Chapter 9: Preparation?
Jaemin's POV.
Kasama ko nanaman ang mga tropa kong walang alam kundi kalokohan, at isang himala na mageeffort kami ngayon para sa babae.
Ew, totoo ba 'to? Parang ang bakla. Ewan ko ba kay Lei, pero sige. Tutulungan ko pa rin siya, at oo matutulungan ko nga siya dahil sa kapatid kong si Keith. Humingi ako ng tips kay Keith para sa pagsusurprise ng babae pero sabi ni Lei binigyan na daw siya ng tips ng Mommy ni Arriane. Edi h'wag, Lei. Bahala siya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Dale habang binubuksan ang makina ng kaniyang sasakyan ngayon.
"Sa book store." Sabay na sagot ni Lei at Harry.
"Pupunta tayong book store?" Muling tanong ni Dale na ikinabwisit ko agad.
"Hindi ka ba marunong makaintindi? Oo, book store. Book store ang pupuntahan, h'wag kang tulog." Inis na sagot ko sa kaniya na ikinatawa ng dalawang unggoy.
"Ginagalit mo si songerist." Natatawang sambit ni Harry.
"Puro kasi bar ang nasa utak mo, p're, Dale." Biro pa ni Lei.
Hinayaan ko nalang sila sa mga dada nila, inaantok tuloy ako.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa book store kung saan ay bibili kami ng materials for Arriane's birthday. Honestly, we aren't that close. So, I don't know if she can really appreciate this. But I'm hoping, dapat lang na maappreciate niya dahil nagsakripisyo ako ng tulog para dito.
"Bro, ano nga ulit 'yong sinabi ni Keith?" Tanong ni Lei sa akin ng makapasok na kami ng book store.
"Buy some A-R-R-I-A-N-E balloons, and any happy birthday banners. It must be glittery or shiny, girly things." Sagot ko. Tumango na siya at nagpunta na kami sa kung saan saan dito upang humanap, mabuti at madali lang naman bilihin ang mga bagay na 'yon.
"Naalala ko, sabi ng kapatid ko, you should buy some personal gift mo for Arriane." Sambit ko.
"Ha? Paanong personal?" Nagtatakang tanong nito.
"Yung mga gift na connected sa kung gaano mo siya kakilala." Harry answered.
"Yeah, like 'yong mga merch ng favorite niyang bands, food, basta things, personal. Yung bagay na ikaw lang ang nageeffort, 'yong wala kaming naitulong talaga." Dagdag pa ni Dale.
Tumango na lamang si Lei habang namamangha sa mga nalaman niya.
Hindi ko alam bakit 'di niya pa alam at 'di niya pa naintindihan 'yong simpleng personal na word. Puro kasi landi, just kidding.
Napansin ko nga na nagbago na si Lei, bukod sa hindi na siya 'yong palainom, palapunta ng bar, palasigarilyo. Napansin ko na mas naging masigla na siyang tao, masayahin, naging maeffort na siya, at napapansin ko na ang healthy niya. Mabuti naman 'yon kaso hindi na ganon katulad ng bonding namin sa bar.
Kaunti nalang ata at magiging banal na itong si Lei, hays. Baka bigla nalang 'to kuhain, e.
Napakarami na namin nabili at nagpunta pa kami ng mall para lang bumili pa ng mga regalo namin kay Arriane, basta ako ang binili ko para sa kaniya ay rose na candy. Ewan ko ba at bakit ito ang binili ko, wala akong maisip o idea.
Kumain na kami sa mall at akala ko ay uuwi na kami, pero biglang sa bahay nila Arriane kami nagpunta para ayusin ang mga dala namin. Hindi kaya mahuli kami nito? Hindi naman siguro.
"P're, bilisan natin baka mamaya mahuli tayo!" Pabulong na sambit ni Dale.
Agad siyang binatukan ni Harry. "Ano ka ba? Wala d'yan ngayon si Arriane at ang Mommy niya dahil sinadya na hindi sila d'yan matulog ngayon. Kumalma ka." Sambit ni Harry.
"Oo, kaya para bukas pa 'tong nireready natin." Dagdag ni Lei.
Maya maya lang ay inayos na namin ang lahat sa loob ng kwarto ni Arriane, ang mga balloons, at kung ano ano pa. Medyo natagalan kami at maya maya ay bumaba na nga kami at pumunta kay Manang Yolly na katulong nila, upang magpaalam na kami ay aalis na.
"Gano'n ba, pumarito muna kayo at kumain ng hinanda ko na ulam. Binilin ito sa akin ni Ma'am kaya dito na kayo maghapunan." Manang Yolly.
Nahiya na kaming tumanggi dahil alam namin na ginagawa niya lamang ang trabaho niya na magsilbi.
Pinaghain niya kami at pinilit namin siyang sabayan kami sa pagkain dahil nahihiya kami na kumain ditong lima. Wala rin daw ang Step Dad at ang kapatid niyang si Jared, dahil may iba naman daw itong pinuntahan.
Ilang sandali lang matapos namin kumain ay pinilit na rin namin na h'wag ng maglinis ng pinagkainan si Manang Yolly, dahil alam namin na medyo may edad na siya at kailangan niyang magpahinga. Sinabi namin na kami na ang bahala kung malalaman man ni Tita na kami ang naglinis ng lahat sa kusina, mabait din naman yon.
Nagligpit na ang tatlo habang ako ay nakaupo lang, nakakatamad kumilos kaya bahala silang magayos jan. Inaantok na rin ako kaya ganito. Kaya nanaman nila 'yan, matanda na silang tatlo. Mabuti nalang at hinayaan nila akong 'di kumikilos- o baka di nila ako napapansin dito?
Nagpahinga lang ako habang nanonood sa kanilang tatlo na naglilinis. Hindi ko namalayan na nakakaidlip na pala ako.
"Haha! Tulog mantika!" Narinig kong pagtawa ng tatlong mokong, habang may liwanag na tumatapat sa mukha ko- teka pinapicture-an nila ako?
Napadilat ako at biglang binugaw palayo ang tatlo. Kaunting mura ang lumabas sa mga bibig ko, "Umuwi na tayo." dagdag ko.
Mabuti at nakapagdesisyon na rin kaming umuwi na, nakapagpaalam na rin kami kay Manang Yolly at hinatid na kami nito palabas. Ngayon, nasa sasakyan kami.
"Mauuna na bababa ang antukin ng taon," Pagdadag ni Dale sa ingay nilang tatlo. "Jaemin." sabay sabay nilang sambit sa pangalan ko at tinawanan ako.
"Funny? Huh?" Masungit kong tanong ngunit patuloy pa rin sila sa pagtawa kaya 'di ko nalang pinansin.
"Dito kana, bye antuking manong." Lei. "Salamat p're!" Dagdag pa nito.
"Alam ko, bye." Maikling paalam ko at bumaba na sa sasakyan.
Pumasok na ako ng bahay at sinalubong naman ako ng kapatid kong si Keith.
"How is it? Okay na lahat?" Bungad nitong tanong sa akin.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"I know that she will definitely like it!" Tili nito na parang ewan. Alam kong 'di siya makakapunta kaya naman binigyan niya nalang ako ng tips.
"You are too loud! Go to sleep. Aakyat na ako, good night." Sigaw ko rito bago ako tuluyang pumunta na kwarto ko.
Alam kong matutuwa si Lei sa pagiging masaya ni Arriane para bukas..
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Novela JuvenilLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...