Chapter 12

1K 69 3
                                    

PLAN

Ito ang oras na kailangan niya maging seryoso. Gusto niya maging perpekto ang lahat.

Their plan.

Isang plano kung paano mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Vivian.

"May gusto sana ako itanong," untag niya kay Vivian na hanggang ngayon namamangha pa rin sa nangyayari.

Magkakaharap silang apat. Nasa tabi niya ang dalaga sa pahabang sofa at ang dalawa kaibigan naman ay sa magkahiwalay na single sofa.

Bumaling sa kanya ang dalaga.

"Kumuha ako ng private investigator at hindi niya nakuha ang inpormasyon na buhay ka? Na...hindi ka nakaligtas sa insidenteng yun? Paanong..nangyari hindi nila alam na buhay ka? Sino yung bata kasama ng magulang mo na namatay?" sunod-sunod niyang tanong rito.

"Yung bata...kinopkop siya ng mga magulang ko na pagala-gala sa kalsada at...tinuring na anak. Pinili ng mga kamag-anak ko na ilihim ang pagkabuhay ko para na rin sa kaligtasan ko, nanahimik ako para sa kaligtasan nilang lahat pero gayun na lang ang galit ko ng maisara ang kaso..." tugon nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang galit,awa at poot.

Hinawakan niya ang mariin na nakakuyom nitong isang palad na nasa ibabaw ng hita nito.

"Ako dapat ang namatay hindi ang batang yun," puno ng galit at guilt na turan nitong muli.

Pinisil niya ang kamay nito.

"Kung nangyari yun hindi mo mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo,Vivian.."masuyo niyang sabi sa dalaga.

"Wendell is rigth,Ms.Vanez..nabuhay ka para bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila," pagsabad ni Constell.

"Kung handa ka na..maari ko ng pagbuksan muli ang kaso," si Alazis.

Napabaling rito ang dalaga. "Paano? Pinilit ko ipabukas muli ang kaso pero...hindi nila ako pinakikinggan," tiimbagang saad ng dalaga.

"Try me,Ms.Vanez," may panghahamon na tugon nito kay Vivian.

Napailing na lang siya.

"Don't you worry,Ms.Vanez. kahit na ordinaryo tao na lang kami ngayon ni Atorney kayang-kaya ka namin tulungan. Alam mo bang kaya kong pabagsakin ang negosyo ng matandang Olibar na yun?" nakangisi pero mapanganib na saad ni Constell.

"At kaya ko naman siya ipakulong kung...magtitiwala ka samin," si Alazis.

Napangisi siya. He's so lucky to have them.

Napasulyap sa kanya ang dalaga at nakangiti na tinanguan niya ito.

"Okay.."

Sabay sila napatango tatlo.

"Salamat,magtiwala ka lang samin,"aniya.

"Ang unang plano kailangan mong mapalapit sa Olibar na yun. I can make you my secretary to deal with him. Good thing na nakikipag-associate siya sakin para sa isang deal," nakangising simula ni Constell sa unang plano.

"Habang ginagawa niyo yan ni Constell. Sisimulan ko na ang pakikipag-ugnayan sa may hawak ng kaso," si Alazis.

"Tutulong ako kay Alazis. Magpapanggap ako na kamag-anak mo na gustong ipabukas muli ang kasong yun," sabi niya.

Namamanghang napatitig sa kanila ang dalaga.

"Planado niyo na pala,that's...nice," usal nito.

Kinindatan  niya ang dalaga sabay ngisi.

SSL SERIES 3 : WENDELL AZER ByCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon