Chapter 5: I've changed
Lei's POV.
Ilang sandali lang ay lumabas na kami dahil hinila niya ako palabas ng timezone. Nakakagulat.
Dinala niya ako sa isang gotohan.
It looks cheap pero hindi magandang1 magjudge agad sa itsura. Malay natin, may kakaiba sa gotohan nila, 'di ba?
Pumasok na kami rito at umupo. Nanahimik lang ako at hinayaan siya na pumili ng kakainin namin dahil siya ang nakakaalam.
"Ilang minutes lang daw ay iseserve na 'yong favorite ko." Sambit niya na nakangiti. "At dapat mong matikman 'yon."
Napangiti ako sa sinabi niya, wala lang I feel so special.
"Ayan na!" gulat kong sambit nito makalipas lang ang ilang minuto.
Habang ang isang babae ay papalapit na nakangiti sa amin dala dala ang goto na mainit at umuusok pa.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain kami.
"Hmm, ang sarap talaga nito." Sambit nito, halatang sarap na sarap nga siya at ito nga ang paborito niya.
"Oo nga." Maikling sagot ko.
"Masarap ba?" Nakangiting tanong nito.
"Oo, salamat." Sagot ko, binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti at tsaka tumuloy sa pagkain niya.
Itinuloy ko na rin ang kinakain ko at nakipagkwentuhan sa kaniya sandali upang makapagpahinga bago umuwi.
Isa itong araw na ito sa mga masasayang memories namin, masayang masaya. Madadagdagan 'to, ipinapangako ko sa sarili ko at sa susunod ay sa kaniya ko na ipapangako.
"Ayos kana ba?" Tanong ko dito matapos lumagok ng tubig. "Ihahatid na kita sa inyo." Dagdag ko pa.
"Hay nako, h'wag na. Malapit na rin naman ang bahay kaya h'wag kana mag-abalang ihatid ako." Arriane.
"Okay lang, sabi ko naman sayo it's part of my work." Muli kong sabi.
"Alam kong mapilit ka e, okay." Mabilis na pagpayag nito na ikinatawa ko.
"Alam mo na talaga, at madali kana kausap ngayon." Sambit ko nang makalabas kami.
"Oo." Maikling sagot niya, "H'wag na tayo sumakay pauwi. Malapit nanaman ito sa subdivision, maglakad na tayo." Dagdag pa nito.
Bigla itong naglakad kaya napasunod nalang din ako sa kaniya.
Iba talaga ang tensiyon kapag siya ang kasama ko, lalo na ang tensiyon sa pagitan namin ngayon habang tahimik na naglalakad.
"Lei?" Pagtawag nito sa akin habang naglalakad kami, napatingin ako sa kaniya ngunit diretso itong nakatingin sa nilalakaran.
"Oh?" Pagsagot ko rito.
"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?" Tanong nito, ano ibig niyang sabihin? "I mean, yung pangliligaw mo sa akin. Hindi ka ba nagaalinlangan sakin?" Tanong pa niya.
"Hindi, bakit?" Tanong ko naman.
Ano naman kaya ang iniisip niya at naitanong niya sakin? Siguro hindi ako ganoon na ka-expressive. Pero mahal ko siya, at handa akong maghintay sa pagiging handa niya.
"Kasi, hindi naman ako tulad ng mga babaeng type mo. Hindi naman ako maganda o ano, wala kong alam sa mga party, walang experience sa relationships or never been in a relationship, ang daming iba pero why did you choose to court me?" Tanong nito at napatingin sakin.
"Because there's something special to you that I can't explain." Sagot ko. "And it's not about having other options, it's all about choosing you because you are the one that I want for my life." Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...