GOODNEWS
Gumuhit sa mapupula labi ni Vivian ang isang napakagandang ngiti para sa umagang iyun habang nakatutok ang kanyang mga mata sa television. Kasulukuyan,binabalita ang biglaan pagbagsak ng matandang negosyante na si Mr. Murrez. Marami din kinakaharap ngayon na kaso dahil sa mga sablay na pundasyon na ginagamit sa pagpapatayo ng isang hotel na kamakailan lang ay naibalita na gumuho ang isa sa ginagawa pa lamang bagong hotel at may ilang nasaktan na construction worker.
Pinagkakaguluhan ngayon ng mga taga-Media ang pobreng negosyante pero nanatili tikom ang bibig nito at tanging abogado lang nito ang komokontrol sa isyu na kinakaharap ng huli.
"May mas malala pa dyan na kakaharapin niya sa oras na maiungkat ang tungkol sa mga magulang mo," untag ni Wendell na nasa likuran niya habang siya nakaupo sa sofa.
Naikuyom niya ang mga palad. Naghihintay na lang sila ng abiso kay Alazis bago iyun ilabas.
Sisiguruduhin niya sa kulungan na ang bagsak nito!
Napukaw siya ng halikan siya sa bunbunan ni Wendell. Bigla naglaho ang galit niya sa ginawa nito.
Kasintahan na nga pala niya ito at masasabi niya na...malambing pala ang bituin!
She like it,though kahit may oras na maloko pa rin ito.
Pumalibot sa kanya ang mga braso nito sa ibabaw ng dibdib niya mula sa likuran niya.
"Kapag naipakulong mo na siya..at ganun din ang kasi ni Davides..siguro naman..may time na para naman satin dalawa,excited na ko magdate tayo sa magagandang lugar dito. " anito.
Ibinaling niya ang mukha rito. Nakangisi ito.
"Talagang naiisingit mo pa yan pagkacorny mo e noh," aniya.
Tumawa ito. "Ikaw ang happiness ko eh!" anito sabay kindat nito sa kanya.
Hindi niya napigilan na mapangiti sa huLing sinabi nito.
Kinikilig ka,Vivian!
Umismid siya para mas maitago ang kilig na nararamdaman.
"Ikaw ang pipiliin ko," mayamaya anas nito.
Bumaling siya muli rito. Matiim ang mga mata nito nakatitig na sa kanya.
"Paano ang mga...kaibigan mo?"tanong niya.
Deserve ba siya na piliin siya nito kaysa bumalik ito sa mundo pinagmulan nito?
" Magkikita naman kami rito kapag bumaba na sila ng lupa,"anito.
Bumuntong hininga siya. "Sigurado ka?"
Dinama nito kung nasaan ang puso niya.
"Basta ako ang tinitibok ng pusong ito hindi ako magsisisi," matiim nitong sabi.
Kinapa ang sarili damdamin.
"May...may nararamdaman ka na ba para sakin?" deretsahan nitong tanong.
Nasa mga mata nito ang pag-asam.
"Magiging nobya mo ba ko kung...wala,"tugon niya.
Nanlaki ang mga mata nito. " talaga?!"
Naningkit ang mga mata niya rito. "Tsk,"
Tuwang-tuwa naman ito niyakap siya pa rin sa likuran niya.
"Shit! Ang sakit ng puso ko!"
"Bakit?"
"Dahil sayo.." nakangisi nitong tugon.
Inabot niya ang isang tainga nito at piningot iyun.
"Corny mo taLaga," aniya.
Tumatawa na mabilis na pinatakan siya nito ng halik sa mga labi niya na kinabigla niya.
"Mahal kita,Vivian..."
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...