1- Creepy Guy and a "good idea?"

16 5 1
                                    

(A day before)

"Tara na lunch?"

"Wait. Ayusin ko lang gamit ko."

Tumakbo na ako papunta kay Jean na naghihintay sa tapat ng pintuan at nagsabay kami palabas ng room. One month na ang nakalipas nang lumipat kami dito sa school na ito. Senior nanga kami at mas lalong tumutok ako sa aking pag-aaral.

"Hindi nga niya nakita si sir e, nasa harap niya lang pala! Haha!"

Nagkwentuhan pa kami ni Jean at nagtawanan hanggang napadpad na kami sa Cafeteria. I ordered Carbonara and a sandwich samantalangbsiya ay Chicken Fillet at dalawang rice. What a pig.

"Mag diet ka naman Jean!"

"Wala ng diet diet, di na uso yun Pau! Alam mo bang chubby is the new sexy." Rumampa Pa siya hanggang sa table namin.

Natawa naman ako at umiling iling nalang. She's my best friend mula Junior kami, napaka-ingay niya at madaldal. But I like those attitude of her.

Nilantakan ko kaagad ang carborana ko at siya rin. Natatawa Pa ako ng may naiiwang kanin sa labi niya minsan at nabubulunan Pa ito.

"Dahan dahan!"

She just rolled her eyes kaya tumawa nalang ako. I'm enjoying my carbonara when a man just sitted beside me. Napatigil rin si Jean at tumingin sa tabi ko.

"Hi Pau." Nakangiting sabi niya at pilit nalang ako ngumiti at binalik ako tingin sa pagkain.

"I didn't know na malaya ka na palang tawaging Pau ng kahit sino? Especially on a man like him." Diniin ni Jean ang Him at tinuro Pa ang lalaki. Parang walang narinig ang katabi ko at humarap Pa saakin.

"I'm Paul. I like you Pauline. Can I court you?"

Nasamid ako sa sinabi niya kaya mabilis naman itong kinuha ang tubig ko at binigay saakin. Hindi ko ito tinanggap at umubo ubo Pa. Seriously? Like dito Pa talaga ,habang kumakain ako?

"I'm sorry. Jean let's go."

I want to eat all those freakin delicious carbo but I just lost my appetite. Tumayo na kami ni Jean, hinila ko siya para makaalis na agad.

"Pauline! Wait!"

Napapatingin and ibang studyante saamin kaya mabilis na akong tumakbo hila hila ang kaibigan ko. I hate that!

Natapos ang tatlo pang subject at tinuon ko talaga ang atensyon ko dito. Ayokong ang lalaking iyon ang nagpapadagdag sa mabibigat na iniisip ko. Kaylangan ko lang makapasok sa ranking, at ayokong sila ang dahilan kung bakit ako bababa! Nakakainis.

"Bye!"

Kumaway pa ulit ako kay Jean at naglakad na papuntang bus stop. Sinaksak ko ang earphone at nagpatugtog.

Hanggang sa may tumigil ng bus at pumasok na ako sa loob, I sitted on the back. Napatigil ako dahil sa pagvibrate ng phone ko. A text from unknown number.

'Hi! Nakauwi kana ba?'

And another one.

'Ingat ka ha! Mamahalin pa kita!'

Who is this!? Nakakakilabot! Tumingin Pa ako sa mga tao sa loob ng bus pero nga babae lang na nakauniform kagaya ko ang nakita Kong studyante.

Napatalon Pa ako ng nagvibrate ulit ito ng dalawang beses. Geez

'I'll wait Pau. Hanggang sa payagan mo akong ligawan ka.'

'Hey,text back please.'

Napatampal ako sa noo at mabilis na pinatay ang phone. I know it's one of those guys who always disturb me! Nasa school lang yan. Maybe it's Jake? Or that Paul! Ang creepy nila, mga stalker! At hindi amo makapaniwala na alam ko Pa ang mga name nila?

"Omg, ang creepy naman. Itext mo nalang kaya na tigilan ka."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinaglaruan ang phone. It's not that easy! Baka mas itext pa niya ako lalo. And I didn't even know who he was.

"Ayoko. Alam Kong nasa school lang yun."

"And that's even more creepier, Malay mo sinusundan kana."

Hinaplos ko ang braso dahil tumaas ang mga itong. Pinalo ko si Jean. Masama na ito, kung pwede lang lumipat ulit ng school e. Mahirap naman at malapit ng matapos ang first quarter. Tsaka saan naman ako lilipat diba?

"Tinatakot moko!"

"Sinasabi ko lang, para aware ka naman dai."

Umiling iling ako pero nagulat ako ng sumigaw si Jean. Tinakpan mo ang bunganga niya dahil napatingin ang mga kaklase ko saakin. Ano ba utong babaeng to? Ang ingay!

"Why don't you tell that person that you already have a boyfriend!"

Nalaglag ang panga ko sa binulong niya. Umatras ako at dahan dahang umiling. Ayoko sa idea na iyon. Ayoko!

"Oh no. That's not good. That's not good!"

She rolled here eyes and crossed her arms. Tila ba hinihintay niyang magbago ang isip ko. Tumitig lang ako sa kanya ng nakabusangot hanggang sa nagkibit balikat siya ng dumating si Sir. Thank God!

Akala ko tapos na pero hanggang sa nakauwi kami galing sa school ay hindi niya ako tinantanan! This girl, she's getting in my nerve! Ang kulit.

"Hindi mo ba naisip na maaaring tigilan ka niya dahil doon!"

"Oo nga Jean, pero sino? Malay mo maghahanap yun ng proof!"

Napabuga siya ng hangin at parang nalupaypay sa sinabi ko. Ano nanaman ba?

Hindi ako lumabas ng room kanina, buti nalang at nagbaon ako ng lunch at tinuon nalang ang sarili sa pagbabasa ng libro. As always, nakaearphones ako at tila walang naririnig na kahit anong ingay na nanggagaling sa loob ng room. Pero hindi talaga ako tinigilan nung pagtetext ng unknown number, pati sa idea ni Jean!

'Marciana Ellijean'

Napatawa ako ng makita ang whole name ni Jean na nagpop-up sa phone ko pero biglang nawala ang ngiti ko dahil sa mensahe niya.

From: Marciana Ellijean
'lam ko na giiiiirl! Why don't you search a picture of a man na kunwari bf mo. Yung hindi kita ang face ha! I-cover mo sa fb or isend mo nalang doon sa mysterious na lalaki. I'm so genius.

Hindi parin talaga siya tumitigil. Nakauwi nako sa bahay at nakahanda ng matulog pero ito parin ang topic naming dalawa.

Nagdalawang isip ako. Maaaring tama naman siya, I'll just search a picture if a random guy sa pinterest at hindi kita ang mukha. A cover photo in fb will do. Napangisi ako dahil baka nga magandang idea ito. Kinuha ko ang phone ko. At nagsimula ng magtipa sa unknown number.

To: unknown
'Don't ever disturb me again. I have a boyfriend, ayaw mo naman sigurong masuntok ng wala sa oras diba?'

And I change my cover photo at pinalitan ang relationship status sa 'in a relationship.'

Naghintay Pa ako ng reply pero wala na kaya mabilis akong natulog ng nakangiti. Thanks Jean.


Feelings Are FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon