Chapter 35

892 62 4
                                    

DANGER

Nagmamadali tuloy si Wendell na makarating ng bahay. Natagalan siya sa pamimili dahil sa dami ng mga mamimili. Nakahinga naman siya ng maluwag ng matanaw na wala pa ang motor ng kasintahan si Vivian. Hindi pa ito nakakauwi.

Iiunlock na sana niya ang pintuan ng bumukas iyun. Nagtaka tuloy. Alam niyang nilock niya iyun bago pa man siya umalis.

Agad na naalarma siya at kinutuban baka may nakapasok na masamang tao sa loob!

Pinakiramdaman niya ang paligid at dahan-dahan tinulak niya pabukas ang pintuan.

Tahimik ang buong kabahayan at wala naman na kahit anong bakas na pinasok sila..maliban sa pamilyar na naaamoy niya.

Ang pabango ng kasintahan.

Nakauwi na ba ito?

Pero wala naman ang motor nito sa labas?

Tatawagan na sana niya ito ng mahagip ng mga mata niya ang nakasabit na painting. Lumapit siya roon at nakitang nakatabingi iyun.

Hinawi niya iyun at sinilip ang likuran iyun. Agad na dinunggol siya ng kaba ng makitang wala ang isa sa baril na pag-aari ng dalaga.

Wala naman ibang nakakaalam ng kinalalagyan na iyun kundi siya lamang.

Ang pabango na nalanghap niya pagkapasok niya..sumulyap siya sa painting.

"Shit!!!"

Isang iglap nasa harapan na siya ni Alazis na nabigla sa biglaan pagsulpot niya sa harapan nito.

"The fuck,bituin?!"singhal nito sa kanya ng makabawi ito sa pagkabigla.

"Si Vivian! Shit!"maligalig niyang saad habang paroo't-parito.

"Bakit? Anong nangyari sa kany?"

"Malakas ang pakiramdam ko,shit! Nasaan ba siya?!"

"Kumalma ka nga,bituin! Tawagan mo,"anito.

Agad naman niya kinontak ang kasintahan ngunit nagriring lamang iyun hanggang sa lamunin na siya ng pag-aalala at takot.

Marahas siya napahilamos sa kanyang mukha.

"Ano pa ang ginagawa mo rito? Find her,tawagan mo ako,pupuntahan ko si Constell,"suhestyon nito at agad naman siya kumilos.

Wala siyang ideya kung saan niya mahahanap ang dalaga. Unang pinuntahan niya ang Police Station na pinagtatrabuhan ng kasintahan.

Dere-deretso siya sa loob ng makasalubong niya ang katrabaho ng dalaga.

"Pare!"agad na bati nito sa kanya.

"Bumalik ba rito si Vivian?"agad na tanong niya rito.

Nangunot ang nuo nito. "Hindi. Kanina pa siya nakauwi ah,"anito.

Lalo siya nakaramdam ng kaba at takot sa sinabi nito.

"Bakit? Hindi pa ba siya umuuwi?"

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Hindi. Nag-aalala ako. May hindi siya sinasabi sakin na may kinalaman sa trabaho niya,"nag-aalala niyang sabi.

Hindi na niya alam ang iisipin niya. Hindi niya kakayahan na alamin kung saan makikita ang kasintahan.

"Napansin ko nga din nitong nakaraan araw may malalim siya iniisip,"saad nito na pumukaw sa kanya.

"Saka lagi niya inuusisa yung kaso ni Mr.Murrez,"anito.

Naikuyom niya ang mga palad. Huwag naman sana may kinalaman ang matandang iyun sa pagkawala ng kasintahan!

Hindi na siya nag-abala pa na magpaalam sa lalaki basta na lang siya umalis at ng wala makakakita sa kanya isang iglap lang ay nasa bahay na muli siya.

Agad na dinala siya ng mga paa niya sa silid nila.

Natuon ang mga mata niya sa jacket ng kasintahan na nakasampal sa sandalan ng upuan. May nauudyok sa kanya na usisain iyun.

Umaasa siya na sana may makuha siya na kahit anong clue malaman lang kung saan nagpunta ang dalaga.

Sa pag-uusisa sa bawat bulsa ng itim na jacket may nakapa siyang papel.

Agad na binuklat niya ang nakalamukot na papel.

Tila huminto ang tibok ng puso niya ng mabasa ang nakasulat roon.

Death threat.

May nagbabanta sa buhay ng kasintahan.

Hindi na niya kailangan alamin pa kung kanino iyun galing. Sa nakasaad pa lang roon alam na niya kung sino.

Ang anak ni Mr.Murrez.

Lumabas siya ng bahay na puno ng kaseryosohan at tumingala sa kalawakan na nakukumutan ng maraming bituin.

Ipinikit niya ang mga mata at tahimik na kumonekta mula sa itaas.

Pakiusap,mahal na Haring-bituin,ituro niyo sana sa akin kung saan ko matatagpuan si Vivian..

Idinilat niya ang mga mata at hindi pa naglipat ang minuto may gumuhit na liwanag sa kalawakan at iyun ang sagot sa pakiusap niya mula sa Haring-bituin.

Sinundan niya ang tinuturo ng liwanag na iyun. Ang tala kung saan naroroon ang kasintahan.

She's  in danger.

Nasa panganib ang kanyang pinakamamahal na babae.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon