Patay na. Nahuli kami, at terror na teacher Pa talaga nakahuli saamin? Ugh. Kasalanan nanaman ito ni Justin.
"Late na nga kayo, nakuha niyo pang magtago para maglandian?"
Napasinghap ako at marahang umiling. Grabe talaga itong teacher na ito, buti nalang hindi siya ang minor or major subject teacher namin. Marami talaga ang nagsasabi na terror iyan. At ma-issue Pa!
Kanina pa kami nagsi-sikuan ni Justin. Nakahalukipkip siya at irap ng irap saakin. Minsan inaapakan ko pa ang sapatos niya kaya naman may sinisigawan kami nung teacher. Nandito kami ngayon sa kanyang office.
Wala naman akong ibang idadahilan Pa kasi nakuha na talaga kaming aktuwal na nagtatago talaga, pero di ko matanggap na naglalandian kami! Tsk.
"E Sir hindi naman po kami naglalandian. Hindi ko nga po type yang bipolar na yan!"
"Mas hindi kita type! Pagong!"
"Wala akong pake sa side mo! Kaya ako na-late dahil pinagod mo ako kagabi! Kainis."
Pabalik balik ang tingin ni sir saakin at bigla siyang napasinghap at parang nagpipigil ng galit dahil sa sinabi ko. Si Justin naman ay mahinang nagmumura at napahilamos ng mukha. Huh?
"YOU TWO, MAGLILINIS KAYO NG BUONG BASKETBALL COURT! RIGHT NOW!"
Piniga-piga ko ang floor mop at nagsimula ulit mag map ng sahig ng basketball court. Kulob ang court dahil may aircon ito. Halos kalahati na ang namamap ko at hindi manlang ako tulungan nang bwisit na Justin na Yan!
Uminga ako ng malalim at padabog na binaba ang mop. Tinignan ko siyang nakapamewang, nasa mga bleachers siya at ang dalawang braso ay nakabuka at nakarest sa itaas na mga bleachers. Nakatingala siya dahil nakarest din ang upo sa mga bleachers sa kanhang likuran. Kitang kita ko ang jaw line niya at ang marahang pag-galaw ng kanyang adams apple.
"Hoy Dante! Dalawa tayong pinaglinis dito, bakit ba ayaw mo akong tulungan!? Bakla kaba?"
Sumulyap siya saakin at biglang humalukipkip. Tinaas niya ang kanyang isang kilay.
"Inuutusan kita na gawin mo na yan. Tsaka ikaw ang may kasalanan. Ginagawa mong green yung teacher na 'yon. Inisip tuloy niyang pinatulan kita." Nakangiwing sabi niya kaya mas uminit and mukha ko sa galit.
"Totoo naman ah! Ang sakit ng katawan ko sa pinagawa mo saakin!"
"Don't you remember? We have a deal, Maneja."
Ugh!
Nagtitili ako dahil sa galit at parang batang nagpapadyak. Nakanguso ako at nakabusangot habang kinuha ang mop pero biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nakita ang pangalan ni Jean. Natatawa nanaman ako sa pangalan niya kaya napapahagikhik ako ng wala sa oras. Nasulyapan ko namang nakakunot ang noo ni Justin na nakatingin saakin.
From: Marciana Ellijean
Where are you? 30 mins kang late gurl! A-absent kaba? Buti nalang wala tayong ginagawa ngayon dahil busy ang major teachers.Napahinga ako ng maluwag ,buti nalang. Ayoko talagang mahuli sa klase e. Nakangiti akong nagtipa ng mensahe.
To: Marciana Ellijean
Na-late ako! Kasalanan ni Justin kaya kami nahuli ng magtago kami para di masita. Eto, nagmo-mop atm.From: Marciana Ellijean
Wow girl! Pinapahirapan ka parin ba niya? Stop na kasi. Tadyakan mo nalang betlog niya at ipakain sa aso ng kapit bahay niyo.Natawa na ako ng tuluyan. Iniimagine ko palang sobrang nakakatawa na talaga yun. Kainis! Haha! Kakaiba talaga itong babaeng ito. Magtitipa ulit sana ako pero may humila ng mop ko.
"Sino ba yan? Wag ka munang lumandi, naglinis kana!" Pabulyaw na sabi niya.
"Ano? Maglilinis ako pagkatapos into, hindi mo rin naman ako tinutulungan! Epal!" Nakakunot noo Kong sabi at tinignan ulit ang phone pero kinuha na niya yun.
"Hoy Dante! Yung phone ko!"
Halos mapatalon ako ng sipain niya yung maliit na timbang may laman na tubig. What the hell? Sisigawan ko sana nang makalabas na siya ng court. Damn it! Inalis ko ang mga pawis na namuo sa noo ko, malamig dito pero pinagpawisan ako sa pagod. Humanda ka talaga saakin Justin!
"Ma-karma sana talaga ang epal na 'yon! Ang sama ng ugali, bakit ba naging heartthrob yun? Yuck!!"
Humagikhik naman si Jean at pinalo ang braso ko. Nakasimangot ako habang kumakain. Hanggang ngayon nakay Justin parin ang phone ko at hindi ko siya matanaw ngayon dito sa cafeteria.
"May deal Pa kasi kayong nalalaman e."
Bumuga ako ng hangin. Nang magsimula ang kamaliang iyon at ang deal feeling ko nagbago ang lahat. Dumadaldal na ako, mabilis na ako mainip, parang hindi na nakatuon sa pag-aaral ang atensyon ko, parang feeling ko maraming nagbubulungan at tinitignan ako sa malayuan. Aish! Imbes talaga na nag-aaral ako ng mapayapa at wala problema e.
"Humanda talaga ang Justin Dante na iyon. Akala niya kung sino siya!"
"Don't you ever talk about Justin negatively. Hindi mo siya kilala." Napalingon kami sa babaeng maarte magsalita. Nakahalukipkip siya at nakangisi pero binawi niya iyon ng malditang tingin. Geez, kakaiba naman ang mga babae ni Dante.
"So what? Hindi naman ikaw si Justin." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya at sa pagkain nakatuon.
"Haha. Pwede Kong sabihin sa kanya na sinisiraan mo siya sa lahat." Nakangising sabi niya saakin. Binaba ko and making tinidor. Baka hindi ko nanaman ata mauubos and carbonara ko ah. Epal kasi.
"HAHAHAHHHAH!"
Napapatingin ang ibang kumakain saakin at siniko ako nk Jean. I laugh without humor. Nababaliw na talaga ata ako. Tutal nakuha ko naman na ang atensyon nila noon Pa bakit di ko Pa sulitin diba? Tsk!
"Edi sabihin mo. Go! I don't effin care. As if papakinggan ka niya e isa ka lang naman sa babaeng nanghahabol sa kanya. Like a crazy stalker." Natawang sabi ko at ngumisi. Nanlaki naman ang mata niya pero hindi parin siya nagpatinag.
"Duh. Nahiya naman ako sayo, you even take his picture and set as your cover photo. Sino ngayon ang crazy stalker." Napalunok ako sa sinabi niya. Nagbubulungan na ngayon ang nga nasa paligid at lahat sila ay nakatingin saakin.
Darn it!
"Pwede ba Kiara, kung gusto mo ng atensyon at away , Huwag naman dito. Mahiya ka naman."
"It's because of your bitch friend."
"Sumosobra kana ah!" Akmang susugudin siya ni Jean pero pinigilan ko. Nakarinig kami ng tilihan at pagingay ng mga tao sa loob halos lahat mga babae.
"J-just.."
Napalingon ako. Nagalab ako sa galit. Kasalanan ko pero bakit ako galit. Nahihiya narin ako sa sarili ko, wala dapat ako sa posisyon na ito kung hindi dahil sa gumugulo saakin. Kung malalaman ko lang talaga kung sino siya, argh!
"Shut your filthy mouth. Who says she's my stalker?"
Napasinghap ang lahat sa sinabi niya pati ako. Pero mas nag-ingayan ng bigla niya akong akbayan. Nanuyo agad ang lalamuman ko at nanlaki ang matang nakatingin sa kanya.
Para akong nabulunan ng humarap ang mukha niya saakin.
"She's really my girlfriend."
![](https://img.wattpad.com/cover/201795318-288-k451109.jpg)
BINABASA MO ANG
Feelings Are Fatal
أدب المراهقينPauline's a fine girl. A nobody but a model student. Nagaaral siya ng tahimik at ayaw sa atensyon. Good grades and a kind attitude! Marami ngang nagkakagusto sa kanya but she act like she don't care and pushes them away. Pero nagbago ang lahat dahi...