Chapter 6

456 25 3
                                    

Chapter 6: Meeting her Mother

Lei's POV.

"Lei, imbitahan sana kita na pumunta sa bahay. Ayos lang siguro sayo?" Pagimbita sa akin ni Arriane sa bahay nila sa di ko alam na dahilan.

"Wala naman tayong gagawin na project, bakit? Bakit tayo pupunta sa inyo?" Nagtatakang tanong ko rito habang umiinom ng kape.

"Basta." Sagot nito at ngumiti. "Basta mamaya, sa bahay tayo dumiretso."

Tumango na lamang ako sa kaniya at ngumiti, habang siya naman ay ipinagpatuloy ang pagbabasa niya ng libro.

---

Arriane's POV.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nanligaw sa akin si Lei, siguro oras na rin para makilala siya ng personal ni Mommy.

"Mommy, aalis na po ako at mamaya pong 5:00 pm ay hintayin niyo ako." Paalam ko kay Mommy. "Pupunta lang po ako sandali sa café." Dagdag ko pa.

3:45 na at malamang kanina pa nasa café si Lei, wala siyang idea na ipakikilala ko na siya kay Mommy bilang manliligaw ko. Wala naman sigurong masama kung malaman ni Mommy eh.

"Okay, hindi ko talaga alam ano bang meron at sinasabi mo pa sa akin na hintayin kita." Malambing at masungit na tono ni Mommy. Kahit kailan siya, parang bata. Hahaha.

"Mabilis lang po ako, sige po. I love you." Huling salita ko at niyakap siya.

Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko na may libro.

"Alright. I love you too, baby."

Ngumiti ako kay Mommy at lumabas na ng bahay. Naglakad lang ako ng onti upang humanap ng taxi at agad itong pinara upang makasakay na papuntang café kung saan naghihintay si Lei.

Ilang minutong byahe lamany ay nakarating na ako sa café.

Nasa pa lamang ako ay nakita ko na agad si Lei sa loob na abalang kinakalikot ang cellphone niya. I don't know, but there's something that makes me smile while looking at him.

Nakangiti akong pumasok ng café, agad na pagpasok ko ay napatingin na agad sa akin si Lei. Ang lalim ng tingin nito sa akin.

Pagkaupo ko ay bigla itong ngumiti. I was surprised, he was giving me a box smile.

"How's your life?" He suddenly asked.

"Fine-"

"Is it full of love because of me?" Pagputol niya sa dapat na sagot ko. Bigla naman kaming natawa parehas sa sinabi niya.

Ang korni niya, pero atleast napangiti niya ako.

"Here's your coffee." Sambit nito at inabot sa akin ang tasa ng capuccino. My favorite.

"Thank you." Sambit ko sa kaniya at ngumiti ito. "Lei, imbitahan sana kita na pumunta sa bahay. Ayos lang siguro sayo?" Diretsong tanong ko agad sa kaniya habang hawak ko na ang libro ko at binasa itong paunti-unti habang naghihintay sa isasagot niya.

"Wala naman tayong gagawin na project, bakit? Bakit tayo pupunta sa inyo?" Bakas sa mukha nito ang pagkagulo, wala kaming kahit anong gagawin na konektado sa school kaya natawa ako ng onti.

"Basta." Maikling sagot ko sa kaniya. "Basta mamaya, sa bahay tayo dumiretso." Dagdag ko pa at diretso ko na binasa ang librong hawak ko.

---

Lei's POV.

Hindi maalis ang ngiti ko habang kasama si Arriane, hindi naman ako ganito noon. Lakas naman pala ng epekto niya sakin, hays.

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon