Chapter 14: Red roses.
Lei's POV.
Nabanggit sa akin ni Harry na napagtulungan daw si Jaemin kahapon, medyo naguluhan nga lang ako paano nangyari 'yon. Naalala ko rin, wala silang binanggit niisa na pangalan kung sino man ang gumawa non kay Jaemin.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ba 'yon, at kung hindi man namin siya kilala, bakit naman ayaw niyang makita ang pagmumukha namin? Sana pumikit nalang siya.
"How are you, Jae?" Pangangamusta ko sa kaniya.
Tumingin ito sakin at natawa, "What the hell? I'm totally fine." Sagot nito.
"Anyway, who did this to you?" Tanong ko kay Jaemin.
Nagkatinginan silang tatlo, at nagsalita si Dale.
"Hindi talaga sana namin gustong sabihin sa 'yo 'yong totoong gumawa nito." Sagot ni Dale.
Ngayon ay nadadala ako ng kyuryosidad at pagkagulo, bakit? Naguguluhan ako.
"B-Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
"Ayaw lang naman magkagulo, pero s'yempre naisip din namin na kailangan mo rin malaman 'yong totoo kung sino ba 'tong may galit pa rin sa atin." Singit ni Harry.
"It's Jared, Arriane's brother." Biglang sambit naman ni Jaemin.
Nainis ako at isinara ang kamao ko, hindi na ako nagtaka pa na may galit siya sa amin. Matagal na siyang may galit sa amin, sa dahil na 'di namin alam. Sa lahat ng away na napasukan namin, kasama siya sa away.
"Habang tumatanda 'yon, lalong nagiging tanga." Natatawang sambit ni Harry, natawa naman silang dalawa ni Dale.
Ganon ba kalaki ang galit niya sa amin? Wala naman kaming ginagawang masama sa kaniya, sa pagkakaalam ko ay panay lang pakikisawsaw niya sa gulo.
Napagdesisyunan naming apat na magpunta muna sa mall, monthsarry namin ngayon ni Arriane and I'm planning to give her gifts. Simple gifts.
Nakarating na kami sa mall at pumunta sa mga sari sarili naming pupuntahan, nagpunta ako sa department store upang bumili ng damit dahil wala akong dala na extrang damit, wala pa akong balak umuwi sa amin.
Nakapili na ako ng damit, kailangan ko nalang sukatin sa fitting room.
Walang ibang tao sa fitting room, ako lang ang nandito kaya namili na ako ng papasukan kong room o cubicle.
Wala pa sa kalahati ng mga butones ng polo ko ang natatanggal ko ay may kumakatok na, napakaraming bakante bakit dito pa kumatok. Naisip kong baka pinagtitripan ako nila Harry. Kaya natawa nalang ako, ngunit lumakas ang katok.
"Sandali." Sagot ko sa pangangatok nito.
Huminto ito at kumatok ulit ng malakas, hindi ko pa natatanggal ang polo na suot ko. Binuksan ko ng onti ang pinto ngunit hindi ko pa nakikita kung sino ang kumakatok ay tinulak na nito ng sobrang ang pinto at pinasok ang sarili.
Humarap ito sa akin at nanlaki ang mata ko kung sino ito, ngumiti ito sa akin ng nakakaloko. Habang ako ay nasa pagkagulat pa rin.
"Athena, ba't ka nandito?!" Gulat at inis kong tanong, ngunit hindi ito sumagot.
Biglang nanunggab ng halik si Athena na ikinalaki ng mata ko, tinanggal nito unti onti ang polo ko habang hinahalikan ako. Mali 'to..
Hindi pa tumatagal ay bumukas bigla ang pinto, nakita ko si Jeremiah, ang kapatid ko. Gulat na gulat ang reaction nito sa ginagawa sa akin ni Athena. Napatigil naman si Athena at tumingin sa kapatid kong nasa harap namin.
"Mag-uusap tayo, Kuya." Masamang tingin sa akin ni Jeremiah at lumakad paalis.
