Chapter 27

1.2K 67 6
                                    

CELEBRATE

"Cheers!!!"malakas na anunsiyo ni Wendell at sabay-sabay na nagtaas ng kanyang-kanya baso ang dalawang kaibigan na sina Alazis at Constell.

Agad na pumulupot ang isang kamay niya sa beywang ni Vivian na nasa tabi niya na nakipagcheers sa kanya.

Mabilis na pinatakan niya ng halik ang nuo nito. Napangisi siya ng sikuhin siya nito.

"Ngayon tapos na ang kaso ni Mr. Davides,kasal niyo na ba ang sunod namin aabalahin?" si Constell na may ngisi sa mga labi.

Nagpapasalamat talaga siya sa dalawang ito dahil natapos na ang dalawang kaso na gustong malutas ng kasintahan.

Sabay na napatingin ang dalawa dating bituin sa daliri ni Vivian.

"Hindi pa siya umu-oo eh," aniya.

Napataas ng kilay ang dalawa at napatingin sa dalaga.

"For real?" si Constell.

"Well,mukhang malapit na kasi mission accomplished na tayo!" saad niya.

Napatango ang dalawa samantala napapainom lang sa baso ang kasintahan.

"Malapit na di ba?" pabulong niya saad ng ilapit niya ang bibig sa tapat ng tainga nito.

Bumaling ito sa kanya. "Siguro?"

Napalabi siya. "Okay,I'll wait,anytime!" aniya.

Mabilis na ninakawan niya ng halik ang dalaga.

Nagpatuloy sila sa pagdiriwang. Simpleng inuman lang sa bahay niya at dahil kailangan maaga umuwi ng dalawa kaibigan ay agad din natapos ang inuman nila.

"Salamat sa inyo," saad niya ng ihatid nila ang dalawa sa labas kung saan nakaparada ang mga kotse nito.

"Don't mention it,Bituin..tayo-tayo lang magtutulungan dito kaya anytime both of you pwede kayo lumapit uLit samin," si Constell.

"Yeah,pero malaki na ang sisingilin ko," si Alazis na kinatawa nila ng kasintahan.

"Salamat..." saad ng kasintahan sa dalawa.

Nagpaalam na ang mga ito. Nakaakbay sa kasintahan habang hinahatid nila ng tanaw ang papalayong sasakyan ng dalawang kaibigan.

"Hmmm...mukhang tinamaan ata ako ng ininom natin," naglalambing na sinubsob niya ang mukha sa gilid ng ulo nito.

Siniko siya nito sa taligiran niya. "Tumigil ka nga,red wine lang ininom natin noh,buang kang bituin ka," sagot nito.

Tumawa siya ng malakas at mahigpit na niyakap ito ng pumuwesto siya sa likuran nito.

"Ngayon tapos na ang lahat...sakin ka na ngayon ng buong-buo..ang atensyon mo,tama ba?"usal niya.

Bumuntong-hininga ang dalaga at bumaling sa kanya ang maganda nitong mukha. Pinakatitigan niya ito.

" Oo...salamat sayo. Kung hindi ka pinadala sakin baka talaga nasa langit ako na hindi ko man lang nararanasan ngayon na maging masaya at kuntento ngayon,"masuyo nitong sabi.

Napakagat siya sa kanyang pang-ibaba labi.

"What?" puna nito sa hindi niya pag-imik.

Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi niya.

"Ikaw eh,kinikilig tuloy ako ngayon," aniya sabay kagat muli sa pang-ibaba labi niya.

Tumawa ito sa inakto niya. "So girly,huh.."tudyo nito sa kanya.

Napasubsob siya sa leegan nito at suminghap roon.

"You know,I'm so in love with you....no,patay na patay pala sayo," saad niya.

Hinaplos nito ang buhok niya.

"Oo na.."

Napaangat siya ng tingin rito. "Hindi ka man lang kinilig dun?"lumabi siya.

"Kinikilig.."

Naningkit ang mga mata niya base kasi sa ekspresyon nito parang wala naman.

"Nasaan? Hindi ko makita?"

"Hay Naku!" anito sabay siil sa kanya ng halik nito.

Sa pagkakataon iyun hindi niya hinayaan na putulin agad nito ang halik. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at mas pinalalim niya ang halikan nila hanggang sa mapadaing ito sa bibig niya.

Nagsisimula na din siya mag-init.

"Damn...nag-iinit na ko," bulgar niyang sabi.

Mapungay ang mga mata ng dalaga ng tumitig siya rito.

"You want me?" halos pabulong nito anas.

Lalo siya pinag-initan sa sinabi nito.

"I...g-gusto mo ba?"

"I want you," deretso nito sagot.

"Walang bawian!"

Agad na binuhat niya ito papasok sa bahay.

"Uhm,wait...pwede mauna honeymoon sa kasal di ba?" tigil niya sa tapat ng kwarto niya.

Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Oo naman.  I'm sure naman pananagutan mo ako e," anito.

Ngumisi siya. "Oo naman!"

Natawa ito sa mabilis na sagot niya.

He loves her..so damn much hanggang sa kalawakan ...hanggang sa Starry Starry Temple.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon