This is the day! it's Maria's birthday, 17 years old na sya at hanggang ngayon wala pa akong regalo sa kanya, hindu ko talaga maisip kung ano.. hindi naman sya mahilig sa mga materyal na bagay kaya mas lalong mahirap mag isip kasi gusto ko na yung ireregalo ko sa kanya ay espesyal at talagang mararamdaman nyang mahal ko sya.
Lumabas ako ng bahay at sakto namang nagkakaingay ang kapitbahay naming sila aleng bebang nagpapaunahan sa pagsakay ng dyip ang mga anak nya. Di ko napigilang hindi magtanong kaya tinanong ko sya kung san sila pupunta, "sa mall tim, birthday nitong si nena kaya ipapasyal namin sa mall" biglang bumuka yung bibig ko at sinabing "may space pa ho ba? maari ba akong makisabay?" tumango naman si aling bebang kaya sumakay na ako ng dyip, sa mall na lang ako bibili ng regalo para kay maria, mamaya pa naman ma start ang selebrasyon sa bahay nila 10 am pa at 8 am pa lang ngayon.
Pagbaba ko sa dyip nagpasalamat na lang ako at hindi na ako pinagbayad ni aleng bebang, binilisan ko na rin ang paglalakad dahil hindi rin pala ako nakapag paalam kay auntie. umuwi na rin nga pala sila inay dalawang araw matapos ang graduation namin kasi hindi pupwedeng matagalan sila dito dahil walang mag iintindi sa palayan namin.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang area na puro relo, aalis na sana ako kasi naisip ko na imposibleng walang relo si maria, pero naagaw yung pansin ko nung relo sa may counter ang ganda nya, hour glass yung image sa loob nung relo yung parang background, tapos hindi sya ganun kalakihan. "sir bilhin nyo na po yan, alam nyo po bang nag iisa yan kaya dito po namin inilagay sa counter kasi para pong ang espesyal nya,ay sir dalawa po pala yan, pang couple" sabi sakin nung saleslady "pwede po bang makita yung partner nito?" tanong ko naman sa kanya pinakita nya sakin at di ko maitangging nagandahan ako kasi ang ganda nya talaga parang may bumubulong saking bilhin ko sya.
***
"happy birthday maria!"
pagbati ko sa kanya, andito na ko sa kanila 10 na din kasi at sakto namang pagbaba nya sa hagadan galing sa kwarto nya kaya sumigaw ako. nginitian nya ako at niyakap pagbaba nya sa hagdan. "happy birthday to the most kind and most beautiful woman i've ever met" bulong ko sa kanya. naramdaman kong mas lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin kaya hinimas ko yung buhok nya. "thank you very much sa lahat tim" sabi nya habang nakayakap pa rin sakin, "sus, bakit ka naman magpapasalamat sakin, ginusto ko ito kaya wag kang magpasalamat, ako nga yung dapat magpasalamat sayo eh kasi hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo" nakaramdam ako na parang nabasa yung balikat ko, kaya alam kong umiiyak sya "bakit ka naman umiiyak?" tanong ko sa kanya "ha? ako umiiyak? hindi ah, bakit naman?" sabi nya na parang nabubulol pa "ahh talaga ba? hahaha naku maria ha"
