chapter 24

2.5K 61 4
                                    

no edits..

......
may ngiti sa labi akong nagising.hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kasweetan ni errick ka kagabi.sinopresa nya kais ako kagabi at kinunsyaba pa ang mga tao dito sa mansyon. kinapa ko ng bahagya ang katabi ko ngunit nangunot lamang ang aking noo dahil wala akong makapang katabi.bumaling ako dito at wala na talaga akong katabi.himala maaga syang bumangon ngayon samantalang tuwing umaga ay inaabot ako ng siyam siyam bago ko sya mahila paalis sa kama.sino ba ang mag aakala na ang isang errick montellores ay cuddle type  boyfriend.maaga ako gumising pero dahil sa kakulitan nya ay tanghali na din ako nakakaalis sa kama.napagpasyahan ko ng bumangon.ginawa ko na ang morning ritwal ko saka napagpasyahang lumabas ng kwarto.7:00 ng umaga palang.tinalunton ko ang pasilyo pababa ng first floor.dumiritso ako pagkababa ko sa hagdan papuntang kusina.

nadatnan ko roon ang busing busy sa paghahanda ng umagahan na si nanay minda.noon ay nangugulit pa ako sa kanya tumulong pero ngayon ay pinabayaan ko na lang dahil kong matigas ang ulo ko mas doble ang tigas ng pagtaggi niya sa pagtulong ko.aniya ay iyun na nga lang daw ang gawain niya sa mansyon ay aagawan ko pa.natatawa lang ako sa dahilan niya.marahil ay gising narin sina nay nancy at malamang ay nasa manggahan na.ang aagap talaga magising ng mga tao dito sa hacienda.

ahm nay minda nakita nyo po ba si errick.natanong ko nalang.dahil mukhang hindi ito nagawi dito.

ah anh seniorito ba?nakoh maagang umalis may pupuntahan lang daw na importante hindi ba nagpaalam sayo.tanong nito habang busy parin sa ginagawa.nagkusa na akong magtimpla ng kape ko.napanguso nalang ako at naupo na sa upuan doon.

hindi po eh.pagkagising ko po ay wala na sya.ani ko sabay simsim ng kape.saan naman kaya pumunta yun.hindi man lang ako ginising.this is so unusual.kung trabaho naman yun magpapaalam naman yun.

baka naghahanda na naman ng sopresa sayo alam mo naman yung batang yun hindi mo mahulaan.nakangiting turan ni nay minda.nawala naman ang iniisip ko at agad na napangiti.

tingin nyo po?nakangiting tanong ko.

kooh yung batang yun magugulat ka nalang sa mga naiisipan.natatawa ding kwento nito.masaya lang kaming nagkwentuhan ni nay minda hanggang sa matapos ito.ako na ang nagpresintang samahan si nay nancy paghatid ng almusal kila tay ruben.umuwe kasi saglit si nay nancy para kunin ang almusal nila tay ruben.pagkarating doon ay masaya kaming binati ng mga trabahador.nakipagkwentuhan pa muna ako sa kanila bago umuwe.masaya talaga sila kakwentuhan.

agad kong hinanap si errick pagkarating ko sa mansyon.nadatnan ko si nay minda sa sala na nagsisiesta.

nay minda umuwe na po ba si errick.tanong ko rito.

hindi pa hija.hindi ba tumatawag sayo.bahagya lang ako umiling saka nagpaalam dito.ewan ko ba hindi naman ako clingy type na girlfriend na mawala lang saglit ang boyfriend ay kung ano ano na ang naiisip pero iba kasi ngayon.mula pa kaninang umaga ay may iba na akong nararamdaman.para kasing may mali.na may mangyayaring hindi ko magugustuhan.siguro dapat hindi an ako mag iinom ng kape.hindi siguro ako mapapanatag hanggat hindi ko sya nakikitang umuwe.nasanay kasi akong kada umaalis si errick ay kung hindi tumatawag ay panay naman ang text nito para lamang alamin ang ginagawa ko ay kaya naman ay mga sweet messages kaya siguro ako nakakaramdam ng pangamba ngayon dahil wala akong natanggap ngayon ni isa.baka naman nalobat.pero alam kong hindi gagawa at gagawa ng paraan yun para makapagtext sakin.

malakas ang buhos ng ulan sa labas.nag aalala akong nakatanaw sa may veranda sa aking inuukupang silid.hapon na at wala parin ni anino ni errick.nadoble ang pag aalala ko dahil ni wala man lang tawag o text galing dito.dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan.kung ano ano na ang pumapasoksa isip ko.na baka napahamak na sya o naaksidente wag naman sana.hindi na muna ako sumabay sa hapunan nila nay nancy.dahil sabi ko ay hihintayin ko si errick dahil baka hindi pa ito kumain at walang makasabay sa pagkain.napakislot ako ng tumunog ang cp ko.agad ko itong dinampot.at last he called!

His lost love(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon