Chapter 19: You are always special.
Lei's POV.
Matapos kong isend ang text message ko kay Dale, agad niya itong nabasa. Nakita kong walang alinlangan itong iniwan si Arriane matapos basahin ang message ko.
Hindi ako nito nakita. Ilang minuto na rin ang nakalipas nang makaalis si Dale, nakatingin oa rin ako kay Arriane mula sa malayo. Kitang kita ko ang sakit na bakas sa kaniyang mala-anghel na mukha.
Ilang minuto pa at naisipan kong lapitan na siya.
"Arriane.." Pagtawag ko rito, napakagandang pangalan.
Pansin kong agad nitong pinunasan ang luha na nasa pisngi niya at ang mata niyang basa ng luha. Kahit na pinunasan niya ito, halata ko pa rin ang luha niya.
"Bakit?" Agad na tanong nito matapos niyang punasan ang mga luha.
"I'm sorry." Sinabi ko ito para makahingi ng tawad at pasensya sa lahat ng sakit na nadulot ko sa kaniya.
Alam kong hindi niya deserve ang lahat ng ito, ang lahat ng sakit na naibibigay ko sa kaniya. Kahit sana ako nalang ulit ang makaramdam ng ganitong hirap at sakit.
"You always know that I'm soft for yo-" Agad kong pinutol ang sasabihin nito.
Ayoko na, ayoko na maging mahina ka pang muli para sa akin. Marami kanang nabibigay.
"But I don't want to hurt you again." Pagputol ko sa balak sabihin nito. "Arriane, mahal kita. Pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Hindi na ako 'to, e." Dagdag ko pa, dahil alam ko sa sarili kong mahal ko siya.
Mahal kita, pero kailangan kong hanapin ang sarili ko. I need to fix myself. Napapagod din ako pero baliwala 'to, mas mahalagang tapusin ang sakit na nararamdaman mo nang dahil sa akin.
"Bakit?" Biglang tanong nito sa malamig na tono. Lumuluha na itong muli.
Hindi ko alam kung paano kong ipapaliwanag ang nararamdaman ko sa paraan na hindi kana masasaktan muli, pero kahit anong gawin ko ay masasaktan ka ng paulit ulit dahil sa akin.
"Lagi kanang nahihirapan nang dahil sa akin." Sagot ko sa kaniya. "Alam kong kakayanin mo 'to, dahil malakas ka." Dagdag ko pa.
Sinanay kita na maging malakas, nakasama mo through thick and thin. That's why I know you can do this, without me.
"Paano? Paano na?" Mukhang naguguluhang tanong nito sa akin.
"Alam na alam kong kaya mo, nakasama mo ko sa matagal na panahon. Kinaya mo lahat ng problema mo, alam kong kakayanin mo rin 'to." Sagot ko rito.
Nanghihina akong makita kang gan'yan, nanghihina ako na makita kang nawawalan ng gana. Nakakapanghina makita kang lumuha na ako ang dahilan, ngunit wala akong ibang magawa kundi paluhain ka lang at tignan kung paano pumatak ang mga luha mo.
Wala akong ibang magawa, dahil ayoko na masaktan ka pang muli.
"Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita mapipigilan." Sagot nito, nakakapanghina ngunit kailangan kong maging malakas at harapin itong sakit na hinarap ko.
Nakakalungkot na hindi ko inaasahan na mawawala ka rin sa akin, ni-hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw na hindi kita makakausap o mahahawakan.
I never thought that one day, I'll be losing you.
"Walang iba, Arriane. Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko." Sambit ko. "Lagi mong iingatan sarili mo, matulog kana sa tamang oras at kumain din sa tamang oras."
Alam kong lagi niyang pinapagod ang sarili niya, kaya kailangan niyang magpahinga kahit na wala ako. Hindi na kita maiingatan ngayon.
"Iiwan mo na 'ko." Biglang sambit nito habang patuloy ang luha niya sa pagbagsak, gusto ko man punasan ay hindi ko magawa.
"H'wag mo na ako hintayin pa." Sambit ko.
Hindi ko na kaya pang makita siyang nasasaktan, ayoko na magbago pa ang isip ko. Kailangan ko na dalhin magisa itong sakit na nararamdaman ko, hindi na dapat pang madagdagan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Aalis na ako, goodbye." Paalam ko dito at nagmadali na akong umalis sa lugar na 'yon.
Ayoko na makita ka pang gan'yan. Sobra akong nanghihina. Gustong gusto kong yakapin ka, pero mali na. Mas mabuting bumalik na sa dati.
Naging malambot ako nang dahil sa 'yo. Ikaw ang nagpalambot ng puso kong sinasabi nilang matigas pa sa sementong ginagamit ng karpintero. Ikaw lang ang may kakayahang palambutin ang puso ko. Walang iba, kundi ikaw lang.
Agad na akong humanap ng masasakyan pabalik sa bahay. Agad naman akong nakadating.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Pinower-off ko ang cellphone ko bago tuluyang matulala sa kawalan. Kawalan naman ang kisame na tinititigan ko ngayon.
Naiisip nanaman kita. Siguro tama 'to, para mawala na ulit ang sakit na 'yan, hindi ko alam kung magiging tahimik pa ba ulit ang buhay mo.
Sa simula lang siguro ako masasaktan dahil sa desisyon kong 'to, pero alam kong sa huli ay marerealize rin natin pareho na ito ang makakabuti. Ito ang magsisilbing dahilan para makita natin ang sarili natin.
Sana sa pagbalik ko ay ako pa rin, aasa pa rin akong sa pagbalik ko ay may babalikan pa ako. Sana ay pagbalik ko ay walang iba. Pero kung hindi na ako, tatanggapin ko dahil alam kong hindi madali ang lahat.
Masaya akong parte ka ng buhay ko– naging parte ng buhay ko, at ang nagbigay kulay sa akin.
You always have this special place in my heart, no one can replace you.
Bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa kusina, balak ko sana kumuha ng gatas.
Nakakuha na ako at akmang iinumin ito ngunit nakita ko si Jeremiah, ang kapatid kong may galit sa akin hanggang ngayon. Wala akong pake sa kaniya, wala naman siyang alam. Kahit na magpaliwanag ako ay hindi rin naman ito makikinig sa akin.
Nagmamadali itong lumapit sa akin. Masama ang expression ng mukha nito. Hay nako.
"Anong ginawa mo?" Agad na tanong nito sa akin. Masama ang tingin nito na parang may ginawa akong mali sa kaniya, eh kakauwi ko lang at hindi naman ako nangingialam sa buhay niya.
"Ano nanaman problema mo?" Tanong ko dito at nagbuntong hininga. "Can you just leave me alone? Even for a day?" Iritadong tanong ko pa rito.
"I see, wala ka talaga paki, Kuya." Sagot nito, umalis agad ito sa harapan ko at lumabas na. Hindi ko alam kung ano nanaman ba ang problema niya. Bahala siya.
Habang umiinom ng gatas ay naalala ko si Arriane, I just remember how I literally changed for her.
From beer to milk. Funny, isn't?
You are always special to me, Arriane...
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...