Chapter 18: Goodbye.
Arriane's POV.
Hindi ko alam bakit biglang umalis si Dale pero hindi ko nalang siya pinansin sa pagalis niya bigla. Sanay na akong iwanan bigla.
I wish you were here, damn. I really need you, Love. You are the only one I need.
Sobra talaga akong apektado sa mga bagay na nangyayari ngayon sa amin, sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito, kailan ba matatapos ang sakit na binibigay ng mundo sa akin?
"Arriane.." Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.
Agad kong inangat ang ulo ko para makita ang mukha nito. Hindi ako nagkakamali, kilala nga kita talaga.
Agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak mula sa aking mata. Hindi niya siguro dapat makitang ganito ako kahina dahil sa kaniya.
"Bakit?" Agad na tanong ko dito.
Sobrang kailangan kita ngayon, sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo sa bawat oras na may pumapatak na luha mula sa mga mata ko. Sobrang gusto kitang yakapin.
"I'm sorry." Sambit nito na nagpaluha sa akin muli.
"You always know that I'm soft for yo-"
"But I don't want to hurt you again." Pagputol nito sa sinasabi ko. "Arriane, mahal kita. Pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Hindi na ako 'to, e." Dagdag pa nito.
Saan ako nagkulang para hanapin mo ang sarili mo? Saan ako nagkamali?
"Bakit?" Tanging salita na lumabas mula sa labi ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
Saan ako kukuha ng lakas kung ang lakas ko ay nawawala na?
"Lagi kanang nahihirapan nang dahil sa akin." Sagot nito. "Alam kong kakayanin mo 'to, dahil malakas ka."
"Paano? Paano na?" Tanging salita na lumabas pa sa labi ko.
Paano ko kakayanin? Paano ako magiging malakas? Paano na? Pinanghihinaan nalang ako ng loob dahil sa mga sinasabi niya. Lalo akong pinanghihinaan na maisip na mawawala na siya sakin.
"Alam na alam kong kaya mo, nakasama mo ko sa matagal na panahon. Kinaya mo lahat ng problema mo, alam kong kakayanin mo rin 'to." Lei.
Gusto ko lang naman marinig mula sayo na kaya natin 'to ayusin ng magkasama, gusto ko lang naman na marinig kong mahal mo ako at 'di mo rin kaya na ganito tayo. Pero bakit ganito? Kabaligtaran ang lahat. Gusto ko lang naman na yakapin ka ng mahigpit ulit, para mawala na lahat ng sakit na 'to. Pero bakit ganito? Parang mas lumala lang 'yong sakit na nararamdaman ko.
"Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita mapipigilan." Sagot ko sa kaniya.
Sobra kong nararamdaman ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ganito ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
I never thought that one day, I'll be losing you.
"Walang iba, Arriane. Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko." Muling sambit nito. "Lagi mong iingatan sarili mo, matulog kana sa tamang oras at kumain din sa tamang oras." Paalala pa nito.
Hindi mo na ba ako maiingatan? Kaya kailangan kong ingatan ang sarili ko ulit ng magisa. Aalis kana ba talaga sa akin?
"Iiwan mo na 'ko." Salitang lumabas mula sa bibig ko.
Patuloy pa rin ako sa pagiyak dahil sa sakit na 'to. Sobrang sakit na pala talaga.
"H'wag mo na ako hintayin pa." Sambit nito. "Aalis na ako, goodbye." Bigla na itong umalis.
Hindi ko man lang naramdaman ang yakap niya. Hindi ko man lang naramdaman 'yong gusto kong maramdaman, iyon ay ang mabawasan namin ang sakit na nararamdaman ng isa't isa.
Talagang iniwan na niya ako. Bakit parang hindi ko kaya? Kakayanin ko ba talaga 'to? Puro sakit nalang ang iniwan niya sa akin.
Hindi ko na maintindihan ang mga bagay bagay dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ganito nalang pala kadali matatapos ang lahat sa amin, ni hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal ko siya.
Sana ay kaya kong hindi ka hintayin, sana ay kaya kong maging malakas ulit para sa sarili ko.
"I'm so inlove with you, I hope you know." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kawalan.
Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako at nagiisa, matapos mong iwan nang tuluyan.
Oras ay lumilipad, hindi ko alam na sa bawat oras na kasama kita ay isa sa mga pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hanggang kathang isip ko nalang ang lahat.
Hindi ko alam kung babalik ka pa ba sa akin, o baka pagbalik mo ay hindi na ako.. Ang alam ko ay ikaw pa rin para sa akin, palagi.
Umaasa ako kahit alam kong masasaktan lang ako, sobrang nakakapangsisi.
"Wala man lang akong nagawa para magbago isip mo." Bulong ko.
Wala man lang akong nagawa, tuluyan mo pa rin akong iniwan. Tuluyan mo pa rin nilisan ang puso kong pangalan mo'y patuloy na isinisigaw.
"San nagkamali? P'wede bang bumawi?"
Hindi na pala pwedeng ayusin 'to.
Hindi mo ba pwedeng hanapin ang sarili mo kasama ako? Ang bilis naman ng pagalis mo.
Bakit ka nawala sa kalagitnaan ng problemang pwede pa nating solusyonan? At ngayon, iniwan mo na ako para piliin ang sarili mo.
Hindi kita masisisi kung pinili mo ang sarili mo. "Hindi masamang piliin ang sarili paminsan minsan."
Pinipili ko na muli ang sarili ko, pero alam kong ikaw pa rin ang patuloy na hinahanap nito.
I'm always here, waiting.
Sana ay hindi nalang kita hinayaan umalis, ngunit huli na.
Hindi kana babalik pa. Pero katulad nga ng sinabi ko, nandito pa rin ako at umaasa.
Naramdaman kong medyo nahihilo na ako, ngunit wala lang ito.
Pinunasan ko ang mga luha na nasa pisngi ko. Pinipilit kong h'wag nang maiyak pa dahil namamaga na ang mga mata ko, ngunit ang puso ko ay patuloy na nakakaramdam ng bigat.
Nararamdaman kong medyo sumisikip ang paghinga ko, pero hindi ito ang oras na dapat ko 'tong maramdaman. Nasasaktan ako at tsaka pa ito makikisali, babaliwalain ko nalang muna ito.
Huminga ako ng malalim para ilabas ang bigat ng pakiramdam ko.
Nararamdaman ko na talaga, hindi na ako makahinga ng maayos. Pumikit ako at tumulo nanaman ang luha ko. Bakit ba ganito kasakit ang mga bagay na 'to?
Unti onti akong nahirapan na huminga ngunit hinayaan ko ito hanggang sa patuloy na.. Nandilim nalang bigla ang lahat at nawalan na ako ng control sa katawan ko.
In another life, I would be your girl
We keep all our promises be us against the world.
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away. The one that got away...^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
JugendliteraturLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...