan si Maria.

"Ngi hindi po auntie matalik na magkaibigan lang po kami" pagkakaila ko naman sa sinabi niya.

"Aba'y sigurado ka?" hindi naniniwalang tugon ni auntie kaya napilitan akong magpaliwanag, "Opo auntie atsaka hindi man po ako magugustuhan ni Maria. Unang una sa estado pa lang ng buhay namin, mayaman siya auntie at namamayagpag ang kanilang pangalan sa business industry. Tapos sakin lang sya mapupunta? Malabo pong mangyari auntie!"

MARIA Where stories live. Discover now