Tinulak ko si Athena palayo sa akin, sinuot ko na ang damit ko. Sobrang naiinis ako kay Athena ngayon at nagagalit ako sa sarili ko. Bakit hindi ako pumalag agad at lumayo sa kaniya? Mali.
Alam ko sa sarili kong hindi ako tumugon sa mga halik na ginawa niya, ang mali ko lang ay naunahan ako ng pagkagulat. Hindi ko rin alam.
Lumabas na ako dala dala ang mga gamit ko. Tinapunan ko ng masamang tingin si Athena at pinunasan ang labi ko bago umalis at iwan siya sa pwesto niya. Naglakad lang ako ng onti at nakita ko si Jeremiah na may kausap sa cellphone niya, agad niya 'yon na pinatay ng makita niya na palapit na ako sa kaniya.
"Bakit ka nandito?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.
"She ask me to follow you, mapilit siya." Sagot niya. "Eh ikaw? Why are you making out with her on the fitting room?" Biglang tanong nito sa akin.
"Siya 'yong p-"
"How can you disrespect your girlfriend?" Bigla pang tanong nito.
Hindi ako nakasagot pa sa kaniya, natulala na lang ako. Ang sakit pala.
Not being able to defend myself, it hurts me inside. But, Jeremiah is right. Maybe, I don't need to defend myself. Ako naman 'tong isa pang may mali.
Sobrang masakit pero ayoko ipakita, kaya umalis nalang ako sa harap ni Jeremiah. Naglakad ako kung saan man ako mapunta, tumawag ako kay Jaemin para ipaalam na nauna na ako sa kanila umalis. Wala akong nabili na kahit ano.
Naalala ko na magkikita kami ni Arriane ngayon sa isang resto. Agad na ako pumunta don pero bumili muna ako ng bulaklak na mabibigay ko sa kaniya. Red roses.
Nagpunta na agad ako sa usapan namin, maaga ako ng limang minuto sa oras na usapan namin. Naeexcite na 'kong makita siya ngayon.
Ilang minuto akong naghintay, baka medyo late lang siya. Baka may dinaanan lang.
Panay ang tingin ko sa relo ko para tignan ang oras, panay rin ang tingin ko sa labas at paligid ko, umaasang mahahagip ng mga mata ko ang mukha niya sa oras na dumating siya.
Mahigit 30 minutes na ang lumipas ngunit wala pa rin siya, itetext ko na sana siya ngunit mas pinili kong maghintay para bigyan siya ng oras.
"I'm still waiting.." Bulong ko sa aking sarili at ngumiti ng bahagya.
It's already 7:30 pm, 1 hour and 30 na ang nakalipas mula sa usapan namin na 6:00 pm.
Sobrang nagtataka na ako.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at nakasilent pala ako. May text pala akong natanggap mula kay Jaemin.
From: Jaemin
Umuwi kana. Take some rest, Bro.
The message was sent 1 hour ago.
Napatingin nalang ako sa bulaklak na nasa harap ko ngayon na nakapatong sa lamesa. These are beautiful, and will be given to a beautiful woman too.
Sinubukan kong tawagan si Arriane, ilang beses. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit wala naman sumasagot. I don't know what to do anymore.. Okay naman kami.
I decided to visit her at her house, so I can greet her personally.
I bring her the flowers that I bought lately.
Malapit na ako sa bahay nila. Habang naglalakad ako papalapit ay nakita ko siyang kasama si Lucas.
Niyakap siya nito...
^°^°^°^°^
Any suggestions? Add and follow my social media accounts!
FB: Keith (just search KJiminie23)
IG & TWT: kssiopao27
BINABASA MO ANG
Rewrite the Stars
Teen FictionLei Marco. Siya ang lalaking kinahuhumalingan ng mga babae sa Hanguk University, hinahabol, tinitilian dahil sa taglay na kagwapuhan. Tinatawag siyang bad boy, pero magiging good boy pa kaya siya? Ang bad boy na tigasin, lalambot pa rin ba? Magigi...