*Knock Knock*
Kanina pa ko nasa labas na katok ng katok. Isang oras akong nasa labas at katok ng katok at nilalamok pa ko! Bwisit!
"O paaa! Buksan niyo yung pinto! Manang Rosie!" sigaw ko.
Walang sumasagot pero naririnig kong may nagluluto sa loob at yung vacuum cleaner na gumagana. Kumatok ulit ako pero walang sumasagot.
"HOI! BUKSAN NIYO YUNG PINTO!" buong lakas na sigaw ko na halos sumabog na dibdib ko.
"Eto na!"
Pagkabukas ng pinto, bumungad sakin si Papa habang nasa phone.
"Yes, Mr. Lopez." sabi niya sa phone.
Nanlaki ang mata ko nang napatingin siya sa necklace ko. Oo nga pala di ko pa natatago! Malas talaga!
Agad kong tinago sa dibdib ko yung necklace at nagmano sa kaniya.
"Mamaya na lang Mr. Lopez, Babalik ako." putol niya sa kausap.
Nagayos ako ng tayo dahil mukhang galit siya at baka ako pa paginitan niya. Ginagawa niya kong stress ball lagi.
"Ba't ngayon ka lang?" malamig na tanong ni papa.
"May group study po kasi kami, ako po maglelead nun eh." pagsisinungaling ko kay papa.
Pumasok kami sa loob, sumunod ako kay papa na papunta sa kusina.
"Pa, kuhanan po ng card bukas," sabi ko.
Napatigil siya sa paginom ng tubig at tumingin sa akin.
"Try kong pumunta, may appointment ako kay Mr. Feliciano bukas, baka hindi ako makaabot." sabi niya
"Sige po, tataas na po ako." pagpapaalam ko.
Lagi namang ganyan. Hindi pumupunta pag may meetings, programs na magpeperform ako, school events bla bla bla since Grade 1 pa ako.
Nang nakapasok ako ay hinayaan kong mahulog ang katawan ko sa kama at umiglip saglit.
Nakahiga din sa wakas. Sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay naalala ko si Ashton.
Iniwan niya ko kanina na naghahabulan kami tapos sinamahan niya pa si Francine. Malalagot talaga siya!
Kring kring...
Kring kring...
Kring kring...
Ang tagal naman.
"H-hello?" bungad niya.
"Hello, ASHTON?!" sigaw ko.
Habang nanenermon ako sa kaniya ay may biglang sumulpot sa linya niya.
"Babe, mamaya na lang yan, dito bilis ka na lang... hehehehe"
Babe? BABE?! Wait, si Francine yun ah? Anong ginagawa nila? NOOOOOOOOO!
"Susumbong kita kay daddy mo!" sigaw ko.
He's getting into my nerves! Kanina pa siya! Yung kanina kay Zeus tapos ngayon kataksilan niya sa'kin at kay Francine pa siya napunta.
Magsama sila ng bulok niyang pangako 10 years ago!
"Summer!" sigaw ni Ashton.
"Bakit? Tapusin ko lang 'tong barbie art ko." sambit ko sa kaniya.
"Mabilis lang 'to! Sige na!" pilit niya sa'kin.
"Hmph! Sige na nga!" kakulit kulit kasi.
"Summer! Pagtumanda na tayo! Wag muna tayong magkakalovelife neh."
"Bakit?" tanong ko.