"Hoy!"
"Pauline Amore!"
"Do this!"
"Go!"
"Faster!"
Napasigaw ako dahil sa masamang panaginip. Pati ba naman sa panaginip ay inuutusan ako nung Justin na yun? Argh!
It's been a week nung nagsimula Kong gawin lahat ng gusto niya. Napapansin ko ring wala ng kung sinong umaaligid saakin kaya isa nalang ang problema ko, si Justin! Lunes nanaman ngayon at naghahanda na ako sa kung ano nanaman ang iuutos ng loko na yun! Buti nalang kaya ko naman ang inuutos niya, pero kapag hindi na ay aayaw nalang ako.
"Ready kana frenny? Alam mo kasi, hung-hang ka! Kung ano ano ang naiisip mo na deal. Hay nako!"
"Eh wala na e, kasalanan ko naman kasi tsaka yung text ng text saakin!"
Napalingon kaming pareho ni Jean sa nagtawag saakin. Umalis kaagad si Jean at naglakad naman ako papalapit kay Justin ng lupaypay ang balikat. Sanay na sanay nako!
"Bitbitin mo." Masungi na sabi nito at nilahad saakin ang Earth model. Namangha Pa ako sa pagkakagawa into dahil parang kuhang kuha talaga ang Earthh, hindi naman sa kuhang kuha pero parang ganon na nga.
"Tagal naman, pagong!"
I rolled my eyes at sinundan naman na siya. Sinisipat ko parin ang hawak Kong model ng biglang may nakabunggo saakin. Hindi ko na na-alalayan ang sarili ko at inisip nalang yung hawak ko kaya ito ang prinoteksyonan ko.
"Aray!" Napangiwi ako, binaba ko muna yung model at sinipat ang binti ko. Nagkaroon na ng gasgas dahil sa biglaang pagkaupo ko.
Napalingon naman kaagad saakin si Justin at tumakbo palapit saakin. I don't know pero I can see guilt and concern in his eyes. Ewan lang.
"B-bakit kaba hindi nagiingat!?" Nakaiwas na tingin niya at kinuha ang model. Akala ko naman tutulungan ako, inuna pa talaga yung project niya.
"Dahil s-sa pagiging clumsy mo malapit ng nasira yung gawa ko! Tsk! Tayo na, tara na." Nagulat ako ng inilahad parin niya ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa project niya.
Nakaiwas paring siya ng tingin saakin at medyo nakakunot ang noo. His lips twisted nang naitayo nako at nauna na siyang naglakad. Natawa ako ng kaunti dahil may puso parin pala ito? Umiling iling ako at hinabol siya, kinuha ulit ang model kaya napatigil siya ng kaunti pero nagpatuloy parin sa paglalakad.
Maraming nagtitinginan at nagbubulungan at halos lahat ay kababaihan, medyo nasanay nanga ako e dahil isang linggo nang ganito ang scenario. Hays.
"Haaaa, lamig ng hangin." Nakangiting sabi ko at dinama ang hangin na humahampas sa buhok at katawan ko.
Nasa rooftop ako ngayon dahil vacant namin. Si jean naman ay tumutulong sa pagayos ng bulletin board namin. Binuksan ko ang coke in a can at uminom.
Nagulat ako ng may bumato saakin ng kung anong karton. Napatingin ako doon, at isa itong kahon ng band aid. Nangunot ang noo ko at tumingin sa likuran ko nang makita Kong nakahalukipkip si Justin doon pero nakatingala lang siya sa langit.
"Saakin ba ito?" Nag-aalangan Kong tanong. Napatingin naman siya saakin at nagtaas ng isang kilay.
"Oo, kainin mo yan."
Parang gusto ko siyang sipain at itulak pababa. Pero anghel ako kaya nakapagtitimpi Pa naman. Gr! I just rolled my eyes at binalik ang tingin sa ulap.
"Di ka talaga nakakausap ng maayos." Naiinis na sabi ko at nakarinig naman ako ng mga yapak. Tumabi siya saakin kaya umurong ako ng kaunti.
"Nagamot mo na ba yang sugat mo?" Mahinahon na sabi niya kaya napatingin ako kaagad sa kanya. Tinignan ko ang tuhod ko dahil nalagyan naman na iyon kanina ng gamot pero wala siyang Band-Aid.

BINABASA MO ANG
Feelings Are Fatal
Teen FictionPauline's a fine girl. A nobody but a model student. Nagaaral siya ng tahimik at ayaw sa atensyon. Good grades and a kind attitude! Marami ngang nagkakagusto sa kanya but she act like she don't care and pushes them away. Pero nagbago ang lahat dahi...