Si Zeus?
And my child...
Mainit na likido ng luha ang tumulo sa aking pisngi. Ngayong nalaman ko na ang buong kwento. Pwede bang? Pwede bang?
Ibalik na lang ako sa dati...
Bakit?
Bakit nangyayari 'to?
Humagulgol ako at mas lalong bumilis ang pagbuhos ng luha ko nang maalala ang lahat ng nangyari.
Tama nga siya!
Dahil sa'kin!
Dahil sa'kin nangyari ang lahat ng ito!
Mula sa akin kay Zeus, kay Francine, kay Ashton at syempre yung anak ko...
Hindi maari!
Ayaw ko na!
Hindi ko na kaya! Ibalik niyo na ko sa dati!
Humagulgol ako ng humagulgol sa upuan. Ano ng gagawin ko? Iiyak na lang ba ako? Hahayaan ko na lang maubos ang oras ko?
Tumingin ako sa relo at 30 minutes na lang ang natitira sa akin. Tumingin ako kay Ashton at nakita kong may kinakalikot siya.
"Walk through walls! Activate!" sigaw ko.
Gagawin ko ang lahat para sainyo. Zeus at sa'yo
Anak...
Kaya natin 'to Summer! Pinunas ko ang mda luha ko at buong lakas akong tumayo at tumakbo papunta kay Zeus. Ililigtas kita kahit anong mangyari.
00:28:24
Kailangan mong bilisan Summer! Nasan na ba yung button na yun?
Hinanap ko sa buong container yung red button at nasa pinakailalim siya. Pinindot ko agad yung button at bumaba lahat ng tubig sa container.
Tumayo ko at pinagmasdan kung paano madrain ang buong container. Nagsimula nanamang magtuluhan ang luha ko dahil sa mga nakatusok sa katawan niya.
Tapos ng maubos ang tubig at tumakbo agad papunta sa kaniya. Hindi pa siya nagising kaya pinagsasampal ko siya.
Tinanggal ko ang mga nakatusok sa kaniya at narinig kong inuubo na siya. Nakahundusay siya kaya inupo ko siya ng maayos.
Ang suot niyang damit ay yung suot niya noon sa hospital. Tinanggal ko ang jacket ko at sinuot sa kaniya.
Minulagat niya ang mata niya at napatingin siya sa kamay ko. Tinaas niya yung tingin niya at tumingin sa akin.
"Sino ka? Summer?" tanong niya.
Binalewala ko ang tanong niya at inalalayan siyang tumayo. Tumingin ako sa relo ko at 15 minutes na lang ang meron ako.
Papunta na kaming pinto ng may baril na tumutok sa ulo ko.
"Akala niyo hahayaan ko kayong umalis?" tanong ni Ashton.
Tumingin ako sa gilid at ngayon nasa noo ko na nakatutok yung baril.
"Akala ko lang yon, pero totoo! Invisible mode! Activate!" sigaw ko.
Bago pa niya maputok sa harap ko ang baril ay hinarap ko si Zeus dahil suot niya yung jacket. Sinipa ko siya at lumabas ng pinto.
Agad kaming tumakbo sa may pinto at pinihit ko pero nakasara. Bumukas yung pinto sa lab at niluwa nito si Ashton na may hawak na baril.
00:08:27
Wala na kong oras. Humanap ako ng pwedeng labasan at nakuha ng atensyon ko yung bintana. May next building pa at nakita ko na may chopper.
No choice tayo Zeus!
"WAAAAAAAAAG!" sigaw ni Ashton.
Huli ka na Ashton.
Hinga Summer. Tumakbo ako ng sobrang bilis at tumalon kami palabas ng bintana. Tila slow-mo ang lahat pati ang pagkabasag ng salamin.
"Flying Mode! Activate!" sigaw ko habang nasa ere.
Tumingin ako sa relo at 4 minutes na lang ang meron ako.
"WAAAAAAAAAAAAH!!"
Nagpagulong gulong kaming nakababa sa rooftop at nagkagasgasgas na ang buong mukha ko.
Tumigil ang paggulong namin at nakita kong lutang pa din si Zeus. Tinayo ko siya at tinignan sa mata.
"Listen to me Zeus! Listen to me! Kailangan mong paandarin yang chopper na yan! Okay?" sigaw ko.
Ilang minuto pa bago siya tumango sa akin. Hindi ko alam pero bakit lutang na lutang siya?
Inalalayan ko siya papuntang chopper at sinampal pa siya ng isa pang beses.
"Zeus! Please! Gawin mo na!" sigaw ko.
Kinalikot na niya ang buong chopper at nagsimula ng umandar. Bakit parang may nakalimutan ako?
Ano yun?
Wait.
YUNG SARILI KO! AT YUNG BABY KO! HALAH!
Tumingin ako sa reko ko at may 2 minutes pa ko. Tumingin ako sa kaniya na busy mangalikot sa makina. Kailangan mo 'to Summer.
"Ikaw na ang bahala Zeus..." sabi ko at hinalikan siya.
00:00:59
Tumalon ako sa chopper at tumakbo papunta sa dulo ng rooftop.
00:00:10
00:00:09
00:00:08
00:00:07
00:00:06
Nakarating na ko sa dulo at tumingin ulit ako sa chopper.
00:00:05
Kaya mo 'to! Summer! Laban lang!
00:00:04
Hindi ko alam pero nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Para sa'yo 'to... Anak...
00:00:03
I love you...
00:00:02
TALON!
00:00:01
"Flying mode! Activat-"
Kasaabay nang pagtigil ng oras ay kasabay din ang pagtigil ng mundo ko. Ang pagtigil ng aking paggalaw. Ang pagtigil ng aking mga naririnig. Ang pagtigil ng aking pagsigaw. Ang pagtigil ng aking puso.
I love you Zeus...
At kasabay din ang pagdilim ng aking paningin.
00:00:00