Kabanata 4

2 0 0
                                    

ASHTON?!

Agad kong hinablot yung dyaryo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi man niya ako niyakap pabalik, masaya pa din ako dahil nandito siya sa harap ko nang buhay.

Kumalas ako sa pagkakayakap nang nakangiti at hinarap siya na nakatingin sa kaniyang mga mata. Seryoso siyang nakatingin sa akin at ang kaniyang labi ay diretso lamang.

"Buti nandito ka? Akala ko pupunt-"

"Why did you do that?" biglang putol niya sa akin.

"Ang alin?" tanong ko,

Alam ko na ang dahilan pero gusto kong malaman mula sa kaniya at mukhang galit siya.

Hindi siya nagsalita at ang mga mata niya ay madilim na nakatingin sa'kin. Para bang sinasaksak na niya ako sa utak niya

"Wag na tayong magmaang-maangan Summer. Alam kong alam mo, na alam nating dalawa ang ginawa mo!" sabi niya habang tinuturo ako.

"S-sorry..." pagpapatawad ko at hinawak ang kaniyang kamay.

"Don't touch me!" sambit niya.

Agad niyang binawi ang kaniyang kamay at pinagpag pa na parang diring diri siya sa kamay ko. Tumingin ako sa mata niya pero inirapan niya lang ako.

Nagsisiunahang mga luha ang isinukli ko sa kaniyang mga sinabi. Nakita ko na siyang galit pero hindi ganiyan ka grabe.

"Wag kang iiyak iyak diyan Summer. Wag mong iniiyakan ang ginawa mo! Wala kang kwentang kaibigan! Sarili kong kaibigan nilagay ako sa alanganin! GUSTO KO LANG NAMANG SUMAYA NG HINDI KA KASAMA!"

Gusto ko lang namang sumaya ng hindi ka kasama...

Gusto ko lang namang sumaya ng hindi ka kasama...

"Tama ba yung narinig ko, Ashton? TAMA BA?! MAY KULANG BA SA BINIGAY KO?! HA?! HINDI BA PWEDENG NAGKAMAL-"

"HINDI PWEDE! SINO BANG TAO ANG GUSTONG MAY NAGKAMALI SA KANIYA?! WAG MO KONG IDAAN SA GANIYAN! PINAGKATIWALAAN KITA! TINANGGAL MO SI FRANCINE SA BUHAY KO! ANG NAGPAPASAYA NG TODO SA AKIN! HOW DARE YOU?!" biglang sigaw niya.

"HOW DARE ME ASHTON! OO! HOW DARE ME! HINDI MO ALAM ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO PAG MAY KASAMA KANG IBA! HINAHANAP KITA LAGI! PERO MADADATNAN KO YUNG ASHTON NA NAKIKISAMA SA IBA! IMBES NA AK-"

"BAKIT?! BAKIT SUMMER?! MALI BA YUNG PILIIN YUNG SARILI KO?! MALI B-"

"OO MALING MALI! DAHIL HINDI LANG SARILI MO YUNG PINILI MO! PATI YUNG TAONG NAGPAPASAYA SA'YO! MAS PINILI MO YUNG TAONG YON KESA SA AKIN! MAS PINILI MO YUNG TAONG MADALANG MO LANG KASAMA KESA SAKIN! SA TAGAL NATING MAGKAIBIGAN NGAYON KA LANG NAGKAGAN-"

"OO SUMMER! MAS PIPILIIN KO YUNG TAONG MADALANG LANG KASAMA! HINDI YUNG IKAW! YUNG IKAW NA NAKAKAUMAY ANG MUKHA NA NAKAKAIRITA NA NAKAKADIRI NA TULAD MO NA NERDY SHIT!"

"PLASTIC KA PALA EH! AFTER ALL THESE YEARS NAGPAPAKAPLASTIC KA SA HARAP KO?! ANONG KLASE KANG KAIBIGAN?! ANG LAKAS MO PANG SABIHAN AKO NG WALANG KWENTA EH IKAW MISMO ITONG MAS MASAHOL PA SA AKIN!"

"MAS GUGUSTUHIN KO NG MAS MASAHOL AKO SA'YO! Basta. Hindi. Ka. Lang. MA.KA.SA.MA!"

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pagkatapo ng mga salita niyang binitawan.

Ang sakit. Parang pinupunit ang puso ko sa mga salitang inilabas niya sa akin. Mas masakit pa pala ang dadanasin ko ngayon.

Yung kaibigan ko nandito sa harap ko magsisisigaw ng hinain niya sa akin. Biruin mo sa tagal ng pagsasama namin may tinatago pala siya?

Ako pala yung naghahabol. Ako lang pala yung sumasaya. Ako lang pala yung natutuwa. Ako lang pala yung nasisisyahan. Ako lang pala yung nagiisip na magkaibigan kami.

The Countdown Until DawnWhere stories live. Discover now