"Mrs. Monterey! Mrs. Monterey! Wake up!"
Binuksan ko ang aking mata at liwanag ng isang ilaw ang naglalaro sa aking paningin.
"Mrs. Monterey, Open your eyes, Please..." utos ni ewan.
Binuksan ko ang mata ko at isang yellow-orange na ilaw ang dumiretso sa mata ko.
Napabalikwas ako ng gising. Tumayo ako sa pagkakahiga at nilibot ang tingin ang buong lugar at nasa Hospital ako.
Hospital?
Wait?
Ito yung panaginip ko nung minsan ah? Tumingin ako doon sa doctor at kaparehas niya yung doctor na panaginip ko dati.
"Doc, a-ano na pong araw ngayon?" tanong ko.
"April 9, 2027, Mrs. Monterey... May masakit po ba?" pagaalala niya.
"Uh, wala naman po." sabi ko na lang pero ang totoo ang sakit ng ulo ko.
Sandali lang. Nananaginip ako ngayon kaya hindi ko dapat sirain 'to. May lumapit na lalaki pero ang labo ng mukha niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at ang aking tiyan. Napaigtad pa ko dahil sa pagkakahawak niya, the way he carried my tummy gave me shivers.
"Are you okay?" tanong niya.
Sandali. Napaganipan ko na 'to ah.
"How's our baby?" tanong niya ulit.
Ito ba yung kanina? Bago ako umalis?
Tumingin ako sa nagtanong sa akin pero hindi ko makita ang mukha niya. Sobrang labo...
"How's our baby?" tanong niya.
"Huh? Anong bab-"
BABY?!?! WAAAAAAAAAAAHH!
Oo nga! Eto yun! Panaganip 'to kaya dapat makisabay ako. So? Eto ang asawa ko? Okay naman siya. Pero parang sa lagay ko ang hirap niyang abutin?
Tumango na lang ako para sa tanong niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, muntikan ko pang iiwas sa kaniya pero di ko ginawa.
Naramdaman kong lumapit ang mukha niya sa mukha ko kaya ipinikit ko na lang ang mukha ko. Isang mainit na halik ang iginawad niya sa noo ko.
Ganito pala kasweet asawa ko. Gusto ko na siyang mayakap. Kaya naman pala pumasa sa akin eh.
"What do you want to eat?" tanong niya.
"Kahit ano." sabi ko na lang.
Umalis siya sa harap ko at lumabas ng room. Magisa lang akong natira doon sa kwartong iyon.
Hinawakan ko ang noo ko kung saan niya ako hinalikan. Bakit hindi ko makita ang mukha niya? Kasi bawal?
Nangawit akong nakahigang paharap kaya nagpaside ko. Pagkaside ko ay may isang cabinet tapos sa taas ay may isang necklace.
Necklace? Bakit parang pamilyar nanaman 'to? Kukunin na sana pero narinig kong may kumatok at pumasok sa loob.
"Excuse me po ma'am! Naiwan ko po yung necklace ko. Pasensya na po!" sabi niya.
Kinuha niya yung necklace na dapat kukunin ko.
"Sige po. Salamat!" pamamaalam niya.
Napabuntong-hininga ako ng makaalis siya. Hindi ko alam pero gumaan pakiramdam ko nang malaman na sa kaniya yung necklace. Ewan ko.
Umabot ata ng 3 minutes bago ko narinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok siya na may dalang fastfoods. Kinuha niya yung table at binaba yung pagkain.
"Let's eat?" pagaaya niya.
Tumango lang ako at agad nilantakan ang lahat ng nakahapag. Ngayon lang ako nagutom ng ganito sa panaginip.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may naalala ako na tanong na itatanong ko sa kaniya.
"Psst.." paswit ki dahil di ko alam name niya syempre.
"What?" tanong niya habang ngumunguya.
"B-bat pala ako nandito?" tanong ko.
Napatigil siya sa pagnguya at tumingin ng diretso sa akin. Hindi ko alam pero parang may something na nangyari bago ako napunta dito.
"Today is your operation for our baby." malalim na boses niyang sabi.
Operation? For what?
Bago pa ko makapagtanong ulit ay may isang pangyayari ang nagpop-up sa utak ko.
"Hindi kita ipapagamit!" sigaw ko sa kaniya.
"We need this Summer! Para sa baby natin 'to!" sigaw din niya sakin.
Frustation attacked me. Lalo na sa nangyayari ngayon. Nagwalk out akong umalis sa sala at dumiretsong kwarto.
Kinuha ko yung letter at binasa.
"Dear Summer,
Nabalitaan ko yung about sa baby mo. I feel sorry about you and the baby. I made this letter or should I say an agreement letter. About sa pwedeng gawin namin sa baby mo. We can save your baby! Summer! We can save the baby! This is an oppurtinity for you! Sa'yo ko lang inoffer. Magagamot ko ang baby mo pero sa isang kondisyon.
Let me use your husband as a monkey test to my new experiment. Wala na kasi akong mahanap na katulad niya yung blood. Sa kaniya lang compatible itong cure na ginagawa ko para sa cancer. Kaya naisipan ko na makipagsundo na lang sa'yo.
Promise! Walang mangyayaring masama sa kaniya. We will take care of your husband. Okay?
If you signed this agreement. We will make sure to put your baby and your husband in safety. Kami ng bahala sa mga gamot, babayaran sa hospital, etc.
Just sign the paper...
UNISTAR Inc.
Ashton "
Naguunahang mainit na likido ang dumaloy sa aking pisngi habang binabasa ang letter. Bakit? Bakit ito pa ang paraan na kailangan gawin?
I can't lose him this time. Lalo na ngayong nanganganib ang anak ko. Paano na lang kapag hindi tumama experiment ni Ashton? Mawawala na lang siya bigla?
Mas lalong lumakas ang agos ng aking luha dahil sa mga naisip ko. Bawal akong magpakastress! Buntis ako!
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siyang may kausap sa phone. Hindi niya pa ko nakita kaya nakinig muna ko sa usapan nila.
"Yes, tomorrow? I'm going to convince him. Thank you, Ashton. Bye."
Ano? Anong gagawin bukas?
Umalis ako sa pagkakatago na parang normal lang. Nakipagdeal ba siya kay Ashton?
"Buo na ang desisyon ko." sabi niya.
Humarap ako sa kaniya at tinignan siya sa mata. Walang bakas na emosyon sa kaniyang mata ang tanging nakikita ko lang ay ang pagmamatigas niya.
"Bakit?" tanong ko.
Nanlalabo nanaman ang aking mata dahil sa mga namumuong luha.
"Bakit kailangan ganito pa?" tanong ko ulit.
Niyakap niya lang ako at hinyaang umiyak sa kaniyang dibdib. Lahat ng luha na matagal kong tinambak ay nilabas ko na sa kaniya lahat.
"It's okay... the most important thing is... we need to give birth to our child safely. Okay? I love you." sabi niya.
Mas lalong tumulo ang luha ko at humagulgol na ko sa bisig niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang aking ulo.
"I love you..."
Huh?