SWEET
Hindi mabura-bura sa mga labi ni Wendell ang malaking ngiti mula ng magising siya katabi ang kasintahan..hindi. Hindi na nga pala siya nakatulog sa sobrang kaligayahan niya pagkatapos ng mainit na pagmamahalan nila. Parang pa rin siya nakalutang...sa langit at kalawakan.
Nakakabaliw yan,bituin!
Lalo siya napangiti. Hindi na bale mabaliw siya basta ba ang kasintahan ang kababaliwan niya!
Agad na sumikdo ang puso niya ng marinig ang pagbaba ng kasintahan. Kasulukuyan siya naghahain ng brunch nila since tanghali na nagising ang kasintahan at siya na ang nag-asikaso ng kakainin nila. Sigurado pagod na pagod ito.
Lalo siya napangisi.
"Ang manyak ng ngisi natin ah?"
Natawa siya sa pagbungad ng kasintahan. Agad na niyakap niya ito at mariin na hinalikan sa mga labi nito.
"Masaya lang ako," matapat niyang usal habang nakasubsob ang mukha niya sa buhok nito.
"Dahil...?"
He chuckled. "Dahil nababaliw ako sayo,patay na patay eh!"
Natawa na din ito. "Buang ka talaga," aniya.
Nakangisi na tinitigan niya ang maganda nitong mukha.
"Nag-i love you,too ka din kasi kaya...sobrang saya ko lang.."
"Hindi naman engles ang sinabi ko ah,"turan nito.
Napangisi siya.
" Mahal na mahal na mahal kita!"
Saglit na tumitig sa kanya ang dalaga.
"Mahal na mahal na mahal din kita,"usal nito.
"Aww! Pakiramdam ko babawian na ko ng buhay sa mga salitang yun!"
Naningkit ang mga mata nito. "Tumigil ka nga. Kung ano-ano mga sinasabi mo," saway nito sa kanya.
Nginisihan niya lang ito. Eh sa ganun talaga pakiramdam niya eh! Pwede na siya mamatay ngayon sa sobrang saya.
Iginiya na niya ito paupo sa may highstool chair at pinaglagyan ng pagkain sa pinggan nito.
"Sweet naman," komento nito sa pag-aasikaso nito.
"Oo naman para makascore uli--- Aww!!!"
Napangiwi siya ng pingutin nito ang tainga.
"So,manyakis ka na ngayon ha?"
"Hala! Di ah! Aww! Mylabs,naman! Di ba pwedeng sobrang love lang kita kaya gusto ko maulit ulit iyun?!" depensa niya habang nakauklo pa rin dahil hindi nito binibitawan ang tainga niya.
"Tss,kayong mga lalaki kayo wala kayo ibang gusto samin babae kundi sex!" akusa nito sa kanya na kinalaki ng mga mata at nagpasimangot sa kanya.
"Ganun ba tingin mo sakin,mylabs?!" hinanaing niyang tugon.
Binitawan na nito ang tainga niya inirapan siya bago nito hinarap ang pagkain.
Nakangiwi na hawak niya ang nanakit na tainga. Nilingon siya ng kasintahan at agad na nginitian niya ito.
Tinaasan siya nito ng kilay habang ngumunguya ng pagkain.
"I love you,"bulalas niya.
" kumain ka na nga,"anito sabay hila sa kanya sa katabing upuan nito at pinaglagyan siya ng pagkain sa plato niya.
Napangiti siya sa ginawa ng kasintahan. Bagay na bagay talaga sila. Parehong sweet.
"Eat now.." komando nito.
"Yes,Boss!" agad na talima niya.
Natigilan siya sa pagnguya ng haplusin nito ang namumulang tainga niya.
"Sorry," anito sabay halik roon na kinangisi niya sa tuwa.
"Ayos lang..kahit bugbugin mo ako. Walang problema!"
Piningot siya muli nito. "Siraulo ka talaga!"
Malakas na tawa ang naging tugon niya.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantastikWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...