DRUNK
Medyo umiikot na ang paningin niya pero alam pa niya ang nangyayari sa paligid. Maingay at malikot ang ilaw sa buong paligid. Matapos siya magwalk out kanina ng sabihin niya na nagsiselos siya sa dating kasintahan nito dito siya sa lugar na ito dinala ng ngitngit niya.
Napailing siya sa sarili. Aminado naman siyang baliw na din siya sa pag-ibig gaya ng dalawa niyang kaibigan bituin pero dapat bang maramdaman niya ito? Tama ba na makaramdam siya ng ganito?
Selos..insecurity..damn,patay na yung pinagseselosan niya ah!
Napalagok siya sa hawak na bote.
Natural lang daw yun sabi nina Constell at Alazis pero..wala pa siya nakikitang may pag-asa siya sa dalaga eh!
"Hi,alone?"
Napabaling siya sa babaeng nasa kaliwang gilid niya. Sobrang iksi ng suot nitong kulay pula. Kitang-kita ang kalahati hinaharap nito sa suot nito.
Tsk! Woman!
"Pwede bang makipagkwentuhan sayo?" may pang-aakit nitong untag muli sa kanya.
"Wala kasi ko kasama at mamaya pa darating ang mga friends ko habang hinihintay ko sila can I acompany with you?"
Binaba niya ang hawak na bote sa counter.
Sasagutin sana niya ito pero bigla naman may humawak sa balikat niya at iniikot ang inupuan niya paharap sa gumawa niyun.
Napaawang ang mga labi niya ng mapasino ang gumawa niyun.
"Gusto mo ko tapos nangbabae ka? Eh kung tutukan kaya kita ng baril dyan?" mariin nitong sabi sa kanya na lalong kinamaang niya.
Bumaling naman ito sa likuran niya at kita ang masama nitong tingin sa babae nasa likuran niya.
"Bumalik ka na sa mga kasama mo,Miss Liar.."
Naulinigan niya ang pagsinghap ng babae at hindi na niya ito nilingon dahil mas namamangha siya sa babaeng nasa harapan niya.
Muli ibinalik nito ang tingin sa kanya.
"Ang ayoko sa lahat ang lalaking lasenggo.."
Napatuwid siya ng upo. "Uh,kunti lang naman ininom ko," depensa niya kaagad.
Sinulyapan nito ang limang bote na nasa counter at matalim ang mga mata nito na binalik sa kanya ang tingin.
"Kunti lang ha," sarcastic nitong saad na kinapahiya niya.
Bago pa man siya muling makasagot bigla na lang umikot ang paningin niya.
Damn!
Hindi ako lasing!
Isang singhap ang naulinigan niya mula sa dalaga ng magdilim na ang paningin niya.
Agad na nasapo niya ang ulo ng magmulat siya ng mga mata.
"Gising na pala ang bituin na lasenggero.."
Agad na napaangat siya ng mukha ng marinig ang dalaga na nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakasandal ang kaliwang balikat nito sa hamba niyun. Nakahalukipkip ito.
"Boss.."
"Kaya mo naman siguro alisin ang hangover mo hindi ba?"
Agad na umiling siya. "Hindi.."
"Tsk,weak..nagluto ako ng sabaw ,maligo ka muna at pagkatapos linisin mo yung kotse ko kasi sinukahan mo," anito.
"Ha?! Sumuka ako? Hindi nga?!" mulagat niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Kung kaya kong magteleport gaya mo disin sana hindi tayo sa kotse sumakay," muli sarcastic nitong turan.
Hindi siya nakaimik dahil napahiya talaga siya!
Nang makaalis ang dalaga. Hiyang-hiya na nagtungo ng banyo si Wendell at..nalukot ang ilong niya ng maamoy ang sarili.
"Nakakahiya ka,bituin!"
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasiWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...