BOYFRIEND
Agad na natigilan sa paghakbang si Wendell ng madatnan ang paghahanda ni Vivian ng mga pagkain sa center island.
"Tamang-tama ang dating mo nakapaghain na ko," untag nito sa kanya.
Sinulyapan niya ang mga nakahain. Tatlong putahe yun.
"Bakit?"
Agad na napabaling siya sa dalaga na mataman na nakatingin sa kanya. Ngumiti siya ng makabawi mula sa pagkakamangha niya.
"Ito ang unang beses na pinagluto mo ako,anong meron? Hindi naman monthsary natin kasi di pa naman tayo opisyal," aniya.
"Bu-ang ka talaga,umupo ka na..may monthsary-monthsary ka pa nalalaman dyan," sikmat nito sa kanya.
Natawa siya sa tinuran nito. Hay,lalo lang talaga siya naiinlab sa babaeng ito!
Malaki ang ngiti na umupo siya at pumuwesto naman ito sa katapat niya.
"Di tayo tabi?"ungot niya rito.
Sinamaan siya nito ng tingin. " Di naman tayo magkasintahan kaya bakit ako tatabi sayo?"supla nito sa kanya.
Agad na nasapo niya ang puso. "Ouch! Ang sakit naman nun!"
Inirapan siya nito na kinatawa niya.
"Salamat,mylabs.."
"Ewan ko sayo," tugon nito.
Napangiti siya ng paglagyan siya nito ng pagkain sa plato niya.
"Sweet..parang magkasintahan lang!" bulalas niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Magkasintahan agad? Di ba pwedeng inaasikaso ka lang kasi gusto ko magpasalamat sayo sa ginawa mo," tugon nito.
Napangisi siya. Hindi na niya kailangan hulaan kung ano ang ibig sabihin nito.
"Your welcome,mylabs!"
Umiiling na nagpatuloy ito sa paglagay ng pagkain sa plato niya.
"Sana lagi ako may reward noh? Next time kiss naman,"pilyo niyang saad.
" alam mo gutom na lang yan,kumain ka na,"tugon nito.
Nakangisi na sinimulan na niya ang pagkain.
"Salamat talaga sa lahat-lahat na pagtulong mo sakin,Wendell,hindi ko alam kung paano kito mababayaran pagkatapos ng lahat na ito," maya-maya saad nito.
Tinitigan niya ito. Isa lang naman ang gusto niya kabayaran ang mahalin siya nito at maging sila habambuhay.
"Malapit mo na makuha ang hustisya para sa mga magulang mo at pagkatapos ng lahat saka ko sasabihin sayo kung ano ang gusto ko kabayaran," saad niya na kinatingin nito sa kanya. Kinindatan niya ito bago siya sumubo ng pagkain.
"Parang gusto ko kabahan sa kabayaran na hihilingin mo ah," nanliliit ang mga mata nito tumitig sa kanya.
Tumawa siya. "Grabe ka sakin. Huwag ka mag-alala hindi mo mamalayan na naiibigay mo na pala yun sakin ng paunti-unti," aniya sabay ngisi niya rito.
"Tss..parang alam ko na," bulong nito.
Agad na napalingon siya mula sa pagtingala niya sa kalawakan na nakukumutan ng mga nagkikislapan bituin. Ang kanyang mga kauri ng maramdaman ang paglapit ng dalaga sa kinatatayuan niya sa labas ng bahay.
"Namimiss mo na ba ang inyo?"tanong agad nito habang nakatingala na sa taas.
Ibinalik niya roon ang mga mata. "Ang totoo,Oo..nakakamiss. Lalo na mga kabituin ko," anas niya. "Sampu kami magkakalapit sa isa't-isa kasama sina Constell at Alazis,nang kumpleto pa kami doon,masaya.."
Lumipat sa kanya ang mga mata ng dalaga pero pinatili niya ang mga mata sa itaas.
"Dito? Masaya ka ba?"
Unti-unti lumipat ang mga mata niya sa dalaga.
Tinitigan niya ang magandang mukha nito.
"Masaya...pero..ang totoo nakakatakot,"saad niya.
"Bakit?"
"Kasi sabi nila kaakibat ng saya ay kalungkutan," tugon niya.
"A...ako ba..ang magdudulot niyun sayo?" nanantiya nitong tanong.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.
"Mangyari man yun atleast sinunod ko ang sinasabi ng puso ko ng walang pagsisisi sa huli,"aniya.
Nahigit niya ang hininga ng bigla-bigla na lamang hinila siya nito sa batok niya at naglapat ang mga labi nila.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Bago pa man siya makatugon agad na lumayo na ito sa kanya.
" Okay,we try...uhm,girlfriend mo na ko,"anito sabay talikod na nito sa kanya.
Saka siya natauhan sa sinabi nito. "T-talaga?! T-tayo na?! Boyfriend mo na ko?!"
"Oo nga!"malakas nito sagot sabay sarado ng pintuan ng bahay.
" Shit!!! Binigla mo ko dun! I'm so shock! Madaya ka! Hindi ako nakaganti sa kiss mo!"sigaw niya rito.
"Matulog ka na! Itulog mo na yan kabaliwan mo!" malakas nito sabi mula sa loob ng bahay.
Tumawa siya ng malakas.
"Oo,Baliw na baliw ako sayo!"
Napasuntok pa siya sa hangin.
Sobrang saya niya. Masayang-masaya!
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyWendell Azer,isa sa 'bituin ng buhay'. He's funny and naugthy. Maloko sa kanilang magkakaibigan na bituin. Seryoso pa sa seryoso kung kinakailangan. Ipinadala siya sa lupa o sa mundo ng mga tao para sa isang misyon. Ang bigyan ng 'bituin ng buhay'...