Nakauwi naman ako ng ligtas. Muntikan pang masunog itong buong bahay kaninang nagluluto ako! Hindi ko naman alam kung paano! Buti na lang automatic, pwede mo na lang ienter kung anong lulutoin mo.
MagnaNine kaya matutulog na ako. Dumiretso ako sa taas at pumunta sa Sleep Tight.
Sa gilid ng pinto ay may glass tapos mamimili ka kung single use, family, couple bla bla bla... Meron pang mamimili ng design kung ano. Basta madaming kinakalikot.
Pumasok ako sa loob at nakadim na yung lights. Pinili ko yung galaxy feels. Maganda naman siya. Pangbata!
Makakapagpahinga den! Yehey! Hinayaan kong mahulog ang aking katawan sa may kama.
Kamusta na kaya si Daddy? Si Ashton? Si Z-
Wait? Si Zeus pala. Ano na kayang nangyari sa kaniya dito? Yung necklace? Nagtagumpay kaya ako dun sa parusa? Hayst... bukas na lang Summer.
Nakakapagod man pero kailangan kong gawin 'to. Kung panaginip man 'to. Please... Tulungan mo kong tapusin 'to.
Inayos ko ang aking pagkakahiga at ipinikit ko ang aking mga mata, kasabay non ay ang mahimbing na pagtulog ng aking puso't isipan.
"She's okay.:
Naalimpungatan akong nagising sa gitna ng aking pagkakatulog.
"Are you okay?"
Tumingin ako sa nagtanong sa akin pero hindi ko makita ang mukha niya. Sobrang labo...
"How's our baby?" tanong niya.
"Huh? Anong bab-"
BABY?!?! WAAAAAAAAAAAHH!
KRIIIIIIIIINGG! KRIIIIIIIING! KRIIIIING!
Napabalikwas ako ng gising at yung puso ko. Parang gusto na niyang lumabas dahil sa bilis ng pintig nito.
Anong klaseng panaginip yun? Tapos may lalaki pa. Tapos may BABY! Ugh!
"Kailangan ka na niya... Summer."
Ayan nanaman yang bumubulong na yaaaan! Ano ka? Resorts World Manila? Walang Originality!
Umagang-umaga! Stress ako!
Lumabas ako ng kwarto at dumiretsong banyo. Daily routine syempre, magsisipilyo, magliligo, magbibihis at syempre kakain!
Kumakain ako at biglang may nagpop-up nanaman sa relo.
"24:55:04"
Nawawalan na ko ng time! Kailangan ko ng kumilos! Tara na nga!
Sinuot ko yung suot ko kahapon na binigay ni Francine at hinanda lahat ng gagamitin ko para mamaya.
Ready na ko! Lumabas ako ng bahay at inayos ang aking damit.
Aalis na ko House! Babye! Thanks sa memories na pinagsamahan natin!
Kinuha ko yung "Emergency Shelter" at pinindot ulit yung button. May lumabas na malapad na parang laser at unti unting nilalamon nito pababa yung bahay.
Nang matapos ay nagsimula na kong iplano ang gagawin para mamaya. Basta ang goal ko ay wala na lang papatayin.
Nalaman kong may daan sa may likod ng building at wala masyadong mga tao kaya doon ako didiretso.
Medyo malayo yung likod pero kinaya naman kasi kailangan, diba? Isang malaking bakod ang kaharap ko ngayon, nakakalulang tignan kasi sing tangkad kng niya yung UNISTAR.
"Sticky Shoes! Activate!" sigaw ko.
Dumiretso na ko sa bakod at naglakad pataas. Medyo nahuhulog pa ko kasi diba parang ewan naman naglalakad ka sa pader pataas.
Narating ko nama yung tuktok. Parang naghiking ako sa Mt. Everest! Parang matatangal na paa ko! Pero kaya 'to! PAYTING!
"Zero Gravity! Activate!"
Lumutang ako sa ere at dahan dahan akong nagpababa. Eto yung peyborit part ko eh yung pababa! AHAHAHAHA! Nakaarelax kaya!
Tama na ang satsat! Magfocus ka sa Mission mo! Pati ba naman dito madaldal ka Summer!
Para hindi na ko mahirapan! Syempre! Dapat lang! Ako ma nga lang inutusan gawin 'to! Ako pang magpapakahirap! No no no no! Beri beri wrong...
"Invisible Suit... Activate..."
Syempre dapat bulong bulong lang! Alangan namang sumigaw ako! Edi nangabaril na ko!
Humarap ako sa may salamin at hindi ko makita sarili ko! Oh diba! Perfect! Tara na!
First, dumaan daw sa may basement. Sila ngpapakahirap maghanap ng intruder pero ako pachill chill lang sa pagtakbo habang nakaearphones.
"Because I'm happy!
Clap along if you feel like a room without a roof!
Because I'm happy!
Clap along if you feel like happiness is the truth!"Sing along with me reader!
"Because I'm happy!
Clap along if you know what happiness is to you!
Because I'm happy!
Clap along if you feel like that's what you wanna do!"AYYYY EEEEEMMMM HAAAAPPPIIIII!!!!
"INTRUDER ALERT! INTRUDER ALERT! INTRUDER ALERT!"
HUH?! INTRUDER?! NAHULI AKO?! WHAT THE-
Tumingin ako sa reflection ko at nakainvisible naman ako. Baka narinig nila boses ko? Anong ginagawa mo Summer?!
May mga nagsilabasan na mga tauhan yung yung nung minsan sa van. San kaya ako magtatago?
Naghanap ako ng pagtataguan at nakita ko ang isang malaking vase sa may gilid. Sumulip ako at nakalagpas na sila sa kinaroroonan ko.
Tumingin ako sa relo at may 18 hours pa ko. Grabe ah! Ang bilis ng oras! Parang isang pitik mo lang! Maglalaho na lahat.
Tumingin ako sa relo na kung saan nandon yung map ng building na'to at malapit na ko sa taas! Yehey!
Tumigil ang pagalarm sa buong building. Doon ko na naisipang umalis sa vase na yun! Dahil maalikabok! Jusko!
Saan na ba yung next? Tumingin ako sa relo at kailangan kong dumaan sa may laboratory. Okay! Lets gooo!
Masaya akong naglalakad nang may makita akong isang bintana tapos sa loob ay hinihiwa nila yung tiyan ng isang lalaki at kinuha yung bituka! Ew! Anong ginagawa nila?
Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at medyo bumilis ang steps ko. Pano ba naman kasi! Nakakadiri! Baka sa'kin pa gawin yon!
Nakalagpas na ko ng laboratory. Tinignan ko yung relo at kakailanganin kong mag! HAGDAN! OO! MAGHAGDAN!
1,367 yung steps na aakyatin ko! 1,367! ONE THOUSAND THREE HUNDRED SIXTY SEVEN STEPS! GANON PO SIYA KALALA!
Bawal daw akong magelevator! Kasi daw! Baka matrack ako nung CCTV kahit na nakainvisible ako! Kaya! Wala rin kwenta! Itong Invisible na 'to!
Tumingin muna ako magkabilaan baka kasi may nakatingin. Wala naman ng mga tao kaya binuksan ko na at pumasok.
Simulan na natin ang pagakyat sa Mt. Fuji! Summer! Let the lakad begins!
Siguro 5 minutes na pero sabi ng relo ay 517 steps pa lang nagagawa ko. Nangangawit na tuhod ko pati balakang! Huhu. Ano kayang pwedeng gawin na lang?
Paano kung... Zero gravity! Odiba magsiswimming na lang ako pataas! Hindi ko gagamitin yung "Flying Mode"! Dahil baka! Maubusan ako ng gas diba! Edi mahulog pa ko! Tigok na ko non!
"Zero Gravity! Activate!"
Nagsimula ng lumutang ang aking katawan. Nagswimming ako pataas at nagenjoy enjoy muna! Kasi mamaya! Labanan na!
Syempre dapat may music!
"KENDENG KENDENG! PABORITO NG LOLA KOOOO!"
SIGE PA! YAH! KEMBOT PA! SIGE PA! SIGE PA! AH! AH! AH!
"KENDENG KENDENG! PABORITO NG APU M-
ARAAAAAAAAAAAY!"
A-aray ko!
K-kasakit yung... y-yung b-buto k-ko! Ugh! Ang sakit ng balakang ko!