9- spy

9 1 0
                                    

Nananatiling walang emosyon ang mukha ni Justin pagkatapos ang nangyari kanina. Naikwento ko narin ang lahat lahat sa kanya, kung bakit nangyari ang lahat lahat ng ito. Nakailang buntong hininga na ako dahil sobrang awkward na.

Naglalakad kami papunta sa pangalawang bus station dahil wala ng dumadaan dito dahil pasado alas syete na ng gabi.

"Dito nako." Nakangiwing sabi ko at napakamot.

Tumango siya at akmang aalis na pero pinigilan ko ito. Seryosong tinignan niya ang kamay Kong nakahawak sa braso niya kaya kaagad ko itong binitawan.

"A-ahm, salamat ulit-"

"Pwede ba, hindi naman talaga kita tinulungan e. Talaga naiinis lang talaga ako sa mga yun noon pa. Tss."

Ngumuso ako at nagmake face kaya inirapan niya ako.

"Talaga ba? 'Di nga?"

"Oo nga! Assuming kasi masyado."

Umiling iling ako at mas lalaong lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at napaatras.

"Weh? Baka nakakalimutan mo na niyakap moko. Nag-aalala ka nga e. Aminiiiin." I giggled. Tinusok tusok ko Pa ang tagiliran niya kaya namula siya.

"Tsk! Bahala ka nga. Kainis kang pagong ka! Pasalamat ka nga niligtas pa kita dyan." Nagsimula na siya maglakad palayo habang nakapamulsa.

"Kaya nga thank you diba!"

"Di ko kaylangan ng thank you mo!" Sigaw niya ng papalayo na siya saakin.

Tumawa ako at umiling iling. Pumasok nako sa kakatigil lang na bus at umupo na. Bumuntong hininga ako, ano kaya ang nangyari saakin kapag wala si Dante? I'm sure nasa kamay nako ng mga demonyo. Geez.

I texted Justin when I got home, pero wala siyang reply.

Pagkapasok ko sa bahay ay tanaw ko kaagad ang picture frame ni papa kasama si mama wearing her wedding gown. I smiled bitterly nang isinara ang pintuan. Ramdam ko ang kalungkutan sa bahay na ito, isang ilaw lamang ang nakabukas at sa kusina ito. I heard tita humming a song, sa pagkakaalam ko ay magluluto na siya.

Ibinaba ko ang bag sa sofa at binuksan ang lahat ng ilaw.

"Nandyan kana pala Pau. Patayin mo nga ang ibang ilaw, sayang ang koryente."

"Ah tita, gagawa pa po kasi ako ng assignment." Sabi ko na sapat na para marinig nito.

"Hindi kaba gagawa sa kwarto mo?"

"Dito nalang po, mas maliwanag."

I smiled a bit and pulled my necktie off. Inalis ko rin ang sapatos at medyas ko na ipinalit sa tsinelas. Nag-indian sit ako sa lapag at nagumpisa ng buklatin ang aking notebook.

"Anak, kumain ka muna bago gumawa ng asignatura para may laman naman ang tyan mo. Mas marami kang maisasaulo kung ganon."

Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig ang boses ni mama. Luminga linga ako sa paligid pero wala akong makita. Bumuntong hininga ako, I miss my mom. Kahit iniwan niya kami ay nagpapasalamat parin ako dahil inalagaan niya ako at pinalaki. Kahit naiiinis parin ako sa kanya ay di ko masasabing hindi ko siya namiss.

Ibinaba ko ang aking notebook at nagpunta sa kusina. Tinulungan ko si tita na magluto kahit ayaw niya. Kahit wala si mama at papa ngayon, meron parin akong tita na nagaalaga saakin. And I'm very thankful.

Nakangiti akong pumasok ng umaga. I'm in a good mood! Nawawala narin ang inis ko kay Justin dahil sa ginawa niya. Sa mga nangyari akala ko sa mga nababasa kong cliche na stories lang. Tapos ngayon nangyayari na sakin.

Nginingitian ko ang mga kilala Kong naglalakad papuntang school. Pero napatigil ako ng matanaw ko si Kiara kausap yung Rion. Agad na nagtago ako at dahan dahang naglakad papalapit sa kanila.

Bakit sila naguusap?

"Yeah, I know that girl."

"Gusto kong malaman kung totoo bang may relasyon sila nung Justin Dante na iyon."

Nanlaki ang mata ko at lumunok. Ipapa-spy niya kami? Seriously? Gaano kachildish ang isang to, bakit hindi niya ako kayang tantanan? Damn him!

Inis akong lumayo at tumakbo papasok ng school. Dali dali akong pumuntang gymnasium dahil laging nandoon si Justin, at agad ko naman itong natanaw.

"Justin!"

"Uy si Baby!" asar ng ibang players kaya minura sila ni Justin.

"Miss moko?" Nakangising sabi niya ng nakarating na saakin. Agad ko naman siyang sinikmura kaya napamura siya ng malakas.

"Hindi ito oras para maglokohan! Nakita ko si Kiara at Rion naguusap!"

"Ahh,Sino iyon?"

Halos mapafacepalm ako dahil sa tanong niya. Oo nga pala hindi niya kilala si Rion.

"Yung lalaki kahapon. Pinapa-spy niyako! Hindi niya ako tinatantanan, ayaw niyang maniwala na may boyfriend ako!" Nagaalalang sabi ko at napahilamos sa mukha.

"May boyfriend kaba?" At sa pangalawang pagkakataon ay sinikmura ko ulit siya kaya tinaas na niya ang dalawa niyang kamay.

"Fine. Fine. So,ano nang gagawin natin?" At ngumisi siya. Umiling iling agad ako dahil iisa lang talaga ang alam kong nasa isip naming dalawa. Kainis!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Feelings Are FatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon