HOUSEMATE
Agad na naging alerto si Vivian ng makarinig siya ng kalampag sa may kusina niya. Kinapa niya ang baril sa ilalim ng unan niya. Madilim pa sa labas at ng sulyapan niya ang alarm clock niya. Pasado alas y kwatro pa lang ng madaling araw.
Walang ingay ang bawat hakbang niya patungo sa pinanggagalingan ng ingay. Patay ang ilaw sa salas niya at ganun din sa kusina pero may kung anong liwanag siya nakikita roon. Isang anino. Isang lalaki!
Nakataas ang mga braso niya na may hawak na baril at ng mabilis pa sa hangin na nakalapit siya sa nagmamay-ari ng anino at kung saan din nagmumula ang liwanag.
Idinaiti niya ang nguso ng baril niya sa likod ng ulo ng isang lalaki.
"Sino ka? Huwag kang gagalaw kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo!" puno ng babala sabi niya rito.
Nagtaas ng mga braso ang lalaki. Unti-unti nawala ang liwanag na nagmumula sa mga kamay nito.
Nangunot ang nuo niya. Nanaginip lang ba siya at nasa isang fantasy world?
Muli niya idinaiti sa ulo nito ang baril niya ng tangka nitong lumingon.
"Sabi ko huwag kang gagalaw!"
"U-uh,Vivian..ako'to,"pagsasalita nito.
Agad na tumibok ng mabilis ang puso niya ng makilala ang boses ng lalaki. Mabilis na hinanap niya ang switch ng ilaw at ng bumaha ang liwanag sa buong kusina. Ibinaba niya agad ang nakatutok na baril rito.
" Ano ba ang ginagawa mo rito?"agad na sita niya rito.
Nakangiti na pumihit ito paharap sa kanya na agad niya sinamaan ng tingin.
"Good morning,P01 Vanez!"
Pinagkrus niya ang mga braso sa harapan niya na masama pa rin ang tingin sa binata.
"Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko at pumasok na parang magnanakaw?"
Napakamot naman ito sa ulo. "Naghahanap kasi ko na pwede lutuin para sa almusal natin mamaya," paliwanag nito.
"Natin? Bakit? Wala ka bang bahay ?"
Ngumisi ito. "Dito muna ako titira,ako ang new housemate mo!"
Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. "Baliw ka ba? At sino naman nagsabi sayo na pwede ka tumira dito?"
Nanatili ang ngisi sa mga labi nito. Ang ngisi na lalo lang nagpapaangat sa kagwapuhan nito.
"Nakalimutan mo na ba? Iisa na ang buhay natin ngayon!"
Natigilan siya sa sinabi nito. Mababakas sa mukha nito na seryoso iyun.
Maya-maya pa ay napabuga na lang siya ng hangin.
"Ewan ko sayo...inistorbo mo ang pagtulog ko," sikmat niya rito.
"Pasensya na,gusto ko lang kasi lutuan ka ng almusal.."
Napabuga muli siya ng hangin. "Bahala ka na nga dyan," aniya sabay talikod niya rito.
"Nga pala..nasa guest room na yung mga gamit ko!"
Napailing na lang siya. Ano pa ba ang magagawa niya?
Lalo lang naging komplikado ang sitwasyon niya sa pangalawang pagkakataon!
Paano kung mapahamak din ito gaya na nangyari kay Carl?!
Iisa ang buhay nila?
Kapag ba namatay ito mamamatay din siya?!
Napasandal siya sa likod ng pintuan ng silid niya.
Napakamisteryoso na ngayon ang buhay na binigay sa kanya ng lalaking iyun!
Dapat pala niya itanong rito kung tama ba siya ng iniisip patungkol sa pagkakaugnayan nila ng lalaki.
Well,hindi na masama na magkasama nga sila nito sa iisang lugar. Marami pa siyang bagay na gusto maunawaan at malaman tungkol sa lalaki!
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...