Kabanata 12

0 0 0
                                    

Sa wakas na karating din! Ang sakit pa din ng likod ko! Bwisit na kendeng kendeng na yan! Pero ang saya ah! Kumekendeng ka sa ere tapos! Sige lang! Todo na 'to! Parang ganOn!

Dati pinapangarap ko lang makalutang sa ere. Ngayon, hindi lang ako lumutang, kumembot kembot pa! Tapos lumipad din ako! Odiba! Ang bongga!

Dahan-dahan kong inabot yung hawakan nung hagdanan at pinwersa ang aking katawan papunta doon sa lapag.

Nang nakarating ay inactivate ko na yung mode. Tumingin ako sa baba at lulang lula ako! Halos mahulog na puso ko dahil sobrang ba-ba! May fear of heights pa man din ako!

Ang taas pala ng narating ko dito! Napunta lang ako sa Future! Tumingin muna ko sa relo at dalawang pinto pa bago ako makapunta sa pinakataas.

Alam niyo! Nagtataka na ko ah! Bakit parang? Puro lakad na lang inatupad ko dito sa mundong 'to!

Alis na nga ko!

Paliko na ko sa may pinto nung may ari ng UNISTAR. Inexamine muna ng relo ko dahil baka may trap diyan!

Meron nga! May mga laser pa! Tapos nagbabagsakan na mga itak, nakasabit na yung panghati ng pizza pero malaki! Isang mali ko lang ng tapak! Lagapak na buong katawan ko!

Nakalagay naman sa relo kung ano dapat na tiles yung mga tatapakan ko. Nakarating naman ako ng ligtas at nandito na ko sa harap ng pinto.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Yung pawis ko binabagyo na ko. Tapos biglang sumakit ulo ko sa hindi malamang dahilan.

Etong pintong 'to, parang nakita ko na dati pero hindi ko alam kung kailan at saan. Basta ganon! Hindi ko na maalala.

Tinignan ko sa may relo kung may 'Walk through Walls' dito para mas madali yung pagpasok.

Nalaman ko lang sa Minecraft yan eh. Cheater ako eh! AHAHAHAHAHA! jOke lAng!

Naghanap ako at meron! Napakaswerte ko talaga sa relong 'to! Kaso baka mahati katawan ko pag lumakad ako kasi syempre diba baka biglang magstop yung pagiging walk thru walls niya! Mahati pa ko ng wala sa oras!

Wala ng arte arte Summer! Dumiretso ka na!

"Walk through Walls! Activate!"

Napalakas ko ata ng konti. Baka may makarinig.

Tinestong ko muna kung gagana. Nilagay ko yung kamay ko at tumagos siya! Ang galeng! Pwede naman pala eh! Tara na nga!

Dumiretso na ko at tagos na tagos katawan ko! Dinaig pa mens ko noon!

Pagkapasok ko ay nilibot ko ang buong room at  wala namang tao. Alam niyo naman siguro ang mukha ng isang office pero ang motif neto ay dark-blue tapos yung sahig makikita mo reflection mo.

Office siya na pinahigh-tech. May malaking bintana sa side na kung saan makikita ang malaking parte ng isla.

May isang pinto sa kabila na sa tingin ko ay ang lab. Kung saan nandoon ang ASAWA KO!

Dahan-dahan kong nilakad papuntang pinto nang may narinig akong nagsalita sa likod ko.

"As I said, pupunta ka nga dito." isang malalim na boses na sobrang pamilyar sa akin.

Napatigil ako sa paglakad at napapikit ang aking mata. Bumilis ang pintig ng puso ko at muntikan pa kong matisod dahil nanginginig buong katawan ko.

Tumingin ako doon sa salamin sa aking harap at nakikita ko ang sarili ko! NAKIKITA ANG SARILI KO! ANO?!

Anong ginagawa ng relo na 'to?! Bakit?! Ugh! Wala na! Patay akooo!

Isang nakablack suit na lalaki ang nakikita ko sa repleksyon ng salamin. Matangkad siya at maayos ang kaniyang buhok.

The Countdown Until DawnWhere stories live. Discover now