after an hour, nakarating na rin ako sa bahay nila maria habang bitbit ang gamit ko. at sa kasamaang palad ang naabutan ko ay ang mga nagkakagulong katulong sa may bukana ng kwarto ni maria.
dali dali akong tumakbo at pumunta sa loob ng silid nya. nakita ko nanaman ang isang napakasakit na senaryo para sa mga nagmamahal kay maria. namimilipit sya sa sakit habang nakasabunot ang dalawa nyang kamay sa naglalagas nyang buhok. kahit anong pilit kong hindi mapa luha, dahil ayaw kong makita ni maria na umiiyak ako, at baka panghinaan pa sya ng loob at sisihin ang sarili nya. pero heto nanaman itong traydor na luha na pilit kumakawala sa mga mta ko.
nang tumigil ang pagdaing ni maria at ang pagsakit ng ulo nya, iniwan muna kaming dalawa ni maria dito sa kwarto nya.
"maria"
"hmm?"
"gusto kong makasama ka pa ng matagal"
"a..a ko r..in" sabi ni maria na para bang nahihirapan magsalita
"at magiging posible yun kung magpapa chemotherapy ka"
"a..yaw ko ng pa..habain pa ang pag..kukumbinsi mo sakin kaya pum..mapayag na a..ko"
hindi ko inaakalang ganun kadali kong mapapapayag si maria kaya talagang nagulat ako,
"seryoso maria? totoo?"
"oo ti..m, dahil alam kong wo..rth it na yung bu..hay ko ngayon ka..si andyan ka na ulit"
"masaya ako para sa atin maria! basta lagi mo lang tatandaan na andito lang ako palagi sa tabi mo, mahal na mahal kita kaya hindi kita iiwan.. tutulungan kita hindi ako mawawala sa tabi mo habang humihinga ako"
nararamdaman kong medyo hirap si maria magsalita kaya niyakap nya ako, at ramdam ko sa yakap nya kung gaano sya kasaya
"sige na maria, matulog ka na muna hindi kita iiwan, ako ang una mong makikita pag gising mo"
nakatulog si maria at heto ako, pinanood ang pagtulog nya sana ganto din ka peaceful ang ang mukha nya pag gising sya, namiss ko yung mga panahon na masaya kami kung gaano kalakas ang pagtawa nya, na nagsisilbing musika saking mga tenga sa oras na maririnig ko ito.. gusto kong balikan yung mga panahon na hindi sya ganitong nahihirapan, sana maulit yung nakaraan dahil sisiguraduhin ko na susulitin ko na ang bawat oras na kasama sya mas lalo ko pa syang papasayahin at hinding hindi ko na sya iiwang mag isa.
hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. dalawang oras na pala akong nakakatulog, dali dali akong bumaba at nag cr sa may kusina, umihi ako, nagtooth brush at nag hilamos na rin. dumiretso ako sa kusina pagkatapos, nag handa ako ng meryendahan ni maria, pinagprepare ko sya ng gatas at nagluto na rin ako ng sopas para meryenda ng lahat, timulungan naman ako ni mrs. del mundo kaya hindi gaanong matagal ang pagluluto.
