Chapter 4

6 0 0
                                    

tatlong buwang ko ng nililigawan si maria, at ngayong araw kasama ko sya pupunta kami sa probinsya, sembreak kasi namin ngayon at uuwi ako sa amin kaya pinagpaalam ko sya sa parents nya kung pwede syang isama, pumayag naman sila mr. and mrs. del mundo basta ingatan ko lang daw ang kanilang prinsesa kaya eto kami ngayon nakasakay sa bus.

"ano nahihilo ka ba maria?"

"medyo hahaha matagal tagal na rin kasi nung huli akong bumyahe parati lang akong nasa bahay kaya hindi na ako sanay"

"sandal ka dito sakin sa balikat ko" iginiya ko yung ulo nya sa balikat ko "matulog ka muna matagal tagal pa tayo" minsahe ko ang noo nya at hinaplos haplos ang buhok nya.. hanggang sa di ko namalayang nakatulog na rin pala ako

"uyy iho andito na tayo sa terminal" inalog alog ako ng konduktor hanggang sa magising ako

"ay salamat po manong" ginising ko na si maria

"maria gising na sasakay na tayo ng jeep malapit na" nagising si maria at sumakay na kami ng jeep

"wow puro palayan pala dito tim"

"ngayon ka lang ba nakapunta sa probinsya maria?"

"ahmm hindi pangalwang beses ko na to, kaso yung una kong punta matagal na eh mga 10 years old pa ako"

"ay matagal na nga, alam mo matutuwa sila nanay pag nakita ka nila, pati yung mga kapatid ko"

"kinakabahan nga ako eh, baka hindi nila ko magustuhan"

"at bakit ka naman nila hindi magugustuhan eh nasayo na ang lahat!" kinanta ko pa yung nasayo na ang lahat ni Daniel Padilla

"naku nambobola ka talaga"

"anong nambobola eh lahat naman ng nasa lyrics totoo eh, maganda ka! sobraaaaa! , mabait ka rin .. napaka bait! tapos matalino ka pa, with high honor ka nga eh"

"haistt naku bolero"

"uyy iho timothy ikaw na ba yan?" sabi nung nakasakay namin sa jeep

"ay manang loring opo!"

"aba'y ang gwapo mo na lalo ahh, san ka na ba naglalagi?"

"sa manila po manang nag aaral po ako dun, nakakuha po ako ng scholarship dyan sa munisipyo eh"

"ay ang galing mo naman, nobya mo ba iyang katabi mo?"

MARIA Where stories live. Discover now