"Bro! Musta na?" bungad ni Bryle kay Zeus pagpasok namin sa party.
Nasa likod kami ng bahay nila. May swimming pool, maliit pero mataas na tables, dj, waiters, etc.
Year-end party namin kaya napagisipan nilang magparty dito. Hindi dapat ako pupunta kung hindi lang ako pinilit ng asong yun! Bwisit!
Hinintay ko siyang matapos makipagusap kay Bryle bago kami umalis. Nakita kong tumingin si Bryle sa'kin bago bumaling kay Zeus.
"Osige na Bro!" sabi niya at tinapik si Zeus.
Umalis na kami sa pwesto nila. Sinundan ko lang siya dahil wala naman akong ibang pwedeng kausapin dito.
"Ano? Pwede na kong umuwi?" masungit kong tanong.
"Hindi pa," sabi niya.
"Bakit?!" medyo galit na bulong ko.
"Basta hindi pa pwede. Follow me," sabi niya.
"Ayaw ko," sambit ko.
"Wag ng matigas ang ulo. Come on!" pagpupumilit niya.
"Pilitin mo muna ko!" paghahamon ko.
Nanahimik lang siya at tumingin sa'kin.
"Joke!" sabi ko at sinundan siya.
Nagaalinlangan pa kong sumama kasi papasok siya sa loob baka nandiyan parents niya pero narinig kong wala naman daw kaya ayos lang siguro.
"Saan tayo pupunta?" bulong ko.
Pataas kasi kami ng bahay at kinakabahan na ko. Nilabas ko na yung tear gas at binusa.
"Basta, sumunod ka na lang." seryosong sabi niya.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at huminto siya sa harap ng isang pinto. Binuksan niya yung pinto. Nabigla ako nang hinablot niya yung kamay ko at hinatak ako sa loob.
Napatili ako sa ginawa niya pero agad niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.
"Ano ba?!" sigaw ko nang nakapasok na kami at tinanggal kamay niya sa bibig ko.
"Aalis na ko!" sigaw ko.
"Hindi pwede." malamig na sabi niya.
"Anong hindi pwede? Aalis na ko! Ngayon din!" sigaw ko.
Tumalikod at bubuksan na sana yung pinto pero hinila niya ko paharap.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko.
Hindi siya kumikibo at mabigat na paghinga lang niya ang isinusukli niya sa akin.
Magsasalita sana siya pero may kumatok sa pinto.
"Sir Zeus! Tawag po kayo ni Sir Bryle!" sigaw sa pinto.
Inabot niya yung door knob at binuksan ng konti yung pinto.
"Sige Manang Rosie." matamlay na sabi niya.
I smelled his manly scent na nakakaadik. Sobrang lapit niya sa'kin at pag gumalaw ako, magkakadikit ang skin namin kaya stay put muna gurl!
Sinara niya yung pinto at pumunta sa closet niya. Kumuha siya ng damit at naghubad sa harap ko.
Agad kong tinakpan yung mukha ko at lumabas ng pinto. Lahat ng tao sa labas ay napatingin sa pwesto ko. Tumitig sila ng konti at napangiti. Arrrgghhh! Ambabastos niyo! Green minded!
Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa likod ng bahay nila! Grrrr! Bwiset! Pumunta ako sa isang table na walang tao at kinuha ang phone ko.
Sa kalagitnaan ng aking pagsscroll ay biglang may nag pop up na notification sa phone ko.