Chapter 17

212 16 4
                                    

Chapter 17: Friend

Dale's POV.

"We can't control him and tell him what he needs to do, he's a man for entering a girl's life." Harry.

Pinaguusapan namin ngayon si Lei.

"I agree, he should be a man. Let's just trust Lei." Jaemin.

Hindi naman pwedeng isipin nalang namin ang dapat gawin ni Lei without telling him, how about Arriane? Hindi namin alam kung ano na ba ang nararamdaman niya ngayon.

Nakaisip ako ng dapat gawin para mapanatag kami na okay lang si Arriane, pero hindi dapat basta malaman lang ni Lei na okay siya. Alam kong hindi ganoon kadali na maging okay ang nararamdaman nilang pareho.

Tapos na ang kwentuhan naming tatlo kaya naman papasok na kami ulit, naisip kong hanapin si Lucas. Hindi na kami close at hindi kami ganoon na naguusap.

Mabuti naman at nakita ko siya agad, magisa lang siya katulad ko.

Agad niya akong nakita kaya nilapitan ko na siya.

"Lucas." Pagtawag ko sa kaniya. Nagtataka siyang tinawag ko siya.

"Bakit?" Tanong naman nito. "Kung gulo lang 'yan, ayoko na ng gulo." Dagdag pa nito.

Natawa naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, nagtaka naman ito na natatawa ako.

"Hindi 'to gulo, hihingi lang sana ako ng pabor sayo. Tayong dalawa lang makakaalam, okay lang ba?" Paghingi ko sa kaniya ng favor.

"What kind of favor?" Tanong nito.

"Bantayan mo si Arriane, always ask her what she feels. Check her always. Ako na ang bahala sayo if ever may need ka, or just tell me if there something happens." Paliwanag ko sa kaniya.

Medyo nagdadalawang isip pa ata siya ngunit madali naman itong pumayag.

"Kahit hindi mo sabihin, binabantayan ko siya. Lalo na't sinaktan siya ng kaibigan mo." Sambit nito.

"Ako na ang magsosorry para doon. Sorry, alam kong walang magagawa ang sorry. Silang dalawa dapat ang umayos ng nangyaring di pagkakaintindihan. I just want you to update me about Arriane, hindi ko naman sasabihin sa iba kung ano na ang nararamdaman niya. I just want to know." Pagpapaliwanag ko pa rito, ang hirap ipaliwanag. "Basta! Ayoko na magexplain. Update mo 'ko, ayan number ko." Inabot ko sa kaniya ang maliit na papel.

"Fine. Alis na 'ko." Umalis na agad ito sa harap ko.

"Salamat!" Medyo pasigaw na sambit ko sa kaniya.

Totoo talaga 'to, 'no? Yung wala ka ngang love life, pero sa love life palang ng kaibigan mo stress kana.

Mabuti nalang at concern talaga ako sa kanila, kayla Arriane at Lei. Mga pasaway, sana naman ay maging maayos na silang dalawa. Lalo na't magulo rin magisip itong si Lei, kung ano ano ang pumapasok sa isip non, eh. Alam na alam ko kung paano magisip 'yon ng sobra.

Hindi maseryosong lalake si Lei, pero kay Arriane? Alam kong sincere siya at mahal niya si Arriane. Pero naguguluhan siya sa mga bagay na nasa paligid niya.

Minsan nga sarili nalang niya ang iniisip niya para hindi na mangialam sa ibang bagay na dapat siyang aware. Siguro kulang pa sa maturity pero, kayang kaya nilang pareho 'yon.

Pero nandito naman kaming mga kaibigan nila para umalalay, para kayanin nila.

A friend should be there when you are in need, not someone who interfere in your life's decision.

Naisipan kong magpunta sa library, baka nandoon si Arriane. Gusto ko lang sana icheck kung ayos lang siya.

Nakarating ako sa library ngunit 'di ko siya nakita doon, ni-anino ni Arriane ay wala akong nakita. Wala naman akong ibang idea kung saan siya magpupunta pa.

Rinig ko ang bulungan ng dalawang estudyanteng naguusap sa gilid ng corridor.

"Nabalitaan ko lang, Arriane and Lei broke up. Isn't funny?" Sambit ng isang babae.

"Mabuti lang 'yon, hindi naman talaga sila nababagay. At baka tinetake advantage lang ni Arriane ang pagiging sikat ni Lei sa school." Sagot naman ng isa.

Sobra sila magsalita, eh hindi nga nila kilala si Arriane. They just know her by her name.

"Yuck, famewhore." Dagdag pa ng isa at humalakhak silang dalawa. Naglakad na lamang akong muli.

Nagpunta ako sa likod ng building, kung saan may bench. Magpapalamig lang muna siguro para makapagisip-isip, para makaramdam na rin siguro ng katahimikan.

Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko hanggang sa makarating ako sa nais kong mapuntahan.

Nagulat ako ng marinig ako ang hagulgol ng isang babae na 'di kalayuan sa akin, napaangat agad ako ng ulo para tignan kung sino ito.

Si Arriane.

Agad ko itong nilapitan at kinausap.

"Hey, stop crying." Nasabi ko nalang bigla dahil hindi ko alam ang dapat gawin para mapatahan siya.

"Ang hirap pigilan ng luha na 'to, ba't kasi nasaktan nanaman ako." Naiiyak na sambit ni Arriane.

"Uhm- Sige, if crying makes you feel better, then cry." Kanina sabi ko ay tumigil na siya sa pagiyak, pero ngayon sabi ko naman ay ipagpatuloy niya lang. Medyo magulo talaga ako.

"I know that I don't have the right to tell you what you need to do, but, can you trust him again?" I asked her.

"How can I trust him if he is the one who broke my heart for the second time in my life?" Patuloy pa rin ito sa pagiyak.

I heard my phone's notification, and I saw a text message. Binuksan ko ang message.

From: Lei

Thank you for everything, Bro. But, can you please leave her now? Makikipagusap lang ako. Thank you.

That was the message that Lei sent me.

Tinignan ko lang si Arriane at mabilis na akong umalis sa pwesto ko, agad na akong naglakad palayo at hindi ko alam kung napansin ba 'yon ni Arriane.

Lei, I'm trusting you. You should fix this, you both need to fix this problem. Strong kayo, that's why I trust the both of you.

I sighed.

Nakalayo na ako sa lugar na 'yon at sana naman ay maayos na talaga nila ito. Pati kami ay apektado sa love life ng kaibigan namin, normal pa ba 'to? Parang dapat ay hindi na ako maghanap ng love life kong pangsarili.

Lei, I trust you...

^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27

Rewrite the Stars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon