Chapter 2: My feelings
Harry's POV.
Kahit labag sa kalooban ko na pigilan ang nararamdaman ko, ginawa ko padin na pigilan. Ayoko na masira kaming magkaibigan nang dahil lang sa babae.
Ayokong maulit ang nangyari kay Lei at Lucas.
Mahirap pala na pigilan ang nararamdaman, pero mas mahirap kapag nawalan ka ng kaibigan.
Siguro, kapag nawala na nga 'tong nararamdaman ko, magiging worth it ang lahat ng hirap at sakit.
Hays.
"Hoy, pst, oks ka lang?" Nagaalala na tanong ni Keith sa akin, ganon ba kahalata na nilalamon ako ng kalungkutan?
"Oo naman, bakit?" Sagot ko sa mayabang na tono habang inaalam ko ang dahilan ng pagtatanong niya.
"Lalim ata ng iniisip mo," Taas kilay nitong sambit, "Hindi ko malaman kung babae ba 'yan, 'di ka naman kase nagseseryoso sa babae." Dagdag nito at sumubo chips.
Binatukan ko ito dahilan para tignan niya ako ng masama. "Loko," asar kong sabi, "At least di ako nasasaktan, e ikaw? Di ka man lang macrush back ng crush mo." Pangungutya ko sakaniya.
"Oh? Sino ba nagsabi sayong may crush ako?" Taas kilay nanaman niyang tanong.
"Sus porket 'di ka nacrush back ni–"
"Duh, skin care is more important." Pailing iling na sambit nito at patuloy na nanood ng horror na pinapanood namin.
Itong si Keith, parang kuya niya. Halatang nagmana kay Jaemin e, masyadong defensive madalas.
Pero kahit ganon, swerte ako na naging bestfriend ko siya kahit na tropa kami ng kuya niya. Pero sabagay, wala namang mali don–
Nandito kami sa bahay namin, madalas kaming dalawa ni Keith dito para samahan siya manood ng mga horror- paborito niyang movies. Mahilig siya sa horror, isa 'yon sa mga dahilan kung bakit naging magbestfriend kami. Siya rin ang nalalapitan ko sa t'wing may 'di kami pagkakaunawaan ng kuya niya.
Siya rin nga pala ang tumulong kay Lei para mapalapit ito kay Arriane..
Sobrang lalim ng pangintindi niya kahit na mas matanda talaga kami sa kaniya.
Ang pinakamadalang kong makita sa kaniya? Ayon ay 'yong lumuha siya, at ayokong makita 'yon.
"Hoy! Ba't ganyan ka ba makatingin sakin?!" Pasigaw na tanong nito.
"Ano? Nanonood kaya ako! Feeling mo ah." Iritang sagot ko dito at tumingin sa tv, at nagpanggap na nanonood.
Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa din siya sakin ng masama.
Humarap ako dito at biglang nagsalita, "Ano? Ba't nakatingin ka pa din sakin?" Malamig na tanong ko. "Tignan mo, ikaw nga 'tong nakatingin sakin." Dagdag ko pa.
"Hindi ka okay, sabihin mo na kasi, ano bang problema?" Lumapit ito sa akin at tumabi.
Nakatingin siya sa akin na para bang naghihintay ng sagot ko.
"Hayst." Buntong hininga ko.
"Kilala na kita, alam ko kung may iniisip kang nagpapahirap sa 'yo."
"Ang bigat lang sa pakiramdam, Keith." Panimula ko.
"Sige, ilabas mo lang 'yan. Makikinig ako." Ngumiti ito sa akin. "Your secrets are safe with me." Kumindat pa ito.
"Alam mo naman dati pa, na may nararamdaman akong kaunti para kay Arriane. And you know that I tried my best to stop my feelings for her, so it won't grow." Pagpapaliwanag ko, tumango siya. "Why is it really hard to stop this feelings?"
"It's hard, because it still grows." She answered. "Hindi nawawala yung nararamdaman mo sakanya habang pinipigilan mo. Lalo pang naggrow." She added.
"It hurts seeing her happy with my bestfriend."
"They say that if you love someone, then you'll have to let them happy. Even though you aren't one of the reasons of their happiness."
It hits me so hard.
"Am I not enough?" I asked.
"Hey," Hinawakan niya ang balikat ko, "You are more than enough. Always remember that." She give me a warm hug.
Ang yakap na palaging nagbibigay gaan sa kalooban ko, ang yakap na nagpapaalala sakin na may isang taong 'di ako iiwan.
Sa ngayon..
Matapos namin manood ng movies ay hinatid ko na siya sa bahay nila, napakadami namin ulit pinagkwentuhan bago siya umuwi. Palagi kaming ganito, sobrang kumportable sa isa't isa.
"Hoy, alis na." Pagpapauwi nito sakin, "Ingat ka." Dagdag pa nito.
Pumasok na ito sa loob at isinarado ang gate nila.
Kahit kailan talaga ang siga niya din, para siyang kuya niya. Hindi na din ako nagtataka dahil parehas lang sila ng ugali. Maarte, mapangasar, maattitude, but still have a soft heart. Kahit siraulo, maasahan.
Naglakad ako palabas ng subdivision nila dahil wala akong dalang sasakyan, nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong pumunta sa malapit na convinient store dito mula sa kinatatayuan ko.
Pagpasok ko ng convinient store ay kumuha na ako ng bibilhin ko at-
Nakita ko si Arriane at Lucas na magkasama.
"Uy, Harry." Bati niya ng makita niya din ako.
"Hello bes," Bati ko dito at tinawag ko siyang bes na nakapagpangiti sa kaniya.
"Baliw hahaha, sige mauna na kami ni Lucas."
"Alam ba ni Lei na kasama mo 'yan?" Tanong ko sakanya sa harap mismo ni Lucas, napataka ng tingin si Lucas.
"Kailangan pa ba malaman ni Lei 'yon?" Tanong naman ni Lucas sa akin. "Gumawa lang kami ng power point, that's it." Paliwanag nito.
"Eh ba't ka-"
"Shh, tama na 'yan." Pagputol ni Arriane. "Mauna na kami Harry ah, gumaw lang kami ng powerpoint, okay." Pagulit niya katulad ng paliwanag ni Lucas. "Lucas, tara." Ngumiti sa akin si Arriane bago pa sila tuluyang makaalis.
Medyo naiinis ako. Bakit hindi man lang aware si Arriane na baka masaktan si Lei? Teka, bakit ako apektado? Hindi dapat ako magreact ng ganito dahil si Lei naman ang makakaramdam non, pero bakit parang naiinis ako sa nakita kong 'yon?
Napagdesisyunan kong umuwi na kaysa isipin pa ang nakita ko na baka maging dahilan pa ng pagkasira ng gabi ko, mas okay pa na iba ang atupagin ko kaysa magfocus nanaman sa mga bagay na masasaktan lang ako.
Hindi na ako magfofocus sa 'yo, Arriane..
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...