IMPOSSIBLE
Nagmulat ng mga mata si Vivian na agad din niya naisara ng masilawan sa sinag ng araw na tumatagos sa nakabukas na pintuan ng balkonahe?
Napabangon siya at awang ang mga labi niya na nilibot ng mga mata niya ang kinaroroonan. Isang kwarto. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto siya?! Hindi ba dapat..sa ospital? Morgue? O di naman kaya sa...langit?
Wait,bigla bumuhos sa alaala niya ang lalaki na namulatan niya. Magkalapit ang mga mukha nila at mabilis na inatake siya ng defence mechanism niya kaya sinaktan niya ito.
Nahigit niya ang hininga ng matanto na hindi siya nanaginip! Nanaginip? Hindi ba patay na siya?
Oo,patay na siya! Baka..baka nasa langit na siya kaya...
Bumukas ang pintuan at mabilis na napalingon siya roon. Niluwa niyun ang lalaki na nakita niya..hindi niya maalala kung kailan yun!
Agad na ngumiti sa kanya ang lalaki. Lalo lamang siya hindi makapaniwala ng makita may band aid sa gilid ng nuo nito kung saan na pagkakaalala niya doon niya iniuntog ang sarili rito!
Mabilis na tumibok ang puso niya at hindi makapaniwala na nasapo niya ang dibdib kung saan malakas na kumakabog iyun.
Hindi...imposible!
"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang kung sino ka man!" marahas na bulyaw niya rito bago pa ito tuluyan makalapit sa kama niya.
Agad na tumigil sa paghakbang ang lalaki na sinabayan pa ng pagtaas nito ng mga braso na tila sumusuko.
"Okay! Relax ka lang,uh,hindi ako kaaway at lalo hindi kita sasaktan! Tingnan mo nga kayang-kaya mo nga kong saktan eh! Kaya imposible na saktan kita,okay?!" anito habang nakaturo ang isa nitong daliri kung saan may nakatapal doon na band aid.
Nanatili siyang alerto. Umalis siya sa kama at sa kabilang gilid siya tumayo kung saan naroroon ang nakabukas na balkonahe. She can escape,rigth now. Lalo na at mukha naman mahina ang lalaking ito!
"Uh,alam ko ang nasa isip mo,Vivian..isa akong kaibigan,pangako!" untag nito na kinatigil niya.
"Anong alam mong naiisip ko? At..bakit alam mo ang pangalan ko ha?! Sino ka ba?! Nasaan ako?!"sunod-sunod niyang pagtatanong rito.
" Okay,sasagutin ko yan mga tanong mo kung kakalma ka..at nababasa ko ang nasa isip mo,"anito na kinakunot ng nuo niya.
Ano raw? Nababasa nito ang nasa isip niya?
Siraulo ba ito?!
"Oo,alam kong siraulo ang tingin mo sakin pero maniwala ka..nababasa ko nga ang nasa isip mo..at yan nga sabi mo sa isip mo na siraulo ba ako," untag nito na kinabigla niya.
Ngumiti ang lalaki ng makitang hindi siya nakaimik at nakatitig lamang rito. "Imposible di ba? "
Napakurap-kurap siya. "P-pero..paanong nangyari yun?"
Nagbaba na ng mga braso ang lalaki at ipinamulsa nito ang mga palad sa suot nitong pants.
"Buhay ka pa...at dahil iyun sakin,Vivian.." matiim nitong saad.
Napatitig siya sa mukha ng lalaki. Noon lang niya napansin na gwapo ito..agad na pinaningkitan niya ito ng mga mata ng ngumisi ang mga labi nito.
"Okay,wala akong sasabihin..takot ko lang sayo,masakit pa nga itong leeg ko dahil dun sa pagkakasakal mo sakin kahapon!"reklamo nito.
Nanghihina na napasandal siya sa sliding door. Hindi siya makapaniwalang buhay pa nga siya. Sunod-sunod na bumuhos sa alaala niya ang lahat na nangyari bago siya nawalan ng hininga.
Si Carl!
" Wendell ang pangalan ko,hindi Carl.."
Agad na lumipad ang mga mata niya rito at maang siya napatitig dito. Ngumisi ito sa kanya.
"Naniniwala ka na ba na nababasa ko ang nasa isip mo?"
"Maniniwala ako kung hindi mo gagawin yan," mariin at may pagbabanta niya sabi rito.
Bumuga ito ng hangin. "Okay! Kung iyan ang gusto mo..malakas ka sakin eh!" anito sabay kindat niya rito.
Matalim na tingin ang tinugon nito sa kanya. Tumawa ito ng mahina. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mamangha sa gwapo nitong mukha.
"Sasagutin ko ang mga katanungan mo,lahat-lahat pero bago yun kailangan mo muna kumain dahiL isang Linggo kang hindi nagkamalay mula ng matagpuan kita," anito.
"I-isang linggo.." anas niya.
"Oo..pero sa tulong ng bituin ng buhay naging maayos na ulit ang mga tinamo mong sugat mula ng gabing iyun..at,Oo..patay ka na noong natagpuan kita,Vivian.."
Nasapo niya ang noo. Hindi niya alam kung paano niya papaniwalaan ang mga sinabi nito.
Buhay pa siya!
"Pero bakit pa...bakit pa kailangan mabuhay pa ako ulit?" iyun ang katanungan na umalpas sa mga labi niya pagkaraan.
"May dahilan pa kung bakit kailangan mabuhay ka ulit,Vivian.."
Napaangat siya ng paningin rito. Seryoso ang anyo nito.
"At..nagagalak ako na ikaw ang naging misyon ko..ang pinagbigayan ko ng bituin ng buhay," matiim nitong sabi.
Hindi talaga niya maunawaan pa! Mahirap pang paniwalaan!
Agad na nakaramdam siya ng pananakit ng ulo.
"Imposible..." pabulong niyang anas.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...