Chapter 11: My last
Lei's POV.
Pinaupo ko na si Arriane at tumabi ako sa kaniya.
"Parang panaginip lang lahat ng 'to," Panimula ko. "Hindi naman 'to panaginip, 'di ba?" Biro ko pang tanong na ikinatawa niya.
"Edi kung panaginip lang 'to, ayoko na magising." Sagot niya na ikinangiti ko. Napakatamis naman.
"Hindi ako makapaniwala na girlfriend na kita." Sambit ko, hinawakan ko ang kamay niya at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Maniwala ka. Simula ngayon, mamahalin na kita." Sagot niya muli. Napangiti ako sa mga katagang sinasabi niya.
"Mamahalin din kita, at hindi ko pagsisisihan na mamahalin kita sa buhay kong 'to." Sambit ko pa, ngumiti kami parehas at nakatingin kami sa kalawakan na puno ng bituin, tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay aninag sa amin.
-
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung sinagot ako ni Arriane sa mismong kaarawan niya.
Marami na rin kaming napagdaanan at 'di pagkakaintindihan at niisa sa mga 'yon ay hindi ko siya sinukuan intindihin sa lahat.
Nakalipas na ang summer vacation at napakaraming outing ata ang magkasama kami. Napakasaya at naumpisahan namin pati ang pasukan na magkasama kami, kahit hindi kami magkaklase ngayon ay hindi iyon naging dahilan para hindi ko siya makita bawat araw. Tuwing recess ay hinihintay ko siya sa labas ng room nila at ako pa rin ang bumibili ng mga pagkain namin dahil bawal siya sa mataong lugar.
Sa uwian naman, madalas ay dumadaan kami sa coffee shop upang bumili ng inumin at tsaka kami dumidiretso sa bahay nila at sinasamahan ko siyang magreview katulad ng dati. Minsan pa ay tinuturuan niya ako, tinutulungan akong magreview para handa ako lagi. Hindi ko nga alam minsan kung sa mga sinasabi niya ba ako nakafocus, o sa kaniya mismo.
Masaya ako sa simpleng araw ngunit masaya, basta nakikita ko siya ay buo na ang araw ko. Alam kong pumutok noon ang balita sa school namin nung naging kami, ngunit hindi ko pinansin lahat. Nanatili akong lumaban sa mga salita nila. Kahit pa halos naalis ang imahe ko sa aming magttropa dahil don, alam kong nananatili pa rin kaming tunay na magkakaibigan.
Si Lucas naman, nanatiling kaibigan ni Arriane, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkasundo. Bukod sa nakaraan namin, hindi pa rin kami magkasundo dahil minsan ay nagseselos ako sa pagiging malapit nila ni Arriane. Ngunit ipinagsasawalang bahala ko nalang, kaibigan lang naman siya.
Napapangiti ako habang iniisip ang mga bagay na nalagpasan namin ni Arriane, alam ko naman simula palang, worth it lahat, worth it ang hirap, worth it si Arriane.
I love her so much.
"Naintindihan mo ba?" Tanong bigla ni Arriane sakin. "Bakit ka naman nakangiti?" Dagdag na tanong pa nito.
"Wala, may naalala lang ako, Love." Sagot ko at naglabas ng hangin sa bibig ko.
"Iniisip mo nanaman siguro 'yong mga nagkakagusto pa rin sayo." Parinig nito. Natawa naman ako.
"Ba't ko naman sila iisipin? Eh, hindi naman sila 'yong love ko, eh." Sambit ko.
"Oo na. Ang sabi ko, naintindihan mo ba 'yong tinuro ko?" Ulit na tanong nito.
"Mamaya nalang ulit, ituro mo sa akin. Medyo nagugutom ako, eh." Sagot ko rito. "I'll buy you something to eat, okay? Wait for me." Paalam ko rito.
Lumabas na ako ng bahay nila Arriane at nagpunta ako sa malapit na convinient store upang bumili ng pagkain.
I was currently looking for something that I can buy.
"Baby!" Someone hugged me from the back. I was shocked.
"What?! Get off me!" Pagpumiglas ko rito.
It was Athena, a girl from my past.
"Didn't you miss me?" She pouted her lips.
"Athena, I don't care about you anymore." Sagot ko rito, naglakad na ako paalis ng bigla akong hilahin nito.
"After mo akong ipagpalit sa pangit? Wow. Hindi ba ikaw pa naghahabol sa akin dati? Now, look at you. Nauwi sa pangit." Sambit ni Athena.
"I don't care about the looks, I don't care about how you see her. She's my girl, not you. Get off your ass out of my life, Athena."
Inalis ko na ang kamay niya at umalis na sa convinient store na iyon. Nagpunta nalang ako sa malapit na bakery upang bumili ng dapat na bibilhin ko.
Sa lahat ba naman nang makikita ko ngayon, si Athena pa. I don't really hate her, I just hate her attitude. Napakataas ng tingin sa sarili. I respect her, but she made me disrespect her. She must respect my girl first, bago ko siya respetuhin ulit.
Bumili na ako ng pagkain at naghintay na ako ng taxi para mapabilis na ang pagbalik ko sa bahay nila Arriane, alam kong hinihintay na niya ako. I miss her already, I wanna hug her right now.
Minutes have passed, and I already arrived at her house with my foods. I smiled.
Pumasok na ako sa kwarto niya, napatingin siya sa akin at sa bitbit ko. Agad kong nilapag sa lamesa ang mga pagkain na bitbit ko. Nilapitan ko si Arriane at niyakap siya.
"Why?" Tanong nito.
"I miss you."
"Bumili ka la-"
"No explanations, I love you." Pagputol ko sa sasabihin niya.
"I love you too. Ang tagal mo." Sagot nito, niyakap niya rin ako pabalik.
"I know, that's why I already missed you. Let's eat." Sagot ko rito at nilabas na ang mga pagkain na binili ko sa labas.
You'll be my last, Arriane..
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Novela JuvenilLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...