Chapter 1: Happy and Contented
Lei's POV.
"Lei, wala kana ba talagang ibang gagawin kundi magpakabanal d'yan kay Arriane?" Inis na sambit ni Jaemin na ikinatawa ko lang.
"Sige na kayo na lang kasi, hindi naman ako ang kailangan don."Ngumiti ako sakaniya, "Ayaw mo ba 'yon? Wala kang kaagaw sa chix, wala ako eh." Binigyan niya naman ako ng masamang tingin habang ako'y tinatawanan lamang siya.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo, Lei." Natatawang sambit ni Dale, 'yong tawa niya na parang nagpupunas ng salamin.
"Umalis na tayo, maiwan na 'yan si Lei." Biglang singit naman ni Harry. "Call us if you need something, alright."
Mabilis rin silang umalis, habang ako ay nakaupo lamang at nandito sa tambayan.
Nakaramdam ako ng pagkaburyo. Naisipan kong puntahan si Arriane dahil may project siyang tinatapos.
At sa kamalasan, si Lucas ang kapartner niya. Ang lalaking 'yon. Walang kwenta.
Agad naman akong pumunta sa coffee shop na tinatambayan nila ngayon sa paggawa ng project. Madali lang puntahan kaya nakarating na din ako agad.
Sa malayo pa lang, nakikita ko na agad na masaya silang magkasama. Malandi talaga 'tong si Lucas, pero magtitimpi nalang ako.
Bagong buhay kana Lei, stop being the old Lei.
Isinara ko ang kamao ko at binuksan muli ito para maikalma ang sarili ko at bumuntong hinga.
Pumasok na ako sa loob coffee shop, lumapit ako sa table nila.
Nanatili akong nakatayo hanggang sa mapansin nila akong dalawa sa harap nila.
"Ay anak ka nang-" Halos mapatalon sa gulat na sambit ni Arriane. "A-Ano ka ba, Lei. H-Hindi ka man lang nagsasabi."
Pinipigilan kong ngumiti ng malaki, ang cute niya. Ngumiti nalang ako nang bahagya sa kaniya.
"Tapos na ba 'yan?" Tanong ko sakaniya.
Napukaw ng mata ko si Lucas na binibigyan ako ngayon ng malamig na tingin. Ngunit kahit anong tingin pa ang ibigay niya, wala akong pakielam.
"Hindi pa, eh. Ba't ka pala nandito?" Inosenteng tanong ni Arriane. Napaharap ako sakaniya.
Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. "Kumain tayo sa labas, ituloy niyo nalang 'yan bukas."
"Ah, eh, nagkape na ako. At hindi pa kami tapos-" Sagot niya ngunit naputol.
"Ba't ka nagpapaliwanag d'yan? Project 'to, Arriane." Biglang sagot ni Lucas. Napaharap ako sa kaniya.
Anong pakielam nito?
Napangiti nalang ako, nagpipigil lang ako pero gusto ko nang sapakin sa mukha ang lalaking 'to.
"L-Lucas, ako nalang ang tatapos nito. Bye!" Sabi ni Arriane habang nililigpit ng mabilis ang gamit niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa labas ng coffee shop.
"Saan tayo kakain? Gutom na ako." Sambit nito.
Napangiti ako, ang cute niya. Hays.
"Kahit saan mo gusto." Sagot ko.
Napatingin siya sa akin, "Eh, ikaw nalang." Sambit pa nito.
"Gusto ko?" Tanong ko at tinaas ang kilay ko.
"Ah? Ah, oo- Hehe."
"Gusto ko," Tumingin ako sa mata niya na nakatingin sa mga mata ko. "Ikaw."
Hindi ko maipaliwanag ang reaction ng mukha niya. Parang natatawa, na nahihiya, o kinikilig. Napakagat siya sa labi at sinamaan ako ng tingin.
"Tumigil ka nga! Ayan ka nanaman." Sigaw nito. Napangiti nalang ako sa naging reaction niya.
Hinila ko na siya at pumara ng taxi.
Agad kaming nakarating sa pinakamalapit na Mcdo.
Ngayon lang siya ulit 'di tumanggi sa alok kong kumain. Samantalang dati, halos itaboy niya ako.
Naka-order naman ako agad ng pagkain namin.
"H'wag ka magalala, ililibre kita sa susunod." Sambit nito.
Tingin niya talaga, lahat nang 'to may kapalit. Eh kaya ko nga siya nililigawan, hay nako.
"Wala naman 'to, nililigawan nga kita, 'di ba?"
"Kahit na.." Sagot nito, "Nililigawan mo ako para patunayan na mahal mo ako, hindi para pakainin at maging gastusin mo." Dagdag pa nito.
Natawa ako, pero may point naman siya e. "Kasama na rin doon 'yon. Okay kumain kana lang d'yan."
"How's your day?" Bigla niyang tanong, kaya napatingin ako.
"Uh? Uhm, it's fine. Because I already see you today."
Halos mabuga niya ang float na iniinom niya.
"What's the problem, baby girl?" Tanong ko dito na natatawa.
"Baby girl?" Gulat na tanong niya, "Stop calling me that, It's ew." Kahit kailan talaga. "A-At, wala namang tayo."
Boom. Medyo masakit.
"Okay?"
Kumain nalang siya ng kumain hanggang sa tinuloy niya nanaman ang project na ginagawa niya. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi at ubod niya nang sipag. Samantalang ako, walang nasisimulan.
"Magpahinga ka naman, puro ka aral." Sambit ko.
"Wala akong grade na mapapala sa pahinga. Magagawa ko din yon, kapag okay na 'to." Sambit niya. "Tapos mo na ba 'to?" Bigla siyang tumingin at nakita ko ang mga mata niya sa loob ng salamin niya.
"A-Ah, ano, o-oo. Tapos ko na." Sagot ko at ipinakita ang mala-box kong ngiti.
Kunwari tapos pero hindi talaga.
Matapos naming kumain at gumawa ng project nila, lumabas na kami ng Mcdo.
"Kuya, palimos po–"
"What the f–!" Napahinto kong reaction.
"Huy, ano ba Lei," Bulong sa akin ni Arriane.
Dumukot si Arriane ng barya sa bag niya at inabot ito sa batang namamalimos.
"Oh ayan, kumain ka ah. Ingat." Sambit nito habang inaabot ang barya sa bata, nginitian niya ito.
Nagulat ako sa ginawa ni Arriane kaya naman nakatingin lang ako sa kanila nang bata.
"Salamat, Ate. Ang ganda mo na, ang bait mo pa! Salamat po!" Sambit ng bata at tumakbo na palayo sa amin.
Matapos umalis ng bata ay hinarap naman ako ni Arriane. Sinamaan ako nito ng tingin, anong ginawa ko–
"Akala ko ba nagbago kana! Ba't muntik mo na sigawan 'yong bata!" Medyo mahinahon pero inis na sabi nito, mukha siyang bata.
"E-eh, kasi nagulat ako e." Sagot ko sakaniya at nagkamot nalang ng ulo.
"Kapag may humingi ng tulong sayo, h'wag ka magdadalawang isip na tumulong." Seryosong sabi nito, "Wala namang mawawala kung magbibigay ka nang onting tulong sa nangangailangan, 'di ba?" Dagdag pa nito.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Opo, sorry po." Sagot ko sa kaniya. "Ihahatid na kita sa inyo, para makapagpahinga kana." Pangiiba ko ng usapan, tumango naman siya.
Matapos ang usapan namin na iyon ay hinatid ko na siya sa bahay nila, mukhang pagod na siya. Pagod pero nakikita ko naman sa mata niya na masaya siya. Bago niya tuluyang isara ang gate nila, binigyan niya ako ng ngiti, matamis na ngiti mula sa labi niya.
Buong buo na ang araw ko.
Isa sa mga bagay na nagugustuhan ko sakaniya, 'yong kahit sa simpleng bagay ay masaya siya. Marunong pa makuntento.
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...