I MISS YOU
Hindi makapaniwala na nakahawak sa malamig na rehas si Wendell kasama ang lalaking nabangga niya. Patungo sana siya sa bahay ni Vivian pero baka dahil nanibago siya dahil sa unti-unti pagkawala ng kakayahan niya bilang isang bituin na pinili niya manatili sa lupa..sa piling ng kasintahan ay iyun ang nangyari.
Natanaw siya sa kasintahan na abala sa pakikipag-usap sa isang hepe. Hindi man lang ito sumusulyap sa kanya at...hindi niya nagugustuhan iyun. Akala niya kapag nakita siya nito maiiyak ito sa tuwa dahil nagbalik siya para rito pero hindi iyun ang nakikita niya sa inaakto nito.
She's different now. Tila ba hindi na siya nito kilala.
Pero sinambit naman nito ang pangalan niya kanina kaya imposible na nakalimutan na siya nito.
Napahigpit ang hawak niya sa bakal. Gusto niya tuloy magtampo sa kasintahan. Talagang pinakulong siya dahil wala siyang lisensya.
Lagot na nga siya kay Constell dahil sa kotse na may damage tapos ito pa mapapala niya sa kasintahan niya na excited pa naman siya makita ito!
Nabuhayan siya ng loob ng makita ang pagdating ng dalawang kaibigan.
Napalingon sa kanya ang tatlo at agad na kinawayan niya ang mga ito na may ngiti sa mga labi na para bang isang bata na excited na sunduin.
Lumapit sa kanya si Constell pero naiwan si Alaxiz kausap si Vivian.
"Siraulo ka,sabi ko sayo ingatan mo yung kotse ko,"agad na sita nito sa kanya.
Ngumisi siya rito. "Sorry naman..nanibago ako bigla e,ganun ba yun?"aniya.
Napabuga ng hangin ang kaibigan. "You really choice her huh,baliw ka na rin tulad namin,"anito sabay ngisi na rin.
Tumawa siya. "Yeah,sobrang baliw talaga..kaso..paano niya nagawa sakin ito?"aniya sabay lahad niya sa rehas.
Tumawa si Constell. "Siraulo ka eh,kahit sino magdrive kailangan talaga may lisensya,"anito.
"Malay ko ba mangyayari ito hindi naman magiging ganito ang sitwasyon kung hindi sisiga-siga sa kalsada yang lalaki na yan,"aniya sabay nguso nito sa lalaki na nakabangga niya.
Abala ang lalaki kausap ang dumating na abogado nito.
Napailing ang kaibigan. "Pareho lang kayo may kasalanan,dapat lang yan. Police ang girlfriend mo trabaho niya yun,"anito na kinailing niya.
Sinulyapan niya ang kasintahan. Kausap pa rin nito si Alaxiz.
"I miss her...pero parang hindi niya ko namiss,"saad niya.
Tinapik ni Constell ang balikat niya.
"Namiss ka rin niyan. Baka nabigla lang kaya ganyan.."alo nito sa kanya.
Napabuga siya ng marahas na hangin. Maya-maya pa ay nakalabas na siya ng kulungan. Umiiling na sinalubong siya ni Alaxiz.
"Sana naglakad ka na lang. Sayang ang oras ko sayo,wala ka naman ibabayad sakin,"asik nito sa kanya.
Nginisihan niya ito. Sinamaan naman siya nito ng tingin.
"Ilista mo muna. Sa makalawa pa ko magsisimula sa kompanya ni Constell eh,"aniya.
Namasukan siya bilang isang assistance ni Constell. Ayaw sana ng huli kaso nauto naman niya ito dahil isa na lamang siyang ordinaryo tao ngayon kailangan niya magsikap ngayon para mabuhay.
Nakakahiya rin sa kasintahan niya na wala man lang siya ipagmamalaki rito mabuti na lamang nandyan ang dalawa niya kaibigan.
"Hindi ba creepy na gawin mo assistant yan si Wendell?"baling ni Alaxiz kay Constell.
Nagkibit ng balikat si Constell. "Ayos lang. Marami nag-a-audition ngayon sa agency dahil sa lalaking yan,"tugon ni Constell.
Isa sa negosyo ni Constell ang isang talent agency para iyun sa asawa nitong si Rhoda na isang writer na mula ng maging misyon nito ni Constell ay hindi na nagpakita ang asawa nito na kahit kanino dahil kilala itong manunulat bago pa man ito makilala ni Constell.
Nginisihan niya si Alazix. Napailing na lang ito.
Agad na natuon ang atensyon niya sa bagong dating na si Vivian.
"Okay na,"anito sabay abot ng kung ano papel kay Alaxiz na agad naman tinanggap ng huli.
Nginitian niya ang kasintahan pero nanatiling blanko at malamig ang ekspresyon sa maganda nitong mukha. Agad na nakaramdam siya pagkadismaya sa inakto ng dalaga. Napukaw lang siya ng tapikin ni Constell ang balikat niya.
"Tara na,kailangan ko bumalik agad kay Rhoda para matulungan ko sa baby shower namin para mamaya,"untag nito sa kanila.
"Yeah,let's go.."si Alaxiz.
Sasabihin sana niya na magpapaiwan muna siya ng magsalita ang kasintahan.
"Sabay-sabay na tayo lumabas may pupuntahan ako checkpoint area kailangan ng isa pang kasama dun,"anang ng dalaga.
"Pwede sayo na muna ko sumama?"agad na tanong niya sa kasintahan.
Tinaasan siya nito ng kilay. Bigla tuloy siya kinabahan.
"Ano naman ang gagawin mo dun?"mataray nitong tanong.
Napalunok tuloy siya at nakaramdam ng pagkapahiya.
"Uh,hindi mo ba ko namiss?"lakas loob na niyang sabi.
Malamig ang mga mata na nakatitig lang sa kanya ang dalaga.
"I miss you,mylabs.."saad niya habang matiim na nakatitig sa mga mata nito na kasinglamig ng yelo.
Tila piniga ang puso niya ng talikuran siya ng dalaga.
Napaawang ang mga labi niya.
"Hayaan mo muna siya. Sobrang naguilty siya ng mawala ka,Wendell."si Constell.
"Hindi ko naman siya sinisisi eh,"saad niya.
"Hindi nga. Pero alam natin na parang naulit lang nangyari noon sa ex niya sa nangyari sayo ng dahil na naman sa kanya.."si Alaxiz.
Naikuyom niya ang mga palad. "Well,hindi naman ako papayag na iwasan niya ko ng dahil lang dun,"determinado niyang sabi.
Tinapik-tapik ni Constell ang braso niya. "Sige. Mamaya sa party. Mag-usap kayo. Mabobored yan. Samantalahin mo na,"anito.
Agad na tumango siya. Sisiguruduhin niyang hindi ito makakaiwas sa kanya.
Aba,hindi naman ata siya papayag na ganuhin siya ng kasintahan. Kaya nga siya nagbalik dahil para rito!
Nawala na sa kanya ang lahat bilang bituin para makasama ito.
Pinili niya ito kaya hindi niya hahayaan na mabalewala ang pagmamahalan nila dalawa. Magsisimula muli sila.
Hindi niya hahayaan na sisihin nito ang sarili sa nangyari sa kanya.
Pero nakakapagtampo lang. Kung nagiguilty ito sa nangyari sa kanya hindi ba dapat hindi ito umiiwas at nagtataray sa kanya?
Alright,hindi na bale siya na ang gagawa ng paraan para magbalik sila sa dati.
He love her so much. Kasingliwanag ng mga bituin.
Ganyan siya kabaliw sa tagalupang iyun!
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...