Kabanata 8

0 0 0
                                    

"Summer! Summer! Gising!"

Mainit na sinag ng araw ang tumama sa aking mga mata. Nanatili akong nakapikit dahil sa bigat ng aking pakiramdam.

"Uy! Gising na! Summer!"

Dahan-dahan kong minulagat ang aking mga mata at isang babae ang nakaharang sa sinag ng araw ang nakatayo sa aking harapan.

"N-nasaan ako?" tanong ko.

"Kailangan ka na niya Summer..."

"A-anong kailangan?" tanong ko.

Binalewala niya ang tanong ko at tumakbo siya palayo sa akin.

"Hoi! Bastos! Bat ka umaalis? Hooooiiii!" sigaw ko.

Patuloy akong tumakbo at malapit ko na siyang marating.

Hahablutin ko na sana ang buhok niya pero natisod ako sa isang bato at bumagsak sa lupa.

"A-aray... Pati ba naman dito clumsy ako..."

Malakas na sigawan ang bumulabog sa aking tainga at pagaalingawngaw ng kanilang sigaw ang gumising sa akin.

"Mrs. Monterey! Mrs. Monterey! Wake up!"

Binuksan ko ang aking mata at liwanag ng isang ilaw ang naglalaro sa aking paningin.

"Mrs. Monterey, Open your eyes, Please..." utos ni ewan.

Binuksan ko ang mata ko at isang yellow-orange na ilaw ang dumiretso sa mata ko.

Agad akong tumayo at sinuri ang buong lugar. Maraming tao ang nakatingin sa akin at may isang mukha ang pamilyar sa'kin pero Nasaan nanaman ako? H-hospital?

"Mrs. Monterey? Are you okay? Bigla na lang daw po kayong bumagsak." tanong nung doctor.

"Doc! Anong araw na po ngayon?" pagbabalewala ko sa sinabi niya.

"April 9..."

Please wag sanang 2058! Huhu...

"...20..." patuloy niya.

20?! Ano?!

"...27"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!"

Bumagsak ang buong lugar sa isang malaking butas ng dilim at kasama na ako don!

ANO NANAMANG NANGYAYARI??!??

Dumilim ang buong lugar at bumalot din ang dilim sa aking paningin.

"Kailangan ka na niya, Summer..."

"Kailangan ka na niya, Summer..."

"Kailangan ka na niya, Summer..."

Minulagat ko ang aking mga mata at lamig ang bumalot sa aking katawan. Malabo man pero amoy ko ang amoy ng mga libro.

"E-excuse me Ma'am."

Napabalikwas ako ng tayo at tumakbo ako sa T-Glass. Agad kong inenter yung location na pupuntahan ko at agad naman itong umandar.

Ano nanamang nagyayari? Nagising ako na may babae tapo sabi pa niya.

"Kailangan ka na niya, Summer..." 

Anong kailangan niya sa'kin? At ako pa ang kailangan niya! Tapos kaninang nagising ako nasa Hospital ako at April 9, 2049. Pero nung dumating ako dito 2059! Ano ba talaga?!

Tapos may isang pamilyar na mukha pa kong nakita kanina sa Hospital. Arrggghhh!

"You had reached your destination!" sabi ng monitor.

The Countdown Until DawnWhere stories live. Discover